Chapter 8

150 4 2
                                    

"Bakit parang hindi ka natulog ng sampung araw?" Pambati ng bestfriend kong si krystal.

Sino ba naman kasing makakatulog kung yung cellphone mo, ayaw tantanan ng isang lalaki?! Anak ng tupa. Nung pinatay ko yung phone ko, todo bato naman sya sa bintana ko. Hindi ko na  nga pinapansin pero go parin.

Akala ko nung dumating sa buhay ko tong si si Vince, Knight in shining armor ang dating nya. Eh mukhang siya pa ata papatay sakin eh. Di tuloy ako nakatulog, ni concealer di kayang itago tong dark circles ko sa ilalim ng mga mata ko. Sobrang mukha pa kong haggard akala mo siguro narape ako sa itsura ko ngayon.

"Bwisit kasi tong si vince eh. Ayaw magpatulog." Sabi ko.

"Omg! Ayaw ka patulugin ni vince?! Anong ginawa nyo magdamag?" Sagot naman ng bestfriend kong malisyosya.

"Binibigyan agad ng malisya, teh? Wag ngayon. Wala akong tulog. Tawag kasi ng tawag sa phone ko kagabi. Ugh." Sabi ko.

"Edi sana pinatay mo phone mo."

"Ayun na nga ginawa ko eh! Pero nakahanap parin ng paraan. binato naman ng binato yung bintana ko sakuwarto. There are times na aakyat pa sya para siya mismo yung kakatok. Mygahd! Nakakastress and nakakatakot siya." Sabi ko.

"Well, nakakatakot naman talaga siya in the first place because duh, WOLF siya if nalilimutan mo." Sabi naman niya.

I mean, Okay. I know na wolf siya. Pero hindi naman yun yun eh. Mabait siyang wolf, okay? Kasi nga yung 'mission' nya ay yung ilayo ako sa aksidente or anything dangerous. Yung nakakatakot kasi yung ang clingy nya... gets?! Paano ako magkakaboyfriend nito, omfg?

"Good morning, princess" Biglang may bumulong sa tenga and we all probably know who.

"Vince, Hindi na good ang morning ko. Hindi na talaga sya good in the first place." Naiirita kong sagot.

"Wala manlang goodmorning." Sabi ni Alexander habang natawa.

"Hinding hindi ko babatiin ng good morning ang mokong na to dahil di nya ko pinatulog kagabi." Sabi ko.

"Whoa. Kaya ba di ka sa bahay natin natulog Vince? May ginagawa ka kasama si Jessica?" Narinig kong sabi ni Jeffrey, na binatukan ni Vince.

"Tanga ka. Itutulad mo pa ko sayo. Kinukulit ko lang sya kagabi. Tawag ng tawag at nasa labas lang ng bahay nya" Explain naman ni Vince.

"At dahil don, Wala pa kong tulog. Ugh! Alis nga, nabbwisit ako tuwing nakikita ko mukha mo eh" Sabi ko. Hinigit ko si Krystal papasok na ng school.

"Bye guys!" Kaway nya sa kanila.

"Bye" Sumagot naman si ano, sino ba yun? Jun Martin ata name.

"Ano bang problema nito? Ang bitter bitter mo porebs" Sabi ni Krystal sakin, nagdadaldalan kami habang naglelecture yung teacher namin.

"Ano nanaman ginawa ko?" Sabi ko.

"Lagi kang galit sa mga lalaki simula nung nangyari yung kay Brylle."

Ugh. Si Brylle nanaman. Ayoko na ngang maririnig pangalan nya eh.  Ikkwento ko pa ba yung nangyari tungkol kay Brylle? Syempre ikkwento ko para naman may alam kayo sa buhay pag ibig ko, buhay pag ibig na sawi.

Siya yung lalaking kauna-unahang minahal ko. Like literally, Mahal na mahal ko sya. Niligawan nya ko after niya malaman na may gusto ako sa kanya. I know na wala syang nararamdaman for me that time but I took the risk. Kasi gusto ko talaga siya.

Sinagot ko siya after a month. Syempre, Pa hard to get muna ang peg ko. After ko siyang sagutin, Nakita ko siyang may kalandian na ibang babae. And guess what? They kissed in front of me. That's just the worst relationship I ever had. Well, That's the only relationship I had anyways.

Siguro dahil dito natrauma ako sa mga lalaki, Feeling ko parepareho lang sila. Such a nice experience for a first relationship.. And probably also the last. Magmamadre nalang ako. Di ko na kaya ulit masaktan just because of a guy. Siguro nga hindi sila lahat pareparehas pero for me, pareparehas padin silang lahat.

"Oh ano? Natulala ka na dyan" Bumalik ako sa present time nung narinig ko yung boses ni Krystal.

"Alam mo, Wag mo na banggitin si Brylle sa mukha ko, okay?" Sabi ko sa kanya.

"Ay bitter pa din, teh?" Sabi ni Krystal.

"Hindi no. Ayoko lang marinig yung pangalan nya" Sabi ko.

"Ms. Cruz and Ms. Perez! Please stop talking and listen!" Napatingin kaming parehas ni Krystal sa harapan. Ugh, ang daldal kasi napagalitan tuloy.

Inaantok ako. Bakit kasi math yung first subject eh. Sino bang sira ulo ang nag ayos ng schedule na to! Papikit pikit na tong mata ko nung naramdaman kong nagvibrate yung phone ko sa bulsa ko. Di naman ako mapapansin ng teacher namin pag ganto. Kasi nasa dulo naman ako, medyo sulok pa. Kaya dahan dahan kong kinuha ang cellphone ko sa bulsa ko.

Text mula kay Vince.

From: VinceMessage:

Sorry kagabi kung di ka nakatulog. Kung gusto mo umuwi ka nalang muna, ako na bahala. Magpahinga ka.

Ano kayang nakain nito? Biglang medyo naging sweet? Tinuturuan pa ko mag cutting classes. Bad Influence talaga. Pero inaantok din kasi talaga ako at di ko naman makakaya makinig sa mga lectures ng teacher dahil gusto ko ngang matulog..

To: Vince

Message:

Okay.

Nireply ko nalang sa kanya. Antayin ko nalang magbreak. Isang subject pa bago kami nagbreak. Ahhhh, ang tagla gusto ko na talaga matulog.

----

Nagising ako after ng i don't know. Pagkagising ko nandito na ko sa kuwarto ko at hapon na. Gaano ako katagal natulog?! At paano ako napunta dito? Bumaba ako at nagpunta sa kusina. Nandun si Ate.

"Oh, gising ka na pala. Okay ka na ba?" Tanong ni Ate May Anne.

"Paano ako napunta dito?" Tanong ko.

"Ay, tinext lang sakin ni Alex eh. Pagkauwi ko kasi, nandito ka na. Kaya tinanong ko kay Alex. Sabi niya, hinatid ka daw ni Vince dahil nahimatay ka daw kanina sa room." Sabi ni Ate May.

Nahimatay?! Anong pakulo nanaman to ni Vince? Ugh. Ang O.A gumawa ng scenario.

"Oh ano? Okay ka na ba?" Sabi ni ate May anne ulit.

"Okay na ko" Nakiride nalang ako.

Umakyat na ko pagkatapos at kinuha yung phone ko. Tinext ko agad si Vince.

To: Vince

Message:

Thank you vince. kahit ang o.a mo gumawa ng scenario. nakatulog na ko. bawing bawi na >3< thanks~

Ahhhh. Hinimatay talaga agad agad na naisip eh 'no? Eh paano kung di pala ako nakatulog at nung mismong break nalang ako tumakas? Ano kayang scenario iisipin nito ni Vince? Napapatawa ako tuwing naaalala ko eh.

Well, atleast medyo umaayos na kami. Di na kami araw araw nagaaway at nagsasagutan. Natulog ulit ako. Ahhhh. Ang sarap matulog

---

it's beeeen awhileeee friendzzzz hahahahahaha sorry nauubusan kasi ako ng mga ka ekekan and u know busy sa life ;; harthart comment lang kayo mwa

I'm in love with a WOLFWhere stories live. Discover now