35-Together

2.8K 68 1
                                    

Nakahanda na ang buong Alpha Team kinabukasan.

Chief gave me the official uniform of Alpha Team ng makabalik kami kagabi matapos ang moment namin ni Rain.

Binati naman ako nina Tucker, Liz, Kim at Kenji pati na rin daw ang official na pagiging kami ni Rain.

Dr. Warren or as what he said na tawagin ko na lang din daw syang Warren tulad ng tawag sa kanya ng Alpha Team, ay nakasuot din ng pangcombat.

We're going to use a van, pero gagamitin lang namin ito hanggang makalabas ng Area 51, kung saan naroroon ang sector. Matagal na pala ang lugar na ito na inabanduna ng pamahalaan because they thought na hindi na ito mapapakinabangan pa.

Naka-locate ang warehouse tatlong kalye mula sa public market sa may bayan sa District One, mula sa public market ay susunduin kami ng sasakyan na hawak ngayon ni Sir James na nauna ng umalis kagabi. Ito ang uri ng sasakyan na ginagamit sa District One, ang mga normal na van kasi na di-gulong at hindi gumagamit ng magnetism ay matagal ng inalis ng gobyerno kaya maaaring makakuha ng atensyon ito.

Unang lalabas mula sasasakyan na gagamitin ang grupo nina Kenji at susunod sina Kim, Liz at dalawa pa naming kasama na parte ng mga sundalo ng Sector. Habang kami naman ni Kuya Warren ang magmomonitor sa mga galaw nila at tutulong sa pagkarga ng mga supplies papasok sa sasakyan.

Nakasakay na kami sa van at kasalukuyang nagmamaneho si Sir Chris papalabas ng Area 51.

Magkatabi kami ni Rain, at kaharap namin sina Kim at Kenji na katabi si Kuya Warren. Katabi naman ni Rain si Tucker at Liz.

Rain was tightly holding my hand not until Sir Chris told us to check our things.

Nakita kong naglagay sina Tucker, Kenji at Rain ng dalawang hand gun sa magkabilang gun holster nila na nasa loob ng jacket. Pati narin ang extra magazine nito sa mga pockets sa pantalon nila. Kumuha din sila ng swiss knife at ilang daggers at itinago sa mga damit nila.

Ganoon din ang ginawa nina Liz at Kim pati ang dalawang kasama pa namin.

Seeing them now, alam kong walang lugar ang kabahan pero kinakabahan ako para sa kanila. Umiling ako para maalis ang isiping iyon.

"Wala ba akong kailangang gawin?" Tanong ko sa kanila.

"Well, you should have atleast one gun in your holster. Just in case." Sagot sa akin ni Kenji and I did. Kumuha ako ng isa.

Aangal pa sana si Rain pero tinignan ko sya ng alam nya ang ibig sabihin.

Nang okay na sila lahat ay tahimik lang ulit kaming naghintay.

"Mag-iingat ka ha?" Bulong ko kay Rain.

Ngumiti sya sa akin at hinalikan ang noo ko.

"Oo naman. Basta abangan mo lang ako. Babalik ako."

Sagot nya sa akin.

Tahimik akong nagdasal na sana ay maging maayos ang gagawin naming ito at makabalik kami ng maayos sa Sector. Sa pagdadasal kong iyon ay napahawak ako sa dibdib ko at nakapa ko doon ang kwintas na bigay ni Rain sa akin noong minsang nagpunta kami sa District 10.

"Oh? Buti naman at suot mo iyan." Puna ni Rain ng makita nya ang hawak ko.

"Oo naman. Ikaw nagbigay eh." Sagot ko at pareho na lang kaming natawa.

Natigil lang ito nang magsalita si Sir Chris na nasa destinasyon na daw kami.

Huminga ako ng malalim at ganoon din yata ang ginawa ng iba saka kami maingat na lumabas mula sa van at sumakay sa sasakyang gagamitin papaunta sa may bayan.

Accidentally Charged [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon