Chapter 18- Reconciliation

1.7K 35 3
                                    

Sky's POV

Heto nanaman, Monday nanaman nakakatamad bumangon, mag ready, pumasok sa school, malaman ang grado at gampanan ang pagiging Vice President ng buong HS Department.

Ang lamig ng simoy ng hangin....

Kasabay sa paglamig nito ang pagkakawala ng pag-asa ko na magkakabalikan pa kami ni Kean o di kaya maging ok man lang. Hindi niya kasi ako kinakausap since nung makipag break siya sakin nung Saturday...

Kaya lang ano pa nga bang ine-expect ko, 'nag break' nga di ba? Kaya lang na mi-miss ko kasi siya eh.

Si Tristan... ewan ko ang weird niya.

"Ahh..S-Sky, nakikinig ka ba? Para kasing lumilipad yang isip mo eh" sabi ni Yna na nakapagbalik sa ulirat ko "M-may problema ba?" dagdag niya pa

Nandito kasi kami sa isang vacant room na ginagamit kapag may meeting ang Student Council. Habang nagpro-program sa auditorium ang mga students at ang mga manonood na parents pati na rin teachers, student's assembly na kasi ngayon eh. Ngayon na malalaman kung anong grade average namin this 3rd quarter.

"Ah ok lang naman ok" sagot ko habang pilit na ngumiti

"Ah ok" sabi niya naman

Pagkatapos nun umiwas siya ng tingin sakin ulit ganun na siya simula nung nalaman niya yung nakaraan namin ng kuya niya. Sa totoo lang nalulungkot ako kahit na pinapansin naman ako ni Yna kaso kulang yun eh hindi na yun katulad ng dati nung mag-bestfriends pa kami....

Ewan ko lang ngayon kung bestfriend pa ang turing niya sakin o kakilala nalang.

Alam ko mali yung ginawa ko noon ni hindi ko man lang naisip noon na masasaktan siya kapag nalaman niya, ni hindi ko man lang na isip kung gaano ako kamahal ni Tristan na sinakripisyo niya ang mga opportunities tulad ng pag aaral sa ibang bansa at mag mahal ng ibang babaeng mas higit pa sakin. Sa dami ba naman ng babaeng nagkakandarapa sa kanya sigurado akong may isa o marami sa kanila na kapag pinili ni Tristan ay papaligayahin siya at aalagaan siya ng husto, susuklian yung pagmamahal niya....

Ang tanga ko...sinayang ko lang ang lahat.

Teka...sino nga ba ang gusto at mahal ko si Kean o si Tristan?

Ang gulo...sobra.

Natapos ang meeting na wala akong ka response-response dahil pilit kong iniisip kung paano ko aayusin ang lahat para maging ok para mabalik ko na ang dati naming samahan ni Yna.

"Sky, tara na sa labas" sabi ni Yna "Tapos na kasi yung meeting hindi ka pa tumatayo diyan baka maging statue ka diyan" sabi niya pa at tumawa

"Hmmm...Yna hindi ka ba galit sakin?" tanong ko

"Sus naman, yan ba inaalala mo? ANG BABAW MO SKY!!" sabi niya sabay tawa" Bat naman ako magagalit sayo?"

When We FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon