Kabanata 28

3.1K 88 2
                                    

-------

Pagdilat ko nang mga mata ko ay nakita ko yung isa sa mga paintings ko. Hinawakan ko at tinignang mabuti. Iniangat ko ang tingin ko sa lugar na kinalalagyan ko, nandito ako. Sa lugar na nakapinta. Napatayo ako at inilibot ang mga mata ko sa paligid.

Nasa gubat ba yung hinahanap namin? Na core? Nawala na bigla yung painting na nasa kamay ko sa hindi ko alam na paraan pero hindi ko na lang pinansin

Oops! Questa immagine non segue le nostre linee guida sui contenuti. Per continuare la pubblicazione, provare a rimuoverlo o caricare un altro.

Nasa gubat ba yung hinahanap namin? Na core? Nawala na bigla yung painting na nasa kamay ko sa hindi ko alam na paraan pero hindi ko na lang pinansin.



Umiihip ang malakas na hangin dahil sa mga puno. "Hello? May tao ba dito?" I called out. Hindi naman creepy dito dahil parang hapon pa lang ata pero ang tahimik kasi. Nang tumingin ako sa likod ay nanliit ang mga mata ko. May maliit na liwanag na parang lumilipad. Paikot-ikot lang sa paligid.



Parang biglang nagkaisip ang mga paa ko at sinundan ko kung saan papunta ang munting liwanag. Pasikot-sikot sa mga puno patuloy kong sinundan hanggang tumigil ito. Sa tingin ko nasa gitna na kami ng gubat. Parang nakapalibot sa akin ang mga puno.



Muli nakita ko ang liwanag at parang itinuturo ang baba. Tinignan ko ang tinatayuan ko at umupo saglit. Ano ba ang nandito? Tinanggal ko ang mga damong nakaharang. Binunot ito. I know that I'm an argokinetic and I should take care of plants but I have to do this.

Nang matanggal ko na ay binungkal ko ang lupa. I have a strange feeling about this pero pinili kong ituloy ang pagbungkal. 



Teka, ano to? Natanggal ko na ang mga lupa at may nakikita akong kahoy. Kinatok ko ito. Sa itsura pa lang ay mukha nang isang treasure box. Medyo maliit lang naman siya. Kinuha ko at medyo pinagpagan.



Dito na ba nakatago ang core? Teka paano ko ba bubuksan to? Tinignan kong maigi ang treasure box at wala naman lalagyan ng susi. Paano ba to bubuksan? Pero may nakita akong parang isang maliit na tube sa may gilid.



What? Anong gagawin ko diyo sa tube? Anong ilalagay? Teka...



Hindi kaya ito na yung sinasabi nila na kailangan ng dugo ng electus para maactivate?



Huminga na lang ako ng malalim bago sugatan ng maliit ang daliri ko gamit ang isang matulis na sanga na nakita ko sa may gilid at pinisil ito para tumulo sa maliit na tube.



Nang mapuno ay biglang umilaw ang tube at may tumunog na parang na unlock. Napahinga ako ng maluwag at dahan dahang binuksan ang box at nagulat ako.\

That Cursed Eyes Of HersDove le storie prendono vita. Scoprilo ora