Chapter 19- Tragic

1.7K 34 5
                                    

Yna's POV

"Tss.. kalat na kaya dito sa buong campus" sabi niya

"Eh kanino daw?"

"Sakin" sagot niya na ikinabigla ko naman

"What?!"

"Joke lang, sana nga sakin eh pero sabi nila isa daw sa mga teachers"

Ano ba Yna, maloko si Richard di ba? Baka isa lang yun sa mga loko niya. Teka, para matigil na nga to' kakausapin ko na lang si Christopher halos 1 month ko na kasing iniisip yung mga sinabi ni Richard. Nakakaparanoid.

*Calling JC ko*

"The number you dialed is currently unavailable please try your call later" yan ang narinig ko, ewan ko ba kung yun talaga yun eh

Bakit ganun? 1 month na niya akong hindi pinapansin. Laging ang reason niya marami siyang ginagawa, sobrang busy daw siya, may practice siya sa club niya at masama ang pakiramdam niya pero lagi ko namang nakikita si Ma'am Rose at siya na magakasama. Masaya siya tuwing kasama niya yun.

"Pst. Yna bakit di ka pa nagbibihis, hindi ka ba papasok?" tanong ni Kuya

"Oh shemay! Friday lang pala ngayon" nasabi ko sa sobrang gulat

Napatakbo ako sa bathroom at nag-ayos na ng sarili.

Pagpasok ko ng gate ng school, wala nang mga students sa grounds so ibig sabihin late na ko. Binilisan ko ang lakad ko first subject ko ngayon ang Biology at panigurado patay ako kay Sir Medrana ngayon.

Pagpasok ko ng pinto....

"Naturingang Student Council president siya pa ang late, tsk. Tsk. Tsk."

"Kuya Arman?"

"Ehem! Please call me Sir Estrella" sabi niya, sabay titig sakin na Nasa-school-tayo-yna-look habang nakangiti

"Um Sir Estrella, sorry po I'm late" I apologized

"Ok,please be seated" he said

"So, wala si Sir Medrana because he's sick" he said

"Ay anu ba yan!" inis na sabi nung kaklase ko

"But well of course nandito ako for substitute"

"Ok na rin gwapo rin naman siya eh" Sabi pa nung isa

Nagstay si Sir Estrella ng ilang minutes pa tapos iniwan din kami dahil may klase na daw siya. Grabe ang tagal ko rin siyang di nakita. By the way friend siya ni kuya Tristan. Grabe dito na rin pala siya nagtuturo.

Siyempre dahil wala nang teacher sa loob ng klase nagsi-takbuhan yung mga kaklase ko sa labas papuntang canteen early break daw, di ko na rin sila pinigilan kasi wala din naman ako sa mood magalit at magsaway. Habang sila papunta sa canteen, ako naman pinili kong maglakad-lakad. Absent si Sky ngayon eh, ewan ko ba dun. Eto nga't naglalakad ako, nakita ko si Christopher at si Benny na naghahalikan. I admit nasasaktan ako, girlfriend niya ko eh, ang tagal niya kong di pinapansin, ang tagal kong rin siyang di nakikita. Tapos ito? Ito lang ang mapapala ko?

"Christopher, di mo sinabi may kapalit na pala ko? Pinagmukha mo kong tanga dun ah! So kalian ba tayo naghiwalay?! Nakakagulat talaga"

"Yna, I'm sorry-"

Hindi ko na inintay na marinig yung iba niyang sinasabi tumakbo lang ako ng tumakbo, nahawakan ako ni kuya sa braso..niyakap ko siya at niyakap niya rin ako pabalik.

"Kuya...ang sakit, wala naman akong pagkukulang di ba?" sabi ko at bigla akong napahugulhol ng iyak

Nakita kong papalapit na si Christopher kaya tumakbo ako ulit hindi ko siya kayang makita pa. Minahal ko siya pero anong ginawa niya niloko niya lang ako. I have thought myself to love him pero anong nakuha ko? Deserve ko ba to'?

Tristan's POV

I ran so fast para maabutan yung kapatid ko, I think alam ko na kung bakit siya ganito, maybe its all about Miss Rose at si Christopher. I knew it! Dapat sinabi ko na sa kanya na nagseselos si Christopher at may affair sina Miss Benny at si Christopher.

Nagslow down si Yna ng bigla siyang mahagip ng truck sa daan..malayo na sa school that time. She's faced down, tumawag agad si Christopher ng ambulance at madali naman itong romisponde. And now here we are at the hospital, waiting for the doctor para marinig ang news sa nangyaring operasyon and everything.

"Tristan, tita, tito, I'm sorry" Christopher apologized, halos lahat ng friends ni Yna nandito nag iintay pati sina Mommy at Daddy maging si Jerome.

Hindi pinansin ni mommy at daddy si Christopher pero ako di ko napigilan ang sarili ko.

"SORRY?! Hahaha nakakatawa ka naman Christopher, niloko mo at nasagasaan na si Yna, lahat- lahat...Sorry lang?" I said "I knew this already! NA SASAKTAN MO LANG ANG KAPATID KO!"

"Tristan, just let me explain" he said

"Hindi ka sakin dapat magexplain kundi kay Yna" I said "Well kung magagawa mo pa yun dahil I assure you that after this hinding hindi mo na siya makakausap at makikita pa"

"Tristan, wag mo namang gawin sakin to'"

"Tristan we haven't agreed on that, yet!" sabi ni dad

"Well, when it comes to my sister I know what's best for her dahil ako lang naman ang nakakaintindi sa kaniya " I said

Hindi na rin komontra si Daddy at si Mommy because they know what I've said is true.

Ilang sandali pa bumukas na ang pinto ng operating room at lumabas na ang doctor.

"Are you the family of the patient?" sabi ng doctor

"Yes doc."

"Well the patient is already safe but still, she's under observation" announced ng doctor "She commits five stitches" dagdag pa ng doctor at umalis na

Pumasok na kami sa loob ng room and their she was lying down on the bed peacefully sleeping...

Author's Note

Hey everyone! Cover changed! Alam ko ang pangit ng una kong gawa but ito pinaltan ko na pero ako parin may gawa ng cover :P

When We FallМесто, где живут истории. Откройте их для себя