Chapter 5

2.8K 70 29
                                    

5
'Lets take it slowly like what happened last night.'

The sun rise is so wonderful. Masarap magjogging ngayon ah. Tamang tama, mamaya pa namang hapon ang klase ko. Rise and shine, Yna. Pagbangon ko biglang sumakit yung ulo ko. Bakit kaya?

"Hi Yna." Napatingin ako kung sino yung nagsalita, he's smirking. Napatingin rin ako sa paligid, black and white ang pintura ng walls.

Oh my! Wala ako sa bahay! Hindi ko 'to kwarto! Nandito si Sir Perez, topless!

"Anong ginagawa ko rito?!" Promise nagpapanic ako. "Oh shocks..bigti na." Wala sa sariling sabi ko.

Yesterday night...

"Yeah! Let's party all night!" Dinala ako ni kuya sa club. What the h!

"Bakit mo 'ko dinala rito? Minor pa lang ako, kuya. I'm not allowed here." Sabi ko kay kuya na mukhang hindi ako narinig dahil sa ingay.

"Just enjoy the night, Yna." Sabi niya habang nakatingin kami sa pintuan ng club.

Nauna siyang pumasok. Is he leaving me here?

"Kuya wait lang!" Tawag ko sa kanya pero pagpasok ko sa loob, hindi ko na siya makita.

Ang dilim naman dito. Bakit ba gusto ng mga taong ito sa madilim na lugar? Argh!

"What are you doing here?" Tanong ni.. Sir Perez?

"Naku sir maniwala kayo sa akin. Dinala lang talaga ako ni Kuya Tristan dito. Hindi ko naman alam na rito kami pupunta eh-" Marami pa sana akong sasabihin ng biglang dumating si Kuya Tristan.

"What's up bro?" Sabi ni Kuya Tristan.

Kahit sa madilim na lugar na ito, nakita kong nagmanly hug sila. Teka, magkakilala sila? Hmm sabagay parehas silang professor eh.

"Ok naman, ang tagal nating hindi nagkita ah. Ikaw kamusta ka na?" Sabi ni Sir Perez pagkatapos nilang magyakapan.

"Ok lang din." Sagot ni kuya.

"Bro, sister mo?" Tanong ni Sir Perez kay Kuya Tristan habang nakatingin sa akin.

"Yup. Siya nga pala si-" Hindi natuloy ang sasabihin ni kuya ng bigla akong magsalita.

"You don't need to introduce me to him. He knows me." Sabi ko habang nakatingin kay Sir Perez.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni kuya.

"Siya lang naman ang nagbigay sa akin ng warning notice." Sabi ko. "At ang sabi mo para makalimutan ko yung warning notice na yun eh pupunta tayo rito." Dadag ko habang nakatingin kay kuya. I gave him my deadly look.

"Sorry naman.. I didn't know na siya pala yung prof mo eh." Bulong sa akin ni kuya. "One more thing. He owns this club."

Naglakad ako palayo sa kanila pagkatapos akong bulungan ni kuya. Paano ako makakalimot kung sa kanya pala itong lugar na 'to?! Tsk. Bwisit kasi eh!

"Hey!" Someone covered my eyes using his hands. Alam kong lalaki siya with his voice.

"What the h! Tanggalin mo 'yang kamay mo sa mata kung hindi sisigaw ako rito." Sabi ko sa kaniya.

"Ok ito na.." Tinanggal niya yung kamay niya sa mata ko.

"Anong trip mo?" Tanong ko sa kanya.

"Pansin ko kasi na bad trip ka. Tara iinom mo na lang 'yan." Aya niya sa akin.

This is like hello? You're a stranger tapos mang aalok ka riyan. So I stay put kung na saan ako nakatayo nung hinila niya ko with his hand on my hand.

When We FallWhere stories live. Discover now