Chapter 31- Users

1.2K 24 8
                                    

Yna's POV

"Ano, hindi mo ba talaga siya pipigilan?" tanong ni kuya na nakasandal sa pinto habang ako naman nakahilata sa kama "After 3 hours pa ang kalase mo, mamayang 5pm pa ang flight niya-"

"Bakit mo ba gustong pigilan ko siya? After a few weeks, months or years babalik din naman siya at isa pa wala na kami" sagot ko

"Paano kung hindi na siya bumalik?" that hit me, paano nga ba kung hindi na siya bumalik?

"Bakit, hindi na nga ba siya babalik?" tanong ko pabalik

"For good na siya dun"

"HA?!"

"Ano pipigilan mo na?"

Hindi ko nasagot si kuya. Oo aaminin ko nagulat ako sa sinabi ni kuya pero hindi ko parin talaga alam kung pipigilan ko ba si Christopher o hindi. Alam ko naman kasi na wala na dapat akong karapatan at pakielam sa kanya dahil wala na kami...

"Uy, ano?" tanong sakin ulit ni Kuya

"Hindi ko alam"

"Pag isipan mong mabuti yan habang may panahon pa, dahil kung hindi baka magsisi ka" payo sakin ni kuya at umalis na

Pagkaalis ni kuya tumayo na ko sa pagkakahiga ko para mag handa papasok sa aking paaralan.

Inayos ko yung bag ko at nakita ko naman ulit yung singsing na ibinigay ni Jerome nung nag propose siya sakin

I let out a deep sigh

"Dapat ko na itong ibalik sa kanya" sabi ko sa sarili ko at nag patuloy akong mag ayos ng gamit pagkatapos ay bumaba na

"Ma'am nandito na po ang sundo niyo" bungad sakin ni manang, si Sir Park siguro yun

"Good morning" seryosong bati sakin ni Sir Park, naalala ko tuloy si Jerome eh "Let's go?" at naglakad papunta sa labas

Hindi niya man lang ako pinauna?

Tapos ngayong nasa labas na kami, hindi rin niya ko pinagbuksan ng pinto kaya ako nalang nagbukas para sa sarili ko =__= napaka ungentleman

Tahimik lang siya habang nagda-drive ng kotse. Ganito ba talaga siya? Kung ganun napaka boring niyang kasama.

"Saan mo gustong dumaan? We still have 2 hours left" pagbasag niya sa katahimikan

"Sa coffee shop nalang siguro" sabi ko naman

Christopher's POV

"Pipigilan niya kaya ako?" tanong ko kay Jerome

"Siguro, hindi ko rin alam eh" sagot naman niya "Gusto mo bang magpapigil?"

"Hindi ko alam"

"For good ka na pala dun?"

"Yup, surgery"

"Good luck, di bale pupunta ako dun para ipaalala ang sarili ko" sabay ngiti "Hey, look" tumingin naman ako dun sa tinuturo niya

Si Yna, kasama yung Sir Park na yun. Papasok sila dito sa loob ng coffee shop.

"Ang hina mo kasi eh bakit ka pumayag na magbreak kayo, yan tuloy nalulungkot ka ngayon. Pwede mo naman siyang balikan pagkatapos ng surgery or operation mo, nandito naman ako para ipaalala siya sayo"

Sige pa Jerome, magpakunsensya ka pa..tch

"May posibilidad na hindi na ko makaalala ulit" paalala ko sa kanya

When We FallΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα