Kabanata 3

13.6K 416 11
                                    

-----

Nagising ako na puro puti ang nakapaligid sa akin. Hospital 'to for sure. Alangan naman langit agad ang punta ko noh? Imposible naman na mamatay akong tumama lang naman ang ulo sa steering wheel 'diba? Pero pwede kaya yun?

Hindi ako katulad ng iba dyan na pagkatapos ng aksidente at nagising sa lugar na puro puti ay aakalaing patay na sila agad. Langit agad? Masamang damo ako at matagal mamatay ang katulad ko. Tsk.

For sure wala ang contacts ko. So ayun nga, bumugad ang mukha ng nanay ko na akala mo namatay na ako. Namumugto ang mga mata at nakatulala sa kawalan. Tinitigan ko lang siya saglit ng marinig ko ang boses niya.

"Problems overload. Hayy. I hope my baby is fine."

Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Hindi gumalaw at bumuka ang bibig ni mom pero narinig ko siyang nagsalita? Weird.

"Mom I'm fine."

Agad naman siyang napatingin sa akin.

"Amethyst baby!" Sigaw niya at dumamba ng yakap sa akin. Nasasakal ako. Bumitaw siya at tinitignan lang ako.

"Thank God she's awake. I hope she's okay."

Narinig ko na naman ang boses ni mommy kahit 'di bumuka ang bibig niya. Uhm, nakakatakot na ha. Ang creepy naman kung delayed yung pagbukas ng bibig niya diba? Am I still dreaming?

"I'm okay mom."

Tinignan niya ako ng parang may sinabi akong kalokohan.

"What?" Tanong niya sa akin.

"Diba sabi mo you hope I'm okay? Edi sinabi ko na okay lang ako." I answered confidently. Totoo naman kasi eh.

"Ah wala akong sinabing ganun.."

What does she mean na wala siyang sinasabing ganun? Eh narinig ko eh. Narinig ko yung boses niya. "Pero narinig ko mom." Pangangatwiran ko.

"Seryoso? Nakakabaliw ba ang pagkauntog ng ulo sa steering wheel? Should I call her doctor to run tests sa ulo niya for injuries?"

Ayan na naman yung boses niya.

"Mom hindi ako baliw." I voiced out that made her gasp. "Wala akong sinasabing ganun baby." Narinig ko ulit eh! Imposible naman talaga eh. Nababaliw na ba ako?

"Uhm, want anything? Water, juice, coffee?" Umiling lang ako bilang sagot sa tanong niya. Siguro kailangan ko pa ng pahinga.

"I need to go home. Ano kayamg ipapalusot ko?"

Bakit uuwi siya? Akala niya ba ay baliw na ako? Hindi ako baliw eh! Hindi! Gusto kong sumigaw at alisin tong boses sa isip ko pero nanatili lang akong tahimik at nakatulala.

"Paabot na lang po ng remote." Binalingan ko siya ng tingin at umupo sa may kama. Dali-dali niya itong ibinigay sa akin at nagpaalam na aalis lang muna at may kukunin sa bahay at babalik rin lang. Hayy. Iniisip niya ngang baliw ako.

I can't blame her. Kahit ako iniisip kong baka ay baliw na ako. Ngayon lang ako natakot ng ganito. Huminga ako ng malalim at isinantabi muna ang mga iniisip kong problema. Pagkadilat ko ng mata ko ay binuksan ko ang TV kasi bored na ako.

Hayys nakakainis. Mukha ko ang bumungad sa akin pagkabukas ko. Nasa balita pala ako huh? Hindi naman ako artista eh. Anak lang ng congressman na naaksidente balita agad?

"Anak ni Congressman Daniel Craig na si Amethyst Charlotte Craig ay isinugod sa Eastside hospital matapos siyang maaksidente sa isang madilim na kalsada. Sinasa--"

Hindi ko na pinatapos pa sa pagsasalita ang nagrereport at agad kong pinatay ang TV. Ayokong nagiging talk of the town noh?! Aishh makatulog na nga lang at baka sakaling mawala sa isip ko lahat ng problema ko.

***

After three days ko dito sa hospital na ito ay nadischarge na din ako sa wakas. I'm getting sick! Ayoko ng amoy ng hospital as in! So eto na nga kami papalabas ng private room. Ibinalik ko ang contact lenses ko para iwas sa chismis. Kahit ano oa naman ngayon nagiging headline.

Pagkalabas ng room ay ayan na naman ang sari-saring boses na naririnig ko. Ang dami-dami nila at sumasakit ang ulo ko. Arghh! What's happening? Akala ko ba wala na 'to? I thought it's just stress.

Malayo pa kami sa may exit ng hospital ay rinig ko na ang ingay ng mga reporters. Nagsisigawan na papasukin sila. Ewan ko ba kung bakit nandito sila eh hindi naman ako importanteng tao.

Pagkalabas na pagkalabas namin ay sinalubong kami ng mangilan- ngilang reporters at camera man.

"Uhm painterview naman po."

"Congressman. Kahit sandali lang po."

Hinaharangan sila ng bodyguards at pilit pinapalayo. I have this urge to burn here. Gusto kong isa-isang upakan itong mga 'to. Kahit alam kong wala naman akong magagawa tinignan ko pa rin sila ng masama while muttering words.

I am also mentally commanding them to move.

Sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay natigil ang ingay nila at narinig ko ang pag off ng cameras ng mga camera man and as if time actually stopped. Nakatingin lang sila sa akin at nakatutok ang mga mata nila sa mga mata ko. They look hypnoyized.

Nilingon ko ang mga taong nakapaligid sa akin at ganun rin sila. What the actual heck is happening?

May nabasa ako dati na kapag hypnotized ang tao, gagawin niya ang kahit anong sabihin mo. So, I bet I'll give this one a try.

So, while their eyes are focused on mine, I muttered words.

"You will move aside and do as I say. You will forget anything of this happened. You will delete footages on your cameras and you will leave this hospital and go back to your offices. In a snap of my finger you will do as I say and not remember anything," pahayag ko.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan, pagkasnap ko ng daliri ko ay nangyari nga ang mga sinabi ko at para silang nagising at nagpalinga linga. They gave way at umiiling na naglakad papalayo ang iba.

Okay? What's really happening to me? Ang weird ko. Una naririnig ko ang boses nila kahit hindi nagsasalita at ngayon naman ay nautusan ko sila gamit ang isip.

Am I thinking too much or was it really me? Did I acquire some psychic powers after my accident?

That Cursed Eyes Of HersWhere stories live. Discover now