Chapter 1

445 16 8
                                    

"Hoy Lauren! Tama na nga yang panunuod mo ng cartoon!" narinig kong sabi ni Krystal.

"Excuse me! Hindi Cartoon to 'no! Anime to." Sagot ko sa kanya.

"Sus! Ganun na din yun"

"Hoy! Magkaiba yun." padepensa kong sagot.

"Hay nako. Oo na. Tara na nga. Punta na tayong mall" Sabi niya.

Hi! Ako nga pala si Lauren. Jessica Lauren Cruz. Oh diba! Ang ganda ng pangalan ko. So anyway, 16 years old pa lamang ako. Oo. bata pa po yan.

Kung napansin nyo kanina, etong epal kong bestfriend na si Krystal, pinigilan nanaman ako sa panunuod ko ng ~anime~ anime po yun, okay? Hindi cartoon! So ayun nga, Otaku ako! Hihi, and ultimate KPOP Fan! At syempre, I watch korean and japanese dramas and movies. Actually, kakatapos ko lang nung "my girlfriend is a gumiho" Ganda nga eh. Paano kaya kung may ganun sa totoong buhay no? Charot! as if naman.

Oh, Balik tayo sa sarili ko. So, 4th year high school student na po ako. Graduating na, ano po? pero pachill chill lang ako. Actually, kami ni Krystal, chill chill lang. Tulad ngayon, pupunta nanaman kaming mall. Pero sabado naman kaya keri lang.

"Tara, comic alley" yaya ko kay krystal

"nanaman?! Sa araw-araw na ginawa ng Diyos. oh-oh" Sabi niya habang tinitignan ako with the judging look.

"Ihh! Wag na nga, sa odyssey nalang." Sabi ko, alam ko namang papayag siya dahil medyo nagkakasundo kami pagdating sa music.

"yan! tara" sabay higit niya sakin.

So eto, Nandito nga kami sa loob ng odyssey. Nagtitingin ng mga KPOP Albums.

"OMG! Wala akong album neto ng bigbang!" Biglang spazz ni Krystal, napatingin tuloy samin yung ibang tao sa odyssey.

"Ano ka ba! Ingay talaga ng babaeng ito!" Sabi ko sa kanya.

"Ihh! tingna mo, Di kasi ako nakabili ng album na to. naubusan ng stock nung bibili na dapat ako! omg! Buti nalang meron dito kaso seungri version. Sana si TOP nalang pero chochoosy pa ba ko?!" Nagspeech na ang bruha.

"Oo na. Oo na! Bilhin mo na" Sabi ko sabay tingin ulit sa mga album.

"OMG! Ohmygod talaga! Krystal!!!" Napatili ako.

"Oh, oh bakit?!" Sali saling punta sakin ni krystal pagkatapos niya magbayad.

"Omg krystal! tignan mo kung ano ang nakita ko!" sabi ko sabay pakita sa kanya ng album na hawak ko.

"OMG! EXO's WOLF!!" Sabay talon talon kaming dalawa dito sa odyssey. Nakakahiya pero kasi!! tinitignan na kami ng mga staff dito. Akala siguro nila baliw kami.

pumunta agad ako sa cashier para magbayad.

I'm in love with a WOLFWhere stories live. Discover now