Kabanata 32

3K 90 4
                                    

A/N: Happy birthday to my cute friend disguised_fate MWAA!!! Hart hart and God bless!

-------

Matapos namin mag usap ni Zyrus ay naghiwalay na kami at pumunta na sa kanya- kanya naming kwarto. The sun is already up at gising na din ang mga peculiars. I decided to take my early shower para makatulong na din ako sa kanila sa kahit ano. Nagpalit ako ng peach colored shorts and lavender colored shirt. Nakatsinelas lang ako ngayon.


Humarap ako sa malaking salamin dito sa kwartong tinutuluyan ko at ngumiti. I've changed a lot. For real. My hair grew longer. Lampas pwet na ito. I lose a little weight at medyo pumayat ang mukha ko and my eyes... matingkad ang lila nitong kulay. Just by looking at my eyes, natatakot ako. Because it's powerful. I took a deep breath and smiled.


Kahit pa delikado ang mata ko, this was the key to their downfall. 


It's all in the past now and I should move on and start my new life with them. Lumabas na ako ng kwarto at nakipag sabayan na sa mga peculiar na binabati ako. I just reply with a smile. Umagang-umaga pa lang ay abala na ang lahat sa kanya-kanyang mga gawain. To estimate all of us here siguro nasa mga 52 kami. 


Nang makita nila ako ay pansamantala silang tumigil sa mga ginagawa at nag bow sa akin. Nabigla ako doon. "Oh no, hindi niyo na po kailangan gawin yan." pagpigil ko sa kanila at iniangat naman ni miss Nancy ang ulo niya at nagsalita. "It's to show our respect for you miss electus." sabi niya at tumango naman sila.


"Oh hindi na po. You don't have to. Hindi naman ako kagalang-galang na tao eh. You see, I'm as ordinary as you all are. Teka, kumain na po ba kayo?" I smiled and asked. "How humble of you. Ahh hindi pa." sagot niya sa akin. "Aww, bakit po hindi pa. Maghanda na po tayo at sabay-sabay tayong kumain." aya ko at sumunod naman sila.


Inilabas ng mga lalaki ang long table na gawa sa kahoy pati na din ang mga upuan. Kami namang mga babae ay naghanda ng mga kubyertos, plato at syempre pagkain. Mabilis lang kaming nagluto at inihanda ang lahat. Sabay-sabay kaming nagsiupo at kumain. 


Habang kumakain ay nagtatawanan at kwentuhan sila. Mga biruan at mga tawanan na hindi na pigil. Mga ngiti sa mga labi nila na ngayon ko pa lang nakikita. Nakikinig lang ako sa kanila. "Hala, teka nasaan na si Aubrey? Ayy nakung bata yun at saan na nagsuot. Nagmumukmok na naman siguro." sabi ni ate Flora na isang animal whisperer. She can comminicate with animals.


"Nalulungkot pa rin siguro sa pagkawala ng mama at papa niya. Napakabata pa kasi ehh." sabi ni miss Nancy, I mean ate Nancy they say I should call them ate and not miss. Napaka pormal ko daw kasi. "Mapuntahan na nga iyon." tatayo na sana si ate Flora nang unahan ko siya. " Ayy ako na po. Saan po ba ang kwarto niya?" tanong ko na lang. "Sa may kanan ng west wing. Yung Pang apat na pinto na may nakalagay na pangalan. Salamat Amethyst." ngumiti lang ako pabalik at umalis na doon.


Naglakad ako sa direksyon na sinabi niya at nakakarinig na ako ng mahihinang paghikbi. Kunot noo kong ipinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa natigil na ako sa mismong tapat ng pinto. Kumatok ako bago yun buksan ang pinto. Nakita ko si Aubrey na nasa may gilid at yakap ang sarili. Napatingin at napatakbo siya papalapit sa akin habang umiiyak. "Shh, Aubrey bakit ka umiiyak?" tanong ko at umupo para makalebel ko na siya.

That Cursed Eyes Of HersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon