Irishana
"Bakit ba busangot yang mukha mo diyan?" Nilapitan ko si Carlito. Ako dapat yung nagtatampo pero paglabas ko ng hut, nakita ko siyang nakaupo.
"Ano ba kaseng ginagawa niya dito?" Masama ang tingin niya kay Alex.
"Sinabi ko naman sayo na baka kasama siya diba? Bestfriend nga siya ni Niel."
"And so?" Mataray na tanong niya.
"Edi si Neil ang bahala sa mga taong gusto niyang imbitahin." Paliwanag ko.
"I can buy this beach resort for you."
"Ano bang problema mo diyan Carlito? Hindi ka naman nila inaano e."
"Let's go to another resort." Sabi niya.
"Ayoko nga! Edi hindi ako nag-enjoy nun!"
"Ibig sabihin kapag ako ang kasama mo, hindi ka nage-enjoy?" Napalunok ako bigla. Hindi naman ganun yung ibig kong sabihin e. Ang akin lang mas masaya kapag marami.
"Best! Bakit naman ganyan ang suot mo? Saan ba ang lakad? Beach o meeting?" Napihanga ako ng malalim ng nagtatatakbong lumapit sakin si Mitch.
"Eh-"
"Halika nga muna sa hut ko." Hinatak na niya ko palayo kay Neil at Carl.
"Teka lang baka hanapin ako ni Carlito." Pigil ko sa kanya.
"Magpamiss ka muna kase. Tsaka saglit lang naman tayo mawawala e." Hawak niya ko sa braso. "Bakit parang ikaw naman ata ang nakakamiss?"
"Hindi a!"
"Sus. Hindi daw. Halata naman sayo."
"Hindi nga best. Iniisip ko lang kung paano ko susuyuin yung nilalang nayun."
"At bakit may suyuan na ganap? Kayo ba?" Inirapan niya ko.
"Hindi kaya lang-"
"Mahal mo?" Putol niya.
"Hindi. Ano kase-"
"Mahal ka niya?"
"HINDI NGA BEST! NAGSESELOS ATA SIYA KAY ALEX!" Pasigaw kong sabi.
"At bakit may selosan? Kapag may selosan, may feelings na involve. So ano may gusto siya sayo?" Iniharang ni Mitch ang katawan sa pintuan ng hut niya.
"Malay ko dun." Nakangusong sagot ko.
"Eh ikaw ba may gusto ka? Umayos ka Irishana ha! Subukan mong magsinungaling."
"Hindi ko alam." Mahinang sabi ko.
"Yun na yun! Yun na yun! May gusto ka na nga. Kaya ayaw mong magpaligaw kay Alex dahil kay Carl. Kaya ayaw mong nagagalit siya kase mahal mo na!"
Napayuko ako. "Siguro nga."
"Ay sus! Chin up girl! Dapat yang feelings mo, sinusuklian. Ano ganun na lang yun? Ikaw mahuhulog sa kanya tapos siya hindi? Hindi pwede yun! Halika sa loob. Tignan natin kung hindi agad magtapat yang nilalang na yan."
Hinatak na naman niya ko papasok sa loob tsaka pinaupo sa harap ng dresser.
"Ano bang hinahanap mo diyan?" Sabog-sabog na yung gamit niya pero hindi pa din niya makita yung hinahanap niya.
"Basta. Andito lang yun e. Ayun!" Bigla niyang itinaasa ang isang one-piece na swimsuit. "At dahil alam kong hindi mo carry ang two-piece na kagaya nitong akin, eto na lang sayo!"
"Ayoko niyan best. Para mo namang binenta ang katawan ko diyan."
"Fashion yan no! Wag ka ngang KJ! Sukat mo na dali."
"Ayoko nga!" Jusko! Ayoko po talaga.
"Kapag ito hindi mo sinuot, sasabihin ko kay Carlito mo na may gusto ka sa kanya!"
"Hoy wala namang ganyanan!" Angal ko.
"I'm giving you 5 seconds Irishana." Ngumiti pa siya ng nakakaloko. Bestfriend ko ba talaga to?
"Aish! Oo na! Manahimik ka lang diyan!" Agad ko namang isinuot yung binigay niya saking swimsuit. Kahit ilang na ilang, pinilit ko na lang suotin yun.
"Odiba? Bongga sayo best!" Tuwang-tuwang salubong niya pagkalabas ko ng CR. "Smile ka na dali! Tsaka alisin na natin yang tali mo sa buhok para mala-Jessy Mendiola ka na!"
"Lahat na lang." Sabi ko sa kanya.
"Naman! Tsaka dapat kumembot ka habang naglalakad para naman mapatingin sila sayo."
"Kahit si Neil?" Pang-aasar ko.
"Ay ibang usapan yan best!" Tumawa siya. "Ang akin ay akin. Okay?"
"Oo na!"
"Osiya tara na at baka hinihintay na nila tayo."
***
Naglakad ako palapit kay Carlito.
"Naman Carlito! Iniwan kitang busangot na diyan, ganun pa din kita aabutan?"
"Why are you wearing that kind of swimwear?"
"Si Mitch kase e. Pero bagay naman diba? Hot ko kaya!" Binelatan ko pa siya.
"Stop teasing me.. or else I'm gonna kiss you right here.. right now.."
Napakagat ako sa labi ko. Kagaya ba nung halik na ibinigay niya sakin dati? Naramdaman ko na lang ang pag-init ng mukha ko.
"I told you to stop.. teasing me.." Hindi ko pa masyadong naiintindihan yung sinabi niya ng bigla na lang niyang sakupin ang mga labi ko.
***
Woooh! Anong magandang shipper's name for them? ❤❤❤