Chapter 7

181 6 4
                                    

"So ano na?" Eto kami ngayon ni Ate May Anne sa kama, inaantay ko siyang magkwento sa kanila ni Alexander.

"Wala naman." Pashowbiz niyang sagot. Sarap manabunot, ano?

"Hahampasin kita netong lampshade" Sabi ko.

"Eto na nga, ikkwento ko na!" Sabi ni Ate.

"Una kasi, diba nga sobrang awkward talaga, AS IN! Walang katumbas ang awkward talaga ng aura naming dalawa. Tapos you know naman ako, Nagkakasakit ako pag tahimik masyado ang paligid so triny kong alisin yung awkward vibes." Sabi ni Ate.

"Oh tapos?" Sabi ko

"So nagbiro ako na kung gusto nya kong maging master, okay lang. ganun ganun. tapos nagjoke na din siya na oo daw ganyan ganyan" Sabi ni Ate.

"Tapos ganto ganto, ganyan ganyan ulit." Sarcastic kong sagot.

"Eh wala naman kasing nakakakilig na nangyari samin eh." Sabi ni Ate

"So kaya kayo nagtatawanan nung dumating kami?"

"Wala. Kasi nagkasabay kami ng sabi sa isang word. Eh baliw kami kaya ayun" Sabi ni Ate May.

"So in other words, di siya pumayag na maging master ka nya?" Sabi ko

"Wala naman siyang sinabi, pero alam ko na kung paano nya nagiging master ang isang tao." Sabi ni Ate May Anne... Ooh.

"Paano daw? Eh diba kwintas lang?" Sabi ko.

"Hindi eh. Apparently iba iba daw sila ng way, Well, yung way nya is pag niyakap mo siya ng as in yakap na wala siyang suot.... you know" Sabi ni Ate

"WHAT?! LIKE AS IN LAHAT HUBAD? PATI YUNG ANO?" Sabi ko sabay tingin sa baba. You know na yun!

"Hindi! yung topless lang! Grabe ka naman! Manyak mo ha." Sabi ni Ate May Anne.

"Ikaw tong ayaw lilinawin eh! Sabi mo pa, as in wala siyang suot tapos may you know pa sa dulo, syempre iba iisipin ko!" Sabi ko.

"Green minded ka lang talaga. Hay nako. Tyaka nagbago na isip kong magkaroon ng sariling Wolf. Medyo scary" Sabi ni Ate.

"Bakit naman?" Tanong ko

"Syempre, babantayan ka and stuffs... Basta scary! Tara na tutulog."

"Ahhh~ Tara, pagod na din ako eh. Wait, Dito ka ba tutulog?" Nasa kwarto ko kasi kami eh.

"Hindi no. Punta na ko sa kuwarto ko. Ge" Sabi ni Ate tapos nag goodnight na then lumabas.

Tutulog na sana ako eh biglang parang may nakatok sa bintana ko.. So binuksan ko yung bintana tapos akala ko mamamatay na ko sa sakit sa puso dahil kay Vince! Biglang lumitaw.

"Ano bang problema mo!? Alam mo kung may sakit ako sa puso, kanina pa ko patay!" Sabi ko.

 "Ang O.A mo. Dito ako matutulog" Sabi niya.. Pakiulit nga kasi medyo nabibingi ata ako eh

"Hoy, sabi ko dito ako matutulog!" Inulit niya nga talaga anak ng tokwa

"Una sa lahat, may pangalan ako. Pangalawa, nahihibang ka na ba!?" Sabi ko.

"Hindi. Tabi tayo sa kama mo ha, kaso maliit eh" Sabi niya parang yun ang pinaka simpleng pwedeng sabihin sa mundong ito.

"Pwede baaaa. Umalis ka na dito, ang kapal naman ng mukha mong dito matulog sa kuwarto ko. Babae ako kung di mo napapansin" Sabi ko

"Ay, babae ka pala?" Sabi niya -___- Binato ko siya ng unan.

"Joke lang, Alam ko naman yun. Pero wag kang magaalala, di kita gagalawin. Di kita type" Sabi niya. Minsan talaga ang sarap pumatay eh.

"Di rin kita type. Ugh, pwede bang umalis ka na dito dun ka nalang matulog kasama ng iba mong kauri" Sabi ko at humiga na sa kama ko.

Single bed lang kaya tong kama ko, Ako lang kasya dito tapos sisiksik pa siya. Baka pag gising ko bukas nagkapalit na kami ng kaluluwa.

"Kailangan nga kitang bantayan." Sabi niya -__- Ano ako, baby?

"Baby ba ko? Pwede ba!!! Nakakairita ka, gabi na nasstress pa ko sayo!" Sabi ko sa kanya.

 "Wala akong tutulugan" Ano daw. Ano daw sabi nitong lalaking to?

"Pwede ba yun? Dinadahilan mo lang yan eh. Dun ka matulog sa mga tropa mo. Ugh. Layas" Sabi ko. Sinisipa sipa ko na nga siya eh, ayaw padin talaga!

 "Wala naman akong gagawin sayo eh" Sabi niya -__-

"Kahit wala kang gagawin, wala ako paki! Paulit ulit ka? Unli unli?!" Naiirita kong sabi.

 "Bakit ba kasi ayaw mo kong dito matulog?" Tanong niya pa sakin. Jusko, bobo ba tong mga wolf or sya lang!?

"Woooow. Obvious ba? Lalaki ka tapos babae nga ako eh. Di mo ba alam na its against the law!?" Sabi ko.

"Against the law? Lawyer ka na ngayon?" Tawa pa nya -_- bwisit naman tong lalaking to. Papatay nga to.

"Ugh, Why can't you take me seriously?! I'm asking you to leave." Sabi ko.

"Aww. Naiinis na si babe. Sige na nga, Iwan muna kita, baka mapatay mo ko eh" Sabi niya sakin. Ugh kailangan ko palang english-in para makaintindi! Bwisit eh.

 "Alis na dahil mapapatay talaga kita" Sabi ko. Ayun, umalis na nga sya. Tumalon siya sa bintana ko -_- Lakas talaga maka Edward Cullen nito eh.

 Hihiga na sana ulit ako kaso biglang may kumatok sa bintana ko... nanaman -_- bwisit talaga tong si Vince eh. Di ata marunong umintindi. Nakakainit ng dugo!

"Ano nanaman!?" Binuksan ko yung bintana. And behold! Si Vince nga na nakangisi -_-

"Goodnight kiss ko?" Sabi ni Vince... Lecheng buhay to. Anong ginawa kong kasalanan!? Alam kong gwapo tong nilalang na nasa harap ko pero Lorddd! Gusto ko na matulog! Maaga pa ko gigising bukas.

"Ha Ha. Goodnight" Sinarhan ko sya ng bintana, ng kurtina, ng lahat! Pinatay ko na din yung ilaw. Matutulog na ko. Kailangan ko pa gumising talaga ng maaga bukas. Ugh.

Pipikit ko na sana mata ko kaso bigla naman nagring phone ko -_-

"Hello~" Sabi nung lalaki sa kabilang linya... -___-

Tinignan ko kung sino yung tumawag at tama nga ako. Bwisit talaga tong lalaki na to wala talaga magawa sa buhay eh.

"Alam mo ba na maaga pa ko gigising bukas dahil may pasok ako! Highschool lang ako! Utang na loob! Kung ayaw mo matulog, magpatulog ka!" Sigaw ko sabay baba ng phone. Kainis eh. Papatayin ko yung phone ko kaso kailangan ko to pang alarm. Ugh

Sabay may nagtext, Hay. Tinignan ko kung sino.

From: Vince

Message:

Sorry poooo masterrr. Goodnight

Marunong pala magsorry to? Napasmile naman ako. Hayy, Makakatulog na ng matiwasay!

I'm in love with a WOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon