33-Mission

3.3K 80 2
                                    

The whole evening ay masaya kami ni Rain. The meeting na dapat ay gaganapin kinagabihan ay hindi na natuloy. Chief said it would just be tomorrow morning.

So Rain and I had the time to bond. Ewan ko kung anong bonding sa paghawak nya ng mahigpit sa kamay ko with our fingers entwined together, paminsan-minsang niyayakap ako but either way, I like the sound of a peaceful night.

Dinala nya kasi ako sa isang parte ng sector kung saan makikita ang nasa labas na kalangitan. It was used by the sector para magmanman sa labas pero sinabi ni Rain sa kasalukuyang nagbabantay na kami daw muna.

That he can take a break for about 20 minutes.

Pinasilip nya sa akin doon ang kalangitan sa labas and it was really beautiful dahil nataon na maraming mga bituin ngayon sa kalangitan.

Namiss ko din tuloy ang paglabas-labas pero mas gugustuhin ko na dito sa loob ng sector dahil mas ligtas at kasama ko ang mga mahal ko sa buhay.

"That was beautiful." Pagpuna ko sabay alis ng tingin sa scope. Nakita ko si Rain na nakatingin sa akin habang may ngiti sa labi.

"What?" Kunot ang noo kong tanong kahit sa loob-loob ko ay kinikilig ako.

Hindi kasi ako showy kapag kinikilig, pero sadyang kilalang-kilala na ako ni Rain at alam nya talaga kahit na nagtatago ako ng nararamdaman. Well, except sa hindi nya alam na nagkaroon ako ng crush sa kanya before--hanggang ngayon.

"Wala lang. Ang ganda mo kasi." Nakangisi nyang sabi kaya pinalo ko sya sa braso nya.

Ang landi din minsan ng lalaking to eh!

Kinuha nya ang kamay ko at hinatak paupo sa maliit na sofa sa tabi ng scope. He was playing with my fingers which I find sweet kahit parehas lang kaming tahimik.

"Naalala ko Rain, you called me Zow awhile ago." Sabi ko dito.

"Yeah. Iyon ang tawag ko sayo dati diba?"

Sabi nya sa akin na ikinatango ko. He used to call me Zow before pero nabago na lang dahil hindi nya muna dapat daw gamitin iyon. I don't know for what reason pero mukhang alam ko na.

"So that's your endearment for me?" May mapangakusa akong tingin habang nakangiting nagtanong sa kanya.

Ngumiti naman sya na parang nahihiya kaya lalo syang gumwapo sa paningin ko. Ang cute lang.

"Well, yeah. Rain for you, Zow for me. So we're even now." Sabi nya saka natawa sa pinagsasasabi nya pero bigla syang sumeryoso at tinignan ako sa mga mata ko.

"I love you Zoey. Always remember that." Sabi nya na nagpangiti sa akin.

Sa pagbanggit lang ng nga salitang iyon, grabeng lakas ng tibok ng puso ko.

Hinalikan nya ang noo ko that caused me to close my eyes. Ang sarap sa pakiramdam na malaya na kaming nasasabi ang mga bagay na matagal na naming kinikimkim.

Nagmulat ako ng mata matapos nyang gawin iyon.

"I love you...too Rain.." I said almost breathless ng makitang papalapit ang mukha nya sa akin, palipat lipat ang tingin nya sa mga mata ko at sa labi ko, he looks like he was memorizing my face.

And when he was about to kiss me...ay agad kaming nagkahiwalay dahil sa narinig naming mga yabag ng paa na papalapit.

Kent came in habang hawak ang tinapay nya. Sya kasi ang nakatokang magbantay ngayon na sinabihan ni Rain na magbreak muna.

Agad kaming tumayo ni Rain at nagpasalamat sya kay Kent. Hindi naman ako makatingin kay Kent dahil nahihiya ako. Muntik na kaming....aish. I'll shut up for a moment.

Accidentally Charged [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon