Chapter 37- Mission Failed

1K 18 7
                                    

Sunday, 6:00 am

Yna's POV

Ang aga kong nagising ngayon. Siguro dahil hindi ako masyado comfortable. Paano ba naman kasi simula nung Friday hanggang kahapon awkwardness ang namamagitan sa amin ni Terrence. Ewan ko kung bakit, siguro dahil nagtapat sa akin si Terrence?

Hind naman sa may nararamdaman na rin ako para sa kanya dahil walang-wala talaga. Mabait na tao Terrence kaso hindi ko talaga alam kung paano susuklian ang kabaitan niya plus...busted siya sakin? Hindi niya na ako kinakausap. Siguro masama na talaga loob nun sa akin. Paano ko kaya ako makakabawi sa kanya?

Magluto ka para sa kanya- isip ko

Eh kaso hindi ako marnong magluto eh

Gumawa ka ng household chores- isip ko ulit

Eh kaso hindi ako marunong nun

Alam ko na, magdilig ka ng halaman sa garden niya- isip ko ulit

Wala naman siyang garden dito eh, shunga lang?

Sayawan mo na lang siya- isip ko ulit

Saan yung tugtog? Baka mamaya isip nun may sayad ako

Alam mo ang arte mo! Kumanta ka na nga lang!- isip ko ulit

Ayun, nakatumpak na rin ako sa wakas!

Mas maganda kung may instrument pa ako di ba?

Eh saan ka naman kukuha ng instrument aber?-isip ko

Aish oo nga no?

Kung kakanta nga ako, anong kanta naman?

Isip

Isip

Isip

Isip

Ah alam ko na! *ting* ßeffect yan na may naisip na ako! Ang witty ko talaga *wink*

Pero kailan ko naman gagawin yun, tsaka hindi naman ako pwedeng kumanta nalang sa harapan niya para naman akong timang kung ganun di ba? So, kailangan ko ng mga materials para presentable naman kaya naman naisipan ko na pumunta sa bayan. Malayo ang bahay na 'to sa bayan, may time pa naman ako para makabili.

Siyempre bago ako lumabas ng bahay magpapalit muna ko ng damit. Mukhang malamig ang simoy ng hangin sa labas. Naisipan ko na kumuha ng isang sweatshirt sa walk-in closet ni Terrence since yung mga damit na binigay niya sa akin eh maninipis baka lamigin ako sa labas.

Kinailangan ko pang mag tip-toe para hindi makagawa ng ingay baka kasi magising si Terrence, light sleeper lang kasi yun eh. Tulog-manok? Tama ba yung term? Ah ewan...

Sinuot ko yung sweatshirt at lumabas na ng bahay.

Hay.. ilang minuto na ko dito naghihintay pero wala akong makitang tricycle na dumadaan. Pwes, kung wala talaga..maglalakad na lang ako.

"Saan ang punta natin magandang binibini?" tanong sa akin ng isang lalaki sa akin, nasa 29 ang edad niya siguro

"Ah sa bayan lang po" sagot ko naman

"Ganun ba?" ngumisi siya, teka..lasing ba 'to? "Gusto mo samahan kita doon?"

"Oo nga naman Miss, baka kasi mapakinabangan ka pa ng iba" nagulat na lang ako ng may biglang nagsalita sa likod ko, sobrang lapit niya sa akin

When We FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon