Kabanata 12

6K 255 8
                                    

-----

Habang papalapit ng papalapit ang lalaki ay mas lumilinaw siya sa paningin ko. Matangkad siya at medyo may kalakihan ang katawan. Seryoso ang kanyang mga mata na hindi mo gugustuhing titigan ng maigi. "Stop checking me out." Nabigla ako ng hindi siya magsalita pero narinig ko ang boses niya.

Here we go again. Naririnig ko na naman ang mga tao kahit di sila nagsasalita! Bumalik na naman ba to? O napaparanoid lang ako kaya akala ko naririnig ko sila. "Stop over thinking. You're making my head ache. Tsk." He spoke again. And I realized. It's real after all.

I can hear his thoughts.

I can hear him because he's peculiar too. "At last nakuha mo din." He rolled his eyes at ngayon ay nasa harapan ko na. Wait, he looks familiar. Where did I saw him again? Ugh. Hindi ko naman tuloy naalala. Bahala na. I don't care right now.

"Wala ka bang balak kalagan ako?" Wika ko at tinarayan siya. He just smirked before crossing his arms. Aba't pa cool to eh! "Remember, I can hear your thoughts...well, read your mind too." Sabi niya at bumuga ng hangin.

Maya-maya ay may dumating na isang pang lalaki. Mabilis siyang lumapit sa amin. Gaya ng lalaking kaharap ko kanina, medyo may kalakihan din ang katawan ng lalaki pero may ngiti ito sa labi.

"Hi miss, sorry sa pagiging rude ni Zyrus sayo ha. Natural na yan sa kanya. " lumapit na sa akin ang lalaki at kinalagan ako. "By the way, I'm Kingsley Dean. KD for short." Sabi niya pa hangga't pinagpapatuloy ang pagkalag sa akin.

Nang matapos siya ay inunat unat ko ang kamay at paa ko. May kahigpitan pala ang pagtali nila sa akin kaya bumakat. "Thanks." Sabi ko sa kanya at tumayo ako. "Hmm, so I guess may bago na naman tayong nahanap na Peculiar." Sabi ni KD.

"Wait, what? You're looking for peculiars? Paano niyo pala nalaman na nandito ako? Like wow, coincidence?" I crossed my arms and raised my eye brow. "Before anything else, may we leave this place now bago pa dito dumating ang back up nila?" Sabi ni KD at ngumiti na medyo naiilang.

Tumango na lang ako. Tama nga naman siya. I almost forgot that I'm kidnapped.  Naglakad kami palabas ng silid at nakita ko agad yung mga lalaking nakahandusay. Medyo nabigla ako. "Don't worry. Hindi ko naman sila pinatay. They just lost consciousness. Babalik din yan mamaya." Wika ni KD kaya napabuga ako ng hangin.

Kahit pa ganito akong tao, I wouldn't wish anyone to be dead. To see them die.

"You're thinking too much I'm having a headache." Narinig kong muli ang boses ng lalaki sa gilid ko kaya napatingin ako sa kanya at nangunot ang noo. Kung hindi ko lang talaga naririnig ang boses niya sa utak ko makakalimutan kong kasama namin siya.

"Eh paano ba kasi ihandle to? Ni hindi ko nga alam eh." Sagot ko din sa kanya. I don't really know how to handle this ability. Everything's new to me. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"Just concentrate and clear your mind. Think about securing your thoughts. You can block it if you want to." Sabi niya sa akin na gamit na ang bibig. And so I tried. I concentrated and tried to clear my thoughts.

"Ahh, tungkol yan sa mind reading and telepathy? Well, yan ang ability ni Zy. " proud na sabi ni KD habang naglalakad na kami palabas ng bahay. May kadiliman na nga sa labas. I think mag teten or eleven na ng gabi.

"You're too loud." Sabi ni Zyrus. "Heh. Wag ka nang mangialam dyan Zy. Maybe she needs to know it. After all she's peculiar too." Kampanteng wika ni KD na may malawak na ngiti pa din.

Sandaling tumigil sa paglalakad si Zyrus at tumingin sa akin. "You don't know if she's trustworthy and if she's a good one. We've been fooled once and I don't want that to happen again." Naglakad na sya ulit at nilagpasan ako.

Napakasungit neto. Igapos ko kaya siya gamit ang mga halaman. Tsk.

"Sorry ulit sa attitude ni Zyrus. And about pala sa kung paano ka namin nahanap, dahil nga sa ability niya as a telepath narinig ka niya. Good thing sakop ka ng radius niya. Aabot ng 10 kilometers ang abot ng kaya niya. " Kwento ni KD.

Tumango na lang ako. Now I understand. "Hmm, I see." sabi ko. "Hala, bilisan na pala natin. Parang paparating na yung pinakaleader ng mga yun." Sabi bigla ni KD at hinawakan na ang kamay ko para tumakbo.

And the same thing happened. As he held my hand, I felt the energy. And the force field circling us.

*****

"What? Bakit ganun ang nangyari? Hindi pa nangyari sakin yun kailanman. Kahit pa sa ibang peculiars except you." Naguguluhan pa din si KD. Nasa may park kami malapit sa bahay dahil nagpasya muna kaming pag usapan to. Including Zyrus. Kahit di ko ramdam ang presence niya.

"Even me, I can't explain it. Whenever I meet peculiars and touch them, its like a part of their energy is transferred to me." Pagpapaliwanag ko.

"I guess I know someone who can explain this. Someone who knew a lot." Makahulugang sabi ni Zyrus na naka tayo sa gilid ng puno.

"Who?" Tanong ko.

"An elder who survived. Madami siyang nalalaman at baka maipaliwanag niya yan. I don't fully trust you but if it can help us or others, I'll give it a try." Sabi ni Zyrus.

He's right. Me either. I don't fully trust them. Hindi naman ibig sabihin na nailigtas nila ako ay pagkakatiwalaan ko na sila. Around us, people are wearing masks. Some are fake, some are real.

"When and where can we meet?" Tanong ko. "Whenever you are ready. I know many thoughts are bothering you." Basang-basa niya nga ako. I can say that he's good kahit ngayon ko lang siya nakilala.

"Hmm, so this is settled. Naku kinakabahan akong makita ulit si Miss Farah." Sabi bigla ni KD at tumayo na.

"Hmm, how can we contact each other then? By mind?" Tanong ko. Natawa naman si KD. "You know what you're funny. Kahit naman peculiars tayo we have our limits. Let's get each other's number." Wika niya.

Oo nga naman. Nasaan ba ang common sense ko. I mentally rolled my eyes for myself. Duh. Stupid.

"Alam kong parang napakadali ng lahat para sa ating tatlo pero I think we met tonight for a reason. Gaya nang nabasa namin dun sa libro, peculiars should gather as soon as possible. Para mailigtas nila ang iba." I said and stood up.

Maybe it's time to go for now. Alam kong nag aalala na sina mommy sakin. "Hmm, maybe for now, umuwi na muna tayo. Let's just meet here again. " sabi ko at nagsimula nang maglakad.

"Bye miss! Wait! Ano nga palang pangalan mo?" Pasigaw na sabi ni KD. Saglit akong tumigil sa paglalakad at sumagot.

"Amethyst Craig. The girl with cursed eyes." Halos ibulong ko ang mga huling salita at saka na naglakad ulit.

That Cursed Eyes Of HersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon