30-Jealous

2.7K 79 3
                                    

Pawis na pawis ako at hinihingal dahil sa kakatapos na training ko. Si Kenji naman ay parang boss na nakaupo lang habang pinapanuod ang mga galaw ko.

Inirapan ko sya and he just stuck his tongue out.

Apparently, hindi lang gun firing ang pinagawa at itinuro nya. After teaching me how to use guns, pati daggers at iba't-ibang patalim ay isinama nya. He put me in a simulator na may mga manequin na aatakihin ko and at the same time ay may mga explosives sa loob nito na kung hindi ako maingat ay kanina pa ako sumabog.

Dahil hindi ko pa gamay ang mga itinuro nya ay sa sobrang inis ko, ang ginamit ko ay ang kuryente ko.

Like, the heck? Sinong matututo ng isang araw sa lahat ng mga tinuro nya and then be putted in a simulator na inubos yata lahat ng lakas ko?

And even though I forgot that my body recharges itself. May nararamdaman pa rin akong pagod. Psh.

Naupo ako sa upuan katabi ng kay Kenji at uminom ng tubig.

"I want to raise my middle finger on you pero wag na lang. Geez! Nakakapagod!" Angal ko saka tuluyang nahiga.

Tawa ang sinagot nya sa akin saka ako binato ng maliit na twalya.

"Well, atleast you're stronger now. I mean, look at you." Sabi nito sa akin.

Napabangon naman ako at binigyan sya ng straight face saka ko tinignan ang sarili ko.

Wala naman masyadong nagbago, same lang ang katawan ko pero mas naging firm ang muscles sa braso ko. Hindi na ako ung tukad dati na kapag tinignan mo at hinipan ako ng hangin ay alam mong matutumba ako.

Because that was before, I wasn't strong enough not until now.

"Tsk. Whatever. Kumain na tayo. Nagugutom na ako Teriyaki boy." Asar ko sa kanya kaya napasimangot ang mukha nya.

Umalis kami sa pagkakaupo at umalis sa training room na iyon at sabay na naglakad palabas.

"Huwag mo nga akong tawaging Teriyaki Boy. Hindi bagay sa gwapo kong mukha." Sabi nya at nagpogi sign pa.

Inihilamos ko naman sa mukha nya ang palad ko at itinulak palayo.

"Loko. Saan ang gwapo dyan? Edi sana napansin ka na ni----hmgmkppf!" Agad nyang tinakpan ang bibig ko lalo na ng may mapadaan na taga-Sector.

Nang maka-alis ito at agad akong napatawa ng bitawan na nya ang bibig ko.

"Wag ka nga!" Asar na sabi nya habang namumula kaya lalo akong napatawa habang hawak ang aking tyan.

Ang torpe nya talaga! Geez.

"Sige, tawa pa more!" Saka nya ako inirapan.

"Tara na nga!" Inilagay nya ang isang braso sa balikat ko at inakbayan pero tawa pa rin ako ng tawa.

Sa ganoong posisyon kami napatigil ng makita namin si Rain at nakasalubong.

Agad na lumiwanag ang mukha ko. Gosh! Namimiss ko na ang bestfriend ko!

"Oh! Rain! Kakain ka na din? Tara! Sabay na tayo!" Nakangiti kong yakag sa kanya but he didn't answered.

Seryoso lang ang mukha nya at nakita kong napatingin sya sa braso ni Kenji na naka-akbay sa akin. Saka nya tinignan si Kenji.

Narinig kong umubo si Kenji at inalis ang braso nyang naka-akbay sa akin.

Hindi ko naman ito pinansin at binalik ulit ang tingin kay Rain.

"Ano? Tara na?" Excited kong tanong.

Pero agad itong nawala sa sagot nya.

"I can't. Sorry Zoey, busy pa ako eh. Nandyan naman si Kenji, I'm sure he'll accompany you." Sagot nito.

"Ahh..ganun ba?" Ang tangi kong naisagot.

Huminga ng malalim si Rain saka ako binigyan ng maliit na ngiti.

"Yeah. Excuse me, I have to go."

Then he left, leaving me looking at his back slowly dissapearing from my sight.

Accidentally Charged [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon