8- Foretell

5.2K 160 11
                                    

As a token of appreciation for adding my story on your reading list. Thank you very much! :D


''''''''''''''''''''''''''''''''''''''




"Sino si Gregory Heinz?"

Nakakunot ang noo kong tanong.

Tinignan naman nila ako na parang hindi sila makapaniwala.

"Hindi mo sya kilala? Hindi mo kilala ang THE Gregory Heinz?" Manghang tanong sa akin ni Mika.

Napapoker face naman ako.

"Magtatanong ba ako kung kilala ko sya?" Sagot ko.

"Gregory Heinz, nag-iisang anak ni Conner Heinz na may-ari ng SkyTech. If his father is a genius in building sh*ts, namana iyon ng anak nya." Paliwanag ni Rain sa akin.

Tumango naman ang ilan. Napansin ko namang lagi ng napapamura si Rain. Papaluin ko bibig nito mamaya. Joke.

"So why does that makes us in trouble?" Tanong ko.

"Because, mas marami syang magagawa, may mapagkukunan sya ng materials. May mga tauhan sya na pwede nyang hiramin sa tatay nya para makagawa ng isang costume na wala ng makakatalo." Exasperated na sabi ni Abby.

Napailing na lang ako.

"Masyado nyong pinapababa ang mga sarili nyo. Huwag nyong isipin ang kalaban nyo, ang isipin nyo ay kung ano ang goal nyo. At iyon ay ang manalo tayo. Aba! Nakataya din dito grade ko kaya hindi pwedeng ma-chugi ako ni kalbs." Sabi ko pa habang nakapameywang

"Tama si Zoey guys. We should do our best para manalo." Sangayon ni Lauren.

"Tama! Kaya tayo na at magtrabaho." Sabi ko.

"San tayo bibili ng materials?" Tanong ni Kate.

"Hindi pwede sa mall dahil puro mahal ang nandoon." Sabi ni Jm.

"May alam akong lugar." Pagsasalita ni Bien sa gitna ng katahimikan.

"Saan?" Halos sabay-sabay naming tanong sa kanya.

"Sa dating tinatawag nilang Divisoria." Sagot ni Bien.

"Huh? Eh diba inalis na iyon ng gobyerno?" Tanong ni Leni.

"Oo, pero lumipat sila sa District 10, mababait ang mga tao doon at pasikreto silang pinoprotektahan ng Ministry doon kaya walang nakakaalam na nageexist pa sila." Paliwanag nya pa.

"Oh edi tara na. Pumunta na tayo sa may station." Sabi ni Monica.

Sumangayon kami at hinayaan muna nila akong magpalit ng damit. Pero hindi ko inalis ang mga mittens ko.

Nang makarating kami sa lugar na pagbibilhan ng materyales ay agad kaming pumunta sa bilihan ng mga tela, agad naman kami nakamura at wala pa sa limang-daang piso ang nagastos namin para sa tela. Nang matapos kami sa pamimili ay napagpasyahan muna naming maghiwa-hiwalay at ipatago pansamantala ang mga pinamili sa isang tindahan na sumangayon naman. Nagsama-sama sina Kate, Leni, Monica, JM, John at Oliver. Samantalang sina Clarise, Abby at Mika naman ang magkakasama. Sina Lauren at Bien din ay bumukod kaya kaming dalawa ni Rain ulit ang magkasama.

Nagusap-usap nalang kami na magkita sa may gitna ng plaza kung saan naroroon ang malaking fountain ng mga bandang alas-singko ng hapon.

"Kain muna tayo. 12 na." Pag-aya ni Rain sa akin. Sumunod naman ako sa kanya.

Accidentally Charged [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon