Chapter 6

234 8 6
                                    

May Anne's POV

Hindi ko talaga alam kung paanong nandito ako ngayon sa starbucks kasama tong lalaking pinapantasya ko-- I mean, Etong masungit na lalaki na to na tropa ng boyfriend-- I mean ulit, guardian ng kapatid ko. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko dahil alam kong wolf tong nakaupo sa harap ko na kung makatingin sakin akala mo lalapain na ko ng buhay.

Okay, so ikkwento ko nga sa inyo kung paano akong napunta dito. Una kasi, kasama naman kasi talaga namin sila Jess at Vince eh. Actually apat lang kaming magkakasama, parang double date nga. Bigla bigla nalang akong tinext nito ni Jess na pumunta daw ako ng starbucks dahil may surprise daw siya sakin. Guess what? Eto pala yung surprise nya.

I mean, Sige crush ko tong lalaking nasa harap ko pero ang sungit niya kasi, alam nyo ba yun? Baka isipin neto easy to get ako. pero tinititigan ko nga siya pero wala naman siyang suot na kwintas or what.. Uhm. Meron ba siyang master?

"What?" Biglang nagsalita.

"Uhmm... Wala" Jusko! Bakit ba ang awkward ng atmosphere na ito in all levels?!

Tinext ko agad si Jessica kasi hindi ko na talaga kinakaya ang katahimikan sa lugar na ito dahil di naman ako sanay na tumatahimik.

*HI JESSICA ANG AWKWARD DITO HELP ME!!*

Yun nalang natext ko. Tinignan ko ulit siya, tapos nakatingin pala siya sakin! Jusko po.

"Alam mo?" Tanong niya out of the blue.

"Alam ang alin?" Sabi ko.

"Yung tungkol samin.." Sabi niya. Ah. Yung pagiging wolf ba nila?

"Oo." Sabi ko sa kanya.

Nakatingin lang siya sakin... Nakakatakot naman to. Huhu! Help me Jessica, baka lapain talaga ako ng buhay nito!

"Kanina, tinitignan mo ko. Parang may hinahanap ka sakin." Sabi niya. Ganun ba ko kaobvious?

"Ah.. Kasi diba may kwintas kayo? Wala ka naman kasing suot na kwintas eh" Sabi ko sa kanya.

"Hm.. Hindi naman kasi lahat kami, kwintas ang gamit. Madami ding ibang way, May Anne?" Sabi niya na parang hindi pa siya sure kung yun nga yung name ko -__- Sapakin ko kaya to? Naturingang naging crush ko pa naman! Hmp! Hindi na ngayon!

"Yes. May Anne nga, Alex?" Sabi ko din na parang patanong din sa name nya.

"Alexander." Sabi niya. Sus, ganun din yun. Pinahaba nya lang eh.

"Okay. Alexander." Sabi ko nalang.

--

Jessica's POV

Nabasa ko yung text ni Ate May Anne.. Di ko naman mareplyan kasi wala akong load. Ano ba yan! Ngayon pa ko nawalan ng load. Itetext ko sana si Krystal na pumunta dito. Err... Actually humiwalay na kami kayla Ate May Anne.. Ewan ko ba dito kay Vince. Kung ano anong napasok sa utak eh.

"Saan ba tayo pupunta?" Sabi ko. Kanina ko pa kasi siya sinusundan sa totoo lang. At nakakapagod maglakad, ano.

"Ewan ko" Sagot niya sakin. ANO. ANO DAW?! Ugh. Anong bang problema netong lalaking to sa totoo lang!?

"Ano bang problema mo? Kanina pa kita sinusundan, di mo naman pala alam kung saan pupunta. Mamamatay ako dahil sa sakit ng paa ko sayo eh. Akala ko ba proprotektahan mo ko?" Sabi ko.

"Kasama ba dun ang pagaalala ko sa paa mo?" Sabi niya sakin. Ugh! Naiinis talaga ako sa kanya. Gwapo pa man din.

"Alam mo? Nakakatawa ka talaga" Sabi ko sa kanya sabay tawa in a sarcastic way.

Tinignan niya lang ako.

"Balikan na nga natin sila Ate" Sabi ko sa kanya.

"Hayaan mo nga silang magmoment dun." Sabi niya sakin. Moment? Ano namang imomoment nila? Eh nanghihingi na nga ng tulong tong ate ko.

At dahil nakaupo siya at hindi ako pinapansin... Hayy, Wala naman akong magawa. Alangang iwan ko siya dito? uhm, Ewan ko. Di ko siya maiwan dito, para kasi siyang nawawalang bata. Eh sa totoo lang, baka nga mas matagal pa nilalagi nitong nilalang na to sa earth kesa sa mga magulang ko eh.

"Hindi ko talaga gets." Sabi ko sabay tumabi ako sa kanya.

"Alin?" Sabi niya.

"Ang gulo mo. Sabi mo wolf ka. Sabi mo ang mission mo dito, protektahan ako. Dahil sinuot ko tong kwintas na to" Tinuro ko yung kwintas na suot ko. "Pero hindi ko talaga magets. Parang wala lang naman. Para ka lang dumating kung saan. Na nagpapakilalang boyfriend ko." I glared at him.

"Anong gusto mong pagpapakilala ang gawin natin? Gusto mo bang sabihin ko na. 'Hi ako po ang wolf-- Tunay na wolf na mag guard sa anak nyo 24/7 kaya wag kayong matakot' yun ba?" Sabi niya sakin sabay tingin ng tanga-ka-ba way.

"Hindi yun yung sinasabi ko. Ugh! Nakakastress ka, alam mo ba yun!?" Sabi ko sa kanya.

"Mas naiistress ako sayo. Alam mo, Di mo talaga magegets to. Wala pa namang nangyayaring masama sayo diba? Wala pang time na kailangan ko ilabas yung totoong anyo ko para protektahan ka. Saglit palang tayong magkakilala, Jessica." Sabi niya sakin.

"Nung muntik na kong masagasaan."

"Anong gusto mo? Maging wolf nung hinila kita palayo sa daan? Eh kung sa tutuusin lang, kayang kaya ni Krystal yun eh. Masyado lang siyang natulala nung padating na yung kotse." Sabi niya sakin.

Hmmm. This is the first time na nagusap talaga kami to be very honest. Lagi nalang kasi kaming nag aaway. Ngayon lang din siya tumino ng sagot sakin. Akala ko nga pipilosopohin nanaman niya ko nung nagsalita ako eh.

"First time natin magusap ng ganito" Sabi ko sa kanya.

"Tuwang tuwa ka naman?" Sabi niya sakin.

"Hmm. Should I take advantage and ask you questions?" Sabi ko.

"No thanks. Tara na, puntahan na natin sila Xander" Sabi niya sakin sabay tayo. Hay nako! Back to mr. complicated wolf.

--

Pagbalik namin sa starbucks. Nakita naming nagtatawanan na si Ate May at si Alexander... Nasaan ang awkward dito? Dahil di ko talaga nakikita ang awkward atmosphere na tipong kailangan ni ate ng tulong.

"Ehem" Nagpekeng ubo si Vince.

"Oh pare, andyan na pala kayo" Sabi ni Alexander at tumayo para batiin si vince.

"Hi Ate..." Tinignan ko si Ate May Anne in a kailangan-mong-ikwento-to-sakin-kundi-magagalit-ako-sayo way.

And I think nagets nya yung tingin kong yun dahil bumulong siya ng 'mamaya pag uwi'

Baka naman bigla nalang sasabihin netong ate ko na siya na master ni Alexander, ha? Wag naman sana! Masyadong mapapagod tong si Alexander sa Ate ko. Dapat talaga di siya pumayag kung sakaling pilitin man siya ni Ate.

"Hatid na namin kayo?" Sabi ni Vince samin.

Anyway, Hindi ko din talaga gets kung gaano kayaman tong mga to? I mean, They own a car. At hindi lang basta car! They own a Mercedes Benz.. And they're 17. Kaya may driver sila, Hindi pa kasi sila marunong magdrive.. yung ganun? Hindi ko naman matanong kung bakit sila may Mercedes Benz. Ang mahal kaya nun?!

"Sige, Tara na" Sabi ni Ate May Anne sabay higit sakin papunta ng parking lot.

"So, anong nangyari sa inyo ni Alexander?" Bulong ko sa kanya pagkasakay namin sa kotse.

"Mamaya nga paguwi." Bulong niya naman sakin

And ayun na nga, Dahil chismosa ako. Di tuloy ako makahintay hanggang sa makauwi!

I'm in love with a WOLFDonde viven las historias. Descúbrelo ahora