Chapter 4

233 8 4
                                    

Ahhh. Mga 2 araw na nakalipas simula nung nangyari yun. At eto ako kinekwento lahat kay Krystal ang nangyari. Simula sa simula hanggang sa kahuli hulihan. Sinabi ko din sa kanya ang pagiging wolf ni Vince.

"Omg!! Para kang nasa korean drama! Haba ng hair! Gusto ko siyang mameet." Sabi niya. Hay nako, Buti pa siya kinikilig at walang pinoproblema. Eh ako?! Nakakatakot pero may kilig din naman. Pero iba kasi eh. Ay ewan!

At pagkasabi nun ni Krystal, may sa-demonyo ata tong si Vince, Bigla bigla nalang nalitaw from somewhere. Eto, Biglang nasa tabi ko na. Kung may sakit lang ako sa puso!! Namatay na ko eh.

"Anong ginagawa mo dito?!" Sabi ko

"Narinig ko kasi na gusto daw ng friend mo na makilala ako. At dito ako nagaaral.. Sa kabilang building" Sagot niya sakin

Etong school kasi na to, tatlong building. Elementary Department, Highschool Department at ang College Department.

"Saang building ka? Elem department?" Pabiro kong tanong.

"Uhm, nandito ako. Hi" Biglang singit ni Krystal na kinikilig pa.

"Ah. Nandyan ka pala." Sabi ko. Binato ako ni Krystal ng notebook niya. Hay nako bruha talaga to.

"Vince, Si krystal. Bestfriend kong pangit. Krystal, Si Vince... Alam mo na" Sabi ko habang pinapakilala ko silang dalawa.

Nagshake hands sila, tapos etong kadaldalan ni Krystal. Ayun! Kinwento na lahat ng tungkol sakin. Hayup talaga tong babaeng to. Kung hindi ko lang talaga bestfriend to. Pinatay ko na to eh.

"Ok! Stop, Tara na Krystal. Baka dumating na si ma'am. tapos na recess." Sabi ko sa kanya.

"Ah. 4th year high school, ka pa nga lang pala no? Sabagay may class na din ako ngayon." Sabi niya sabay tingin sa relo nya. "Same class ata kami ng ate mo."

"Ahh. Ge pacheck nalang kung may kabaliwan na gagawin si Ate." Sabi ko at umalis na.

"Sinong ate?" Bulong ni Krystal

"Sino pa bang ate ko? Edi si Ate May Anne. ano ba krystal" Sabi ko.

----

MAY ANNE's POV

Hay nako. Classes nanaman. Napaikli ng vacant namin ngayong araw na to. Nakakatamad. Pero okay lang, Ang dami kayang gwapo sa class na to. Hehe.

Pagpasok ko ng room, nakita ko si brother-in-law. Ay! Si Vince pala, kaya kumaway ako. kumaway din siya. And omg? Ang gwapo ng mga tropa niya! Mamaya nga malapitan to. Haha. Kailangan niya gawin ang mga bagay na to para makapasa siya sakin bilang boyfriend ng kapatid ko.

Ayun, napakaboring ng klase na to. Kung di lang sa mga gwapo na yun, wala sigurong papasok dito. Nakakaantok prof dito eh. At buti nalang nga, mabilis natapos.

Lumapit agad ako kay vince. "Vince!"

"Oh. Ate May Anne." Sabi niya.

"Grabe maka-ate? Same class nga lang tayo eh. Wag ka na mag ate." Sabi ko sa kanya. Feeling close ako eh. Pero hayaan nyo na.

"Pakilala mo naman ako.. dun dun. sa isa" Bulong ko sa kanya, tinuro ko yung matangkad na payat na lalaki. Pero sobrang gwapo! Sobrang puti pa.

"Ahh. Xander, Si May Anne.. Ate ni Jessica. May Anne, Si Xander." Sabi ni Vince. Makikipagshake hands dapat ako. kaso wala eh. Ningitian lang ako. Aba suplado!?

"Alexander nga pala." Biglang sabi niya. Owww. Siguro kaclose lang niya tumatawag sa kanya ng Xander.

"Pwede ba kitang tawagin na Alex?" Sabi ko.

"Hindi." Ang cold niya sumagot. Ano ba yan.

"Ang cold ha. Pero alam mo kasi, makulit talaga akong tao. Kaya Alex itatawag ko sayo, okay? Anyway! Una na ko. Salamat. salamat. bye" Sabi ko tapos umalis na ko. May susunod pa kasi akong klase eh. Haggard naman maging college student! Balik highschool nalang please?!

----

JESSICA's POV

Naglalakad kami dito ni Krystal, Habang siya kinikilig pa din. tapos biglang makakasalubong namin tong sila vince.. Kasama ang mga tropa niya OHMYGOD Sobrang gwapo din! Lalo na tong matangkad na medyo blondie yung buhok. basta basta. Ughh gwapo.

"Omg omg omg, ang dami palang tropa neto. Ang gwapo omg. Pakilala niya tayo sabihin mo" Bulong naman ng bestfriend ko.

"Ang landi mo alam mo ba yun?" Sabi ko.

"yo." Bati sakin ni Vince... Kung titignan mo talaga si Vince, parang hindi talaga siya wolf eh. Nagegets nyo ba yung nararamdaman ko.

"Vince. pakilala mo naman kami sa kanila, wolf din ba?" Narinig kong bulong ng bestfriend ko kay Vince. Jusko po tong babaeng to, sasabunutan ko to eh.

"Pag pasensyahan mo na ha. Baliw eh" Sabi ko kay Vince.

"Hindi okay lang, papakilala ko kayo. Gusto din naman kayo makilala ng tropa eh" Sabi ni Vince.

"Eto si Kristoffer." Turo niya dun sa sinasabi kong matangkad na gwapo na medyo blonde ang buhok. "Eto naman si Alexander" Tinuro naman niya yung isa na payat na maputi. "Eto si Kevin." Tinuro niya yung isa na ang cute ngumiti. Naka eyeliner pa. "Eto si Lance." Kumaway naman yung tinuro niya na ang cute din tignan parang inosente na ewan. "Eto si Tao. Chinese siya kaya ganun ang name" Tinuro naman niya yung medyo nakakatakot yung mata. Pero nung ngumiti, ay pamatay. "Eto si Jun." Tinuro niya yung medyo kulang sa height.. Pero gwapo naman! ang puti. "Eto naman si Jeffrey, ingat kayo dyan. Medyo playboy eh" Tinuro nya yung hindi ganun kaputian na hot na lalaki. "Eto si Matthew" Tinuro niya yung super tangkad na lalaki ang cute cute. Mukhang everyday happy. "Eto naman si Franz." Tinuro niya yung di din ganun katangkadan na maputi na cute na lalaki. " Eto si Michael" Tinuro niya yung isa ang gwapo pag nangiti. "At eto naman si Harold" Tinuro niya yung di rin ganun katangkaran pero ang cute, pabilog kasi yung mata.

"Ang dami mo namang friends." Sabi ni Krystal.

"Ganun talaga, pag gwapo." Sagot naman nung Kristoffer.

"Balita namin.. Girlfriend ka daw ni Vince?" Sabi sakin nung Franz.

"Ahhhh?? Hindi ah." Sabi ko.

"Haha. Oo, Alam naman namin yung storya eh." Sabi nung Harold.

Medyo mahirap tandaan yung mga name nila tapos yung mukha pa. Ang dami kasi nila eh. Huhu. Ano ba naman yan, Vince! Bakit ang dami mong barkada?! And omg, Don't tell me lahat ng mga lalaking to, wolf din? Katakot naman. Biruin mo kalahati ata ng gwapo sa buong mundo, wolf! Charot. Hahaha.

So ayun, Humilaway na sila samin. may gagawin pa daw sila. Ewan ko, like, "Wolf Stuffs"? siguro.

"I don't know ha. Pero diba dapat lagi kayong magkasama ni Vince? Diba sabi mo nga para siyang guardian angel?" Sabi ni Krystal

"Guardian angel? More like guardian demon. Hayaan mo siya. As if naman may mangyayaring masama sakin diba?" Sabi ko.

Di ko akalain na pwede nga talagang may mangyaring masama ano mang oras....

I'm in love with a WOLFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon