Chapter 3

263 7 3
                                    

MAY ANNE's POV

Ang ganda ganda ng tulog ko nung biglang sumigaw tong kapatid ko na si Jess. Ang hirap ko kayang gisingin, tapos ang sarap sarap talaga ng tulog ko. Bigla biglang sisigaw. Kabadtrip eh. Pero hindi muna ako bumangon dahil nga ang sarap ng pagkakahiga ko dito, bukas pa yung aircon.

Eh napakaingay! Tinatry kong matulog ulit pero napaka ingay talaga, sasaksakin ko to ng mejas sa bibig eh. Kung di ko lang nakababatang kapatid to, baka napatay ko na to eh. Pero wala kasi akong pagkkwentuhan ng mga story ko sa buhay.

Anyway, Hi nga pala. Ako si May Anne Cruz, Ate ni Jessica. Ang napaka ganda niyang ate. Charot. Single. Huhu. 2 years na ulit akong single. Hay buhay nga naman, nagpapahanap nga ko kay Jessica ng pwede kong mabiktima eh. Okay balik tayo sa usapang ang ingay ni Jessica eh ang aga aga pa utang na loob.

So ayun nga, naghilamos na nga ako at nag ayos. Tapos pumunta ako sa may tapat ng pinto ng kwarto ni Jess, at narinig ko ngang may kinakausap siya. Lalaki nga ata ito. Ohmygod? May dalang lalaki si Jess sa loob ng kuwarto niya sa gantong kaaga aga pa?! What if kagabi pa pala niya dala yun!?!

"HOY JESSICA!! SINONG KAUSAP MO DIYAN!!" Napasigaw tuloy ako, Eh baka magising tong si Mommy, pero hayaan mo na! Para mabengga tong si Jessica, Nagdadala ng lalaki sa bahay?! Aba ako nga ayaw payagan ni Mommy, magdala ng lalaki sa kuwarto eh. Hanggang Living room lang!

"Wala ate!" Aba, Sigaw naman ng babaitang ito. Normally, Bubuksan na niyan ang pinto eh. Kaso hindi binuksan ngayon, lalo tuloy akong naintriga! For sure, may lalaki nga to sa loob ng kwarto.

"Anong wala! Kanina nga sumigaw ka dyan, nagising tuloy ako. Tapos ang ingay mo padin! May narinig akong boses ng lalaki, buksan mo nga to!" Kinatok ko ng kinatok tong kwarto niya. Pero infairness kay mommy ha, tulog padin!? Uminom ba ng pampatulog yun or what.

Eh ayun nga, Kakatok sana ulit ako ng bigla na ngang nagbukas ang pinto ng langit. ANG GUWAPO NG NASA HARAPAN KO! Pinto ba to ng langit or pinto ng kuwarto ni Jess?! Tumingin ako sa paligid at tinulak ko tong lalaking to na nasa harapan ko paloob.

Ininterview ko nga sila. Boyfriend nga siya ni Jess. Hmm. Nakabingwit ang kapatid ko! Baka naman may kapatid to? Baka pwede akong ilakad. Charot!  Ang balak ko kasi talaga sigawan silang dalawa pero mukha kasing anghel tong lalaking to, Hindi ko tuloy magawang sigawan. Mukhang hulog ng langit. Jusko po!

Vince Aaron nga daw ang name niya, So iniwan ko na nga sila ni Jessica dun, baka kailangan pa kasi nila magmoment, eh nakakaistorbo pala ako, diba?

"Uy, ano yun? Ang aga aga ang ingay nyong magkapatid" Omg, nagising pala si Mommy! Papunta sa kuwarto ni Jess. Ay jusko, May Anne! Isip ng paraan dali dali!

"Ah ma, Tinakot ko kasi si Jessica kanina pag gising. Sorry, Tara po sa baba, Naliligo pa po kasi si Jessica eh." Sabi ko, tapos iniba ko direction ng paglalakad ni mama, para makababa na nga kami sa Dining Room.

"Naliligo? Sunday ngayon ah. Aga pa para maligo yan. Mamaya pa maliligo yun. Puntahan ko muna." Sabi ni Mommy.

"Nako ma! Mamaya na, Malay mo nagbabagong buhay na pala si Jess, gusto na niya maaga siya naliligo. Tara na, tulungan ko po kayo magluto ng breakfast."

"Aba, may sakit ka ba may anne? Ang sipag mo ata, kumain lang alam mo eh. Ngayon tutulong ka magluto ng breakfast?" Sabi ni Mommy. Loko din tong si Mommy eh, no? Minsan lang tumulong gagantuhin pa.

"Ay nako ma, Lubusin mo na tong pagtulong ko! Minsan lang to." Pabiro kong sagot.

At nagluto na nga kami ng breakfast. Jusko Jessica, Palabasin mo na yang lalaki na yan bago ka pa mahuli ni Mommy.

I'm in love with a WOLFWhere stories live. Discover now