Kabanata 35 [Part 2]

3.4K 92 3
                                    

-------
Zyrus

I am inside the car right now. Pumasok na si Amethyst sa loob at tinanaw ko lang siya. I can sense that she's nervous. I know I can hear her thoughts from a distance, but for now I will not try to eavesdrop.

Kumuha ako ng libro mula sa compartment at nagsimulang buklatin ang mga pahina. Actually naka bored maghintay lalo na't mag isa lang ako pero ayos lang sakin.

I'll let her take her time. Saying goodbye isn't easy lalo na kung wala na talagang bawian. I've read what's on her mind while we were traveling awhile ago.

She's struggling.

Bumuga na lang ako ng hangin atsaka ipinagpatuloy ang kunwaring pagbabasa. Actually napapaisip ako, ano kaya ang nangyayari sa loob? Is she okay? Are they mad? Sad? Happy? Well, it's none of my business.

Hindi ko napansin ang pagdaan ng oras at biglang umulan. Luh why so sudden? Tumingin ako sa labas habang hinihintay ang pagdating ni Amethyst. Wala naman ata siyang payong.

Kinuha ko yung payong na nasa passenger's seat at pinakiramdaman ang paligid ko. Hindi nagtagal ay lumabas na si Amethyst na parang wala sa sarili. Basang-basa na siya ng uan at parang wala siyang pakialam.

Umiiling akong lumabas ng kotse at nagpayong. "Hey ano ba! Nababasa ka na!" Sigaw ko kay Amethyst na parang wala pa rin sa sarili at hinahayaang mabasa siya ng ulan. Magkakasakit to sa ginagawa niya eh. Hindi siya nagsalita pero tumingin lang siya sa mga mata ko. Akala niya siguro ay alam ko ang lahat ng nangyari sa loob, pero hindi. MAli sya dahil wala akong alam. Hindi ko inalam.

 "Zyrus.." mahinang pagtawag niya sa akin at nang makalalapit ay agad ko na siyang hinila papasok ng kotse. Para siyang walang buhay. Parang sobrang tamlay niya. At ramdam na ramdam ko yun. Nag-aalala ako sa kanya ngayon. Sobrang nag-aalala ako. Ihinarap ko ang mukha niya sa akin para makita ko ang emosyong meron siya.

 "Zyrus...alam ko na yung naramdaman ng mama mo...ang sakit pala...dito." Tinuro niya ang bandang puso niya. Hinayaan ko siyang magpatuloy at nakinig lang ako.


"Pinapatay ako ng sakit sa loob ko." Patuloy muli ang pag agos ng luha niya na para bang hindi na mauubos. Yes, even though nabasa siya ng ulan, her tears are visible. Humihikbi siya nang parang batang inagawan ng kendi.


Agad ko siyang niyakap at mas naramdaman ko ang sakit na nararamdaman niya. Narinig ko pa ang ilang hikbi niya pero nagulat ako nang bigla itong tumigil at parang nalanta siya bigla.


Iniharap ko siya sa akin at tibawag ang pangalan niya. "Amethyst? Hey Amethyst! Are you okay? Amethyst!" Bahagya akong kinabahan ng hindi siya magising. Maybe she passed out because of crying. Bumuntong hininga na lang ako bago kunin ang jacket mula sa back seat.


Ipinatong ko lang ito sa kanya at nilagay ko ang seat belt sa kanya. Bago ko pa man pinaandar ang kotse ay tinignan ko siyang muli.


The girl that I like is suffering. She's carrying a burden. She sacrificed for our sake. She chose us. She chose living the simple life with us rather than being with her parents. The wealth? The fame? She disregard it.


Nasasaktan ako dahil wala akong magawa para sa kanya. Wala akong magawa para mapagaan man lang ang bigat na dala-dala niya. She is carrying a burden that will be there forever. Nararamdaman niya ngayon ang naramdaman ni mama nung iwan niya ako para mailigtas ako.


Pero alam kong higit na masakit itong sa kanya. Mas masakit ito dahil kasabay ng pag alis niya ay binura niya ang lahat ng alaala nila tungkol sa kanila.


That Cursed Eyes Of HersWhere stories live. Discover now