Chapter 30- Started and ended here

1.2K 24 8
                                    

*Very Short Update*

Christopher's POV

"Yna, I need to confess something to you" sabi ko

Naglalakad kami ngayon dito sa hall way ng campus

"Ano yun?" tanong niya

"Kaya kita dinala dito, for us to have a proper closure ayaw kasi kitang iwan sa ere"

"H-hindi kita maintindihan.."

Alam ko Yna naguguluhan ka pero sana tanggapin mo itong sasabihin ko at sana rin ay intindihin mo nalang

"Mag break na tayo" diretsahang sabi ko

"HA?!"

"I know our relationship wouldn't last forever tulad ng pinapangarap mo dahil.."

"Dahil..?" maluha-luhang sabi niya

Ah, please Yna wag kang umiyak sa harapan ko baka...baka magbago isip ko

"I..I.." shit ka Christopher, kaya mo yan "I don't love you the way you love me anymore"

"P-pero Christopher naman!"

Shet na nga ba yung sinasabi ko eh, please wag kang nang umiyak...

"Sorry Yna"

"Paano yung pinagsamahan natin Christopher?! Kakabalik pa lang ng alaala ko pwede bang wag mo naman gawin sakin 'to? Gagawin ko ang lahat, wag mo lang akong iwan please"

"Tama na, wala ka nang magagawa pa" mahinahon kong sabi "Yung luha mo...sinasayang mo lang"

Isang hampas sa dibdib ko ang ibinigay ni Yna at tumakbo papalayo sakin. Yan, tama nga yan Yna. Layuan mo ko, kung pupwede kalimutan mo na rin. Ayaw kitang nakikitang nasasaktan, paalam Yna. Patawarin mo sana ako.

Tristan's POV

Hi guys! Namiss niyo ba ko? Tagal ko ding hindi nag POV ah... Anyway, kakauwi ko lang galing sa St. John at sabi ni Manang kakauwi lang din daw ni Yna, umiiyak daw yung kapatid ko. Pinakiusapan din ako ni Mommy kung pwedeng kausapin ko daw si Yna, hindi daw kasi siya kinakausap tanging ang paghikbi lang ang naririnig. Pinuntahan ko sa kwarto si Yna, kumatok muna ako bago ko buksan yung pinto.

Nakita ko siyang nakasalampak sa kama. Hikbi ng hikbi.

"Hmmm ano namang drama yan?" pagpapatawa ko at sumandal ako ng patagilid sa pintuan

At tulad ng inaasahan ko napatawa ko siya

"Sabihin mo nga sakin, anong nangyare?"

"Kuya kasi..."

Sinabi niya sakin yung mga nangyare, sinabi niya sakin ang mga nalalaman niya pero may isang bagay na alam kong hindi niya alam. Ito ay ang pagkakaroon ni Christopher ng brain tumor.

Kanino ko nalaman? Kay Christopher mismo. Yung mga kinuwento sakin ni Yna, actually hindi ko na yun kaylangang marinig sa kanya kasi sinabi na yun ni Christopher sakin.

Wednesday bukas di ba? Tama. Aalis si Christopher bukas for good na siya dun dahil doon isasagawa ang operation niya. I just hope na maging ok siya at maging ok din ang kapatid ko. Alam kong mabilis maghilom ang mga sugat mula sa puso ni Yna, masayahin kasi siya, madaling makalimot.

"So umiiyak ka dahil dun?" napatingin naman siya sakin, lumapit ako sa kanya at tinabihan siya sa kama

"Bakit, hindi ba dapat ikaiyak yun?" tanong niya pabalik

"Ikinakaiyak din naman yun kaya lang kung ako sayo, iisipin ko nalang na may reason si Christopher kung bakit siya nakipag break"

"Eh, sabi niya nga hindi niya na 'ko mahal tulad dati.."

"Kapag ba sinabi ng isang tao na hindi ka na niya mahal, maniniwala ka agad?"

"Sinabi niya eh, naniniwala naman ako sa kanya dahil mahal ko siya" she let out a deep sigh

"Alam mo, mali ka ng papanaw diyan" sabi ko naman "Kung mahal mo ang isang tao hindi ka agad-agad maniniwala sa sinasabi niya kasi madalas tinatago niya lang yun sa puso at sa isip niya, malay mo mahal ka pa rin talaga niya at may matinding dahilan kung bakit niya yun sinabi sayo"

Hindi siya sumagot

"Aalis na bukas si Christopher, 5pm ang flight niya"

"Bakit mo sinasabi sakin yan?" tanong niya "Gusto mo bang habulin ko siya?"

"It's not up to me to descide" I grin "Sige, wag ka ng umiyak ah pag isipan mo yan"

"Thank you kuya"

I smiled as a reply then walked out of her room. Pagkasado't pagkasarado ko ng pintuan, nakita ko si mommy clutching her breast na parang kakagaling lang sa heart attack.

"Hay, buti naman nagwork ka sa kanya" sabi sakin ni mommy

"Kuya knows best ma!" napatawa naman siya

"What happened?"

"Tanong mo na lang si Daddy, malamang siya may pasimuno nananaman nito"

At naglakad na ko papunta sa kwarto ko. Pagkapasok ko nilapag ko na yung shoulder bag ko, nagpalit ng bathrobe at pumasok sa banyo. Nagshower ako.

"Sir, may bisita po kayo sa baba" sabi ni Manang

"Sinong bisita? Wala naman akong inaasahang bisita ngayon eh" sabi ko paglabas ko ng banyo

"Ah" napalingon ako, para naman kasing tanga yung kausap ko, 'ah'? anong klaseng sagot yan?

May bago pala kaming maid?

"Bago ka ba dito?" tanong ko dun sa maid pero hindi sumagot "Uy! Yung bibig mo nakanganga"

"Po?"

"Sabi ko bababa na ko" tumango naman siya at lumabas

Pagkababa ko nakita ko si Jerome...anong ginagawa niya dito?

"Pre, kamusta?" bati ko "About last time, masama pa rin ang loob ko"

"Sorry talaga but I think ok na naman kami ni Yna eh" sabi niya "I have a problem"

"Ano naman yun?"

"I need help for my dabate club"

"Eh, akala ko ba si Yna tutulong sayo?"

"Do you think she could help in terms like this if she's not-"

"Teka, teka, teka ikaw na ba ang bagong English teacher, ha?" sita ko sa kanya

"Hindi bakit mo na tanong?" taking tanong niya pabalik sakin, argh! May pagkaslow talaga 'tong kaibigan ko, no?

"Ikaw nage-english tapos ako nagtatagalog!"

"Tch. Edi magenglish ka din problema ba yun? Isip bata ka din kung minsan eh" sabi niya

"Eh ikaw naman slow" ganti ko

"Tama na nga yan, nagaaway kayo sa isang nonsense na bagay" napalingon naman kami ni Jerome sa gawi ng nagsalita

"Kanina ka pa diyan?!" Sabay naming frown ni Jerome

"Oo, kanina ko pa din naririnig yung nonsense niyong pagtatalo"

"Grabe ka naman makanonsense parang hindi kayo nagtatalo ni Sky ah!" sabi naman ni Jerome

"Nagtatalo kami minsan pero hindi naman tulad ng sa inyo para kayong isip bata" pinal na sabi ni Yna at umalis na

Author's Note

Wala akong masabi, sobrang sabaw ng utak ko ewan ko nga ba kung bakit nag ud ako eh, wala lang pero ganun pa man salamat sa support lab yah!

When We FallWhere stories live. Discover now