Chapter 2

255 7 2
                                    

"Omg, nandito ka ba para patayin ako dahil nabunggo kita kahapon?!" Hysterical kong tanong dito sa magandang nilalang-- I mean sa lalaking nasa harapan ko.

"Wow! Alam mo, Sobrang panunuod ng mga palabas yan. Yung horror 'ba." Sagot naman neto.

Oh, medyo flashback tayo kung sino tong hulog ng langi-- I mean, eto ngang lalaking nasa harapan ko!

Kahapon kasi, pumunta kami ni krystal sa mall para magliwaliw, Alam nyo naman. Teenage life. Tapos ayos, nagskandalo kami sa odyssey at bumili ng album! Naglalakad kami ni krsytal nang may nabunggo nga akong lalaki.

At yung lalaking yun, ay etong lalaking nasa harap ko ngayon. At matindi ang entrance niya sa kuwarto ko ha! Aba, pagkagising ko ba naman at pagkalabas ng banyo, mukha na niya nakita ko?! Kakaihi ko lang eh. Kaasar. 

Aba at ayaw pang sabihin kung anong pakay niya sakin, at kung paano siya nakapasok sa kuwarto ko! PERO UNA SA LAHAT PAANO SIYANG NAKAPASOK SA BAHAY

"Umalis ka na nga dito! Makita ka pa ng mama ko, kung ano pang isipin" Sabi ko sa kanya.

"Ano naman? Baka nga matuwa pa yun eh. Isipin niya gumagawa na tayo ng magiging apo niya." Sabi niya habang nakasmirk.

W H A T. Ano daw?! Tama ba rinig ko o nabibingi lang ako?! Bat niya alam yun? Don't tell me kagabi pa siya nandito sa bahay at nakikinig sa usapan namin!?

"Hoy! Una sa lahat, Di ikaw magiging tatay ng mga anak ko no!" kahit guwapo ka pa! Syempre hindi ko na sinabi yung kahit guwapo pa siya baka lumaki pa ulo at kung anong gawin sakin.

"As if ikaw magiging nanay ng mga anak ko? Maaawa naman ako sa magiging anak ko."

OHMYGOD. Ang kapal naman talaga ng pagmumukha netong lalaking to! Nasa kwarto ko kaya siya?! Baka nalilimutan niya yun! Gamitin ko kaya ang advantage ng panunuod ko ng detective conan at patayin ko na tong hinayupak na to?!

"Oh, joke lang bebs. Wag ka na magalit."

At ano daw?! Bebs!? Aba sira ulo talaga tong bakulaw na to!!! Sisipain ko to sa espada ng kalikasan niya eh!

"Hoy! Di mo ako bebs no! Sino ka ba kasi talaga?!" Di naman makausap ng matino to eh. Kanina ko pa tinatanong to eh.

Sayang naman tong lalaking to. Napaka gwapo pa naman. As in napaka! Hulog ng langit! First time ko makakita ng gantong nilalang sa tanang buhay ko.  Para siyang lumabas sa isang manga or anime. Naiiyak ako kaso grabe eh. Multo ba to or what? Biglang lumalabas dito sa kuwarto ko eh. Nakalock ng maigi yung mga pinto at bintana. Paano kayang nakapasok to. Kung magnanakaw naman siya, Edi sana diba di na siya nagpaabot sakin, at di siya hihiga ng ganyan sa kama ko. At mukha naman siyang rich kid.

"Nakatingin tong si bebs. Sorry bebs, Kahit master kita. Di kita mapagbibigyan sa gusto mo, Medyo pinagbabawal kasi kaming gumawa ng baby eh. Pero kung gusto mo.. May condom naman diba...." Sabay tingin sakin netong lalaking to in a manyakis way.

SIRA ULO TALAGA ATA TONG LALAKING TO EH. AS IF NAMAN GUSTO KO GUMAWA NG BABY WITH HIM!?!! Okay sabihin na nga nating, Medyo gusto ko nga... Aba hoy! Jessica Lauren Cruz, anong sinasabi mo!? Naririnig mo ba yang sinasabi mo!? Anong gusto mong gumawa ng baby kasama tong bakulaw na guwapo na hulog ng langit na lalaki na to?!

Pero wait kasi eh. Medyo nagflashback yung sabi niya sakin at sinabi niyang kahit master niya ko. What does he mean by master? Like aso ko ba siya tapos ako yung amo.

"Master?" Tanong ko sa kanya.

"HOY JESSICA!! SINONG KAUSAP MO DYAN!" Shoot! si Ate! Bigla bigla namang nadating tong ate kong to. Mahirap gisingin to eh, bat narining niya kami?!

I'm in love with a WOLFWhere stories live. Discover now