Chapter 28- Professor Park

1.3K 30 9
                                    

Yna's POV

Kakauwi ko lang galing sa hospital kung saan dinala si JC, na discharged na siya kanina lang. Monday pala ngayon? Hindi ko na namalayan. Nadatnan kong na sa sala sila mommy at daddy.

Seryoso silang nakatingin sakin na para bang hinihintay talaga nila ang pag-uwi ko.

"Anak, what's happening to you?" tanong ni mom

"Your professor talked to us last Friday" sabi naman ni dad

"A-ano pong sabi ng prof ko?" naga-alalang tanong ko

"Your grades" sabi ni dad "If your not going to study and consistently having an absent in school, baka bumaba grades mo at hindi ka makapasa sa next semester" sabi ni dad

"Anak, we know what Jerome did to you but please try to cope up with that" sabi ni mom "You need to study anak para sa future mo the company is waiting for you anak"

Tumigil na sila sa pagsasalita kaya naman naisipan ko ng pumunta sa kwarto ko para makapaghanda papasok sa school

"Sige po mommy, daddy maga-ayos na po ako" tanging sagot ko nalang

Paakyat na sana ako sa hagdan ng muling magsalita si dad.

"How's Christopher?" tanong ni mom

"Ok na po siya" tipid na sagot ko

"Good" matigas na pagkakasabi ni dad

Tuluyan na kong umakyat sa taas at pumunta sa kwarto ko. Nagmadali akong maligo't magbihis. Suot ko ngayon ang isang polo na long sleeve at slacks. Habang ang buhok ko naman ay nakatali ng low side ponytail, basa pa kasi ang buhok ko. Hinanda ko na rin ang bag ko, nilagay ko siyempre sa loob yung mga kaylangan kong libro para sa araw na ito.

Hindi pa ako tuluyang nakakababa ng makita kong may apat na lalaking nakaupo sa sala kasama ang daddy ko. Kaya naman nagtungo ako dun.

"Ah, Yna" tawag sakin ni dad "They will be your bodyguard"

Ha?! Bodyguard?!

"Dad I think, I don't need a bodyguard" sabi ko naman "I can defend myself naman eh"

"But your mom and I thought that you need them"

"But that, it only means that I can't move freely"

"Yes, you can move freely with them"

"Anak, you look like your bodyguards" natatawang sabi ni mommy

Oo nga no?!

Black din yung suot nila, manggagaya tong' mga to ah!

Ako nauna dito eh!!

"It's my advice to change your clothes, anak"

"Fine, mom" sabi ko nalang

Kaya umakyat ako ulit at nagpalit. Suot ko naman ngayon ang isang yellow na dress with white coat.

"That looks better" mom approved

Yun, I bid good bye to my mom and dad then went inside the black car.

Once I'm inside the car, umandar na agad yung kotse

When We FallWhere stories live. Discover now