Chapter 36

6.2K 195 10
                                    

FS36

Irishana's POV

"Kiss na kay mama." Hinalikan at niyakap ko si Andrei.

Well, Carl invited me for a dinner date. Nahiya naman din akong tumanggi dahil andito ang parents niya para bantayan muna ang anak namin.

"Enjoy mama and papa."

"Be a good boy okay? Mama loves you."

"Bye na anak." Niyakap na din siya ni Carlito. "Wag papasakitin ang ulo ni lolo at lola."

Inalalayan na ko ni Carlito pasakay ng sasakyan.

Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Kinikilig na kinakabahan yung feeling.

"You look lovely in that dress boss."

I smiled. "Thank you." Jusko bes. Kinikilig talaga ako. "Bagay na bagay din sayo yang coat mo."

"So tama pala si Marie, bagay nga sakin." Para biglang nag-init yung ulo ko dahil sa sinabi niya. Hanggang sa damit ba naman niya, yung Marie pa din na yun ang namimili?

Hindi na ko kumibo at humarap na lang sa bintana.

"Are you hungry?" Hindi ako kumibo.

"Boss?" Bahala ka diyan sa buhay.

"May gusto ka bang kainan o dun na tayo sa restaurant na pina-reserve ko?" Tanungin mo si Marie.

"Irish? You okay?" Tulog ako Carlito. Tulog ako. Mas ipinikit ko ang mga mata ko ng naramdaman kong inihinto niya yung sasakyan. "Tinulugan ako ng bata. Tsk. Daig pa ang buntis. Tulog ng tulog." Rining kong sabi niya. "Ang ganda-ganda mo talaga." Naramdaman ko ang ginawa niyang paghawi sa buhok ko. "I love you." He said and gave me a peck on my lips. Jusko Lord! Pwedeng isa pa po?

Masarap palang magtulog-tulugan. Masarap sa labi. Ano daw? Jusko. Sorry po Lord. Pinagnanasahan ko po itong kasama ko ngayon.

***

"Wake up sleepy head.." Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at napabalikwas ako ng bangon ng magising ako na nasa isang kama.

"Nasan tayo?"

"Sa hotel. Ginigising kita kanina pa pero sobrang sarap ng tulog mo. Tulog mantika ka talaga. Kaya napilitan na lang akong magcheck-in para hindi maputol yang tulog mo kaso gutom na gutom na talaga ko."

"Sorry. Sana sa bahay na lang tayo tumuloy. Nagkagastos ka pa tuloy."

"Okay lang boss." Ngumiti pa siya.

"Mukhang mahal pa naman dito." Inikot ko yung paningin ko sa buong kwarto. Ang laki-laki naman dito.

"Dibale, mahal naman kita e." Hindi ko napigilang mapangiti. Ano ba naman tong lalaki na to, palagi na lang pinapabilis yung tibok ng puso ko.

"Gutom lang yan Carlito."

Napakamot siya sa ulo tsaka ngumisi. "Sabi ko nga e. Nag-order na ko ng food. Darating na yun dito any minute."

Tumango ako. "Hilamos lang ako." Sabi ko bago dumiretso ng comfort room.

***

"Grabe busog na busog na talaga ko. Thank you sa dinner Carlito."

"You're welcome. Uuwi na ba tayo?" I asked.

"Pwede bang dito na lang tayo matulog ngayong gabi? I missed you." Shems! Bakit ba parang iba yung naisip ko nung sinabi niya yun? Did he miss doing 'it' with me? "It's not what you think boss-"

"Ano bang iniisip mo diyan? Iniisip ko lang si Andrei." Pagtatakip ko sa madumi kong utak.

"If you say so." Ngumiti siya ng nakakaloko bago kinuha yung wine. "Gusto mo?"

"Oo. Mukhang kailangan ko talaga niyan."

Nagkwentuhan lang kaming dalawa habang iniinom yung wine. Napag-usapan lang namin lahat ng mga nangyare habang magkahiwalay kami. Sadyang hinanap pala niya talaga ako. Pero gaya nga ng madalas na sinasabi nila, mahirap makita ang taong ayaw magpakita.

"Nasaktan kase ako." Wala sa sariling sabi ko.

"I know. And I'm very sorry for hurting you Irishana. Hindi ko na alam yung mga pinasasasabi ko sayo noon. Hindi ko naisip na makakasakit sayo ng sobra. I was hurt too. It's really painful to see you with that Alex guy after we made love.." Nag-init naman agad yung pisngi ko. He saw us? That was the time na umamin sa akin si Alex at hindi ko siya agad nabalikan sa kwarto after kung bumili ng pagkain. "I'm sorry for jumping into conclusions. I'm sorry for hurting you. I'm sorry for being such a jerk. I'm sorry but please believe in me when I say I love you. I love you Irishana.."

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko.. o dala ba to ng alak pero tinulay ko ang distansiya sa pagitan naming dalawa at tsaka siya hinalikan.

Yes. I kissed him. I kissed him passionately. Wala na akong pakialam sa bukas basta isa lang ang alam ko. Mahal ko ang lalaking hinahalikan ko ngayon.

***

Ano na kayang kasunod nito? 😂😂😂

Father Stealer #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon