Chapter 34- Goodbye

1K 20 7
                                    

Terrence's POV

Nagising ako sa alarm ng cellphone ko. Pinatay ko muna yun bago ako bumangon. Pinuntahan ko ang si Yna sa kwarto pero wala siya dun, siguro nagpauto nanaman si kay Christopher at pumunta sa airport. Tsk.. uto-uto talaga siya. Sinabi na nga ni Mr. President na ayaw nga ng mother nina Jerome at Christopher sa kanya-ah oo nga pala hindi niya nga pala yun alam. Hindi na ako mag aalalang habulin siya, she should learn from her mistake.

Sinasayang niya lang ang oras niya sa isang lalaki na walang kasiguraduhan sa buhay. Why don't she choose me?- Ahmm let me rephrase it. Why don't she choose someone like me. Sa akin-este sa katulad ko, natitiyak kong may future siya.

Flashback

"He's going back" sabi ko kay Yna pagkagaling niya sa labas

"Si Christopher?"

"Yeah"

"Sabi ko na nga ba babalik siya, babalikan niya ko na mare-realize niyang mahal-"

"STOP IT! TUMIGIL KA NA SA KALOKOHANG 'TO!"

"Ano bang problema mo ha?!" pagtataas ng niya ng boses

Natahimik ako nun dahil hindi ko rin alam kung anong nangyayare sakin.

You're falling in love again- isip ko

Siguro nga pero I think this is a wrong timing to fall in love.

F*ck this feeling.

"7 am, nandito na siya sa Pilipinas" nasabi ko nalang

End of Flashback

Umasa akong sasagot pa siya pero hindi nangyare yun. Pumunta lang siya sa kwarto niya at iniwan ako sa salas. Siguro kung ibang tao yun, hindi na nila sasabihin ang tungkol sa bagay na yun kaso ako sinabi ko yun dahil may kumpyansa ako sa sarili ko na may hahadlang kay Christopher sa pagpunta dito kaya hindi siya matutuloy.

Any minute now, darating na siya. Darating siyang umiiyak.

Nandito na ako sa dinning area, hmm to describe this rest house bungalow lang siya pero malawak ang space. I heard someone knocked kaya naman dali-dali akong pumunta dun at nakita ko si Yna, tulad ng inaasahan umiiyak siya.

"Tama ka, hindi siya dumating" patuloy lang ang pag agos ng luha niya, poor girl

When We FallWhere stories live. Discover now