FS28
Irishana's POV
"Be gising na. Malapit ka na sa inyo." Naalimpungatan ako sa paggising ni Trish.
"Grabe nakatulog na pala ko. Salamat ha."
"Ayos lang. Alam mo dapat ipahinga mo naman yang katawan mo. Aba. Magkakasakit ka na talaga niyan." Ngumiti lang ako.
"Alas dos na pala ng madaling-araw. Tsk. Baka mag-isa na lang sa bahay yung anak ko. Iiyak yun kapag nagising ng walang kasama." Nag-aalalang sabi ko ng malaman ko kung anong oras na.
"Akala ko ba pinapabantayan mo kay Mitch kapag nasa trabaho ka?"
"Eh may nagpresintang magbantay sa kanya ngayon eh." Sagot ko.
"Sino naman?" Hindi ako kumibo. Ayoko ngang malaman nila na bumalik na yumg tatay ng anak ko. "Ikaw Irish ha. Nagsisikreto ka na sakin. Sino nga?"
"Oy teka baba na ko. Babush na! See you later." Paalam ko ng matanaw ko na ang inuupahan kong bahay. "Para po manong." Sabi ko sa driver. "Ingat ka ha. Mwa!"
"Ingat ka din! I-hi mo ko kay Andrei!" Pahabol niya.
Pagod na pagod akong pumasok sa bahay namin. Inaasahan kong makalat na bahay ang aabutan ko pero nagkamali ako. Sobrang linis ng bahay ko ngayon. Bahay ba talaga namin to?
Tahimik na din ang buong bahay kaya paniguradong tulog na si Andrei. Mokong talaga si Carlito, iniwan yung anak namin mag-isa dito. Tsk.
Naligo muna ako bago umakyat sa kwarto namin ni Andrei para diretso tulog na.
Nabigla ako ng makaakyat na ko sa taas dahil naabutan ko si Andrei na nakadapa sa dibdib ng papa niya. I don't know but tears started to fell down my cheeks. This is a very touching scene galing sa mag-ama ko.
Hindi ko tuloy napigilan ang sarili ko na kuhanan silang dalawa ng picture. I'm sure matutuwa si Andrei kapag nakita to.
"Sorry nakatulog ako." Nagulat ako ng magising si Carlito. Inihiga niya si Andrei sa kama bago tumayo. "Kakauwi mo lang?"
"Oo. Overtime kami e."
"Palagi bang ganitong oras ka umuuwi?"
"Hindi naman. Depende kung maraming tao sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko."
"Sabi ni Andrei nalulungkot daw siya kapag umaalis ka. Stop working Irish."
Napatingin ako sa kanya. "Hindi pwede. Paano ko naman bubuhayin yung anak ko kung hindi ako magtatrabaho?"
"I can provide everything to the both of you. Just please give me a chance." Tumitig lang ako sa kanya. "Sana mapatawad mo na ko. Alam kong nagkamali ako noon. I'm really sorry for that Irishana. Mahal na kita noon pa man pero mas pinili kong magbulag-bulagan dahil takot ako. Takot akong aminin na mahal kita. Sorry kung nasaktan kita pero sana paniwalaan mo na mahal kita. Hinanap kita. Kaso tama nga ata talaga sila. Mahirap hanapin ang mga taong ayaw magpakita." Ngumiti siya ng pilit. "Please give me another chance Irish and I promise I'll make it up to you." Napapikit ako ng hawakan niya ang pisngi ko. "Hindi kita minamadali Irish. I will wait." Sabi niya bago ako hinalikan sa noo. "Alis na ko. Magpahinga ka na."
Sinamahan ko siya hanggang sa baba. "Ingat ka Carlito." Paalam ko.
"Gabi na pala. Baka mapahamak ako sa daan. Hindi mo ba ko iimbitahang matulog dito?" Nakangising sabi niya. "Mukhang inaaya pa naman ako ng nighties mo."
Napatakim ako sa dibdib ko ng ma-realize kung gaano kanipis ang suot ko. Akala ko kase wala na siya dito kanina kaya ito ang pinili kong isuot. Sanay naman na si Andrei na ganito ang suot ko kapag matutulog kaya walang problema pero may ibang tao ngayon.
"Tinakpan mo pa. Nakita ko naman na yan." Nag-init na naman ang pisngi ko.
"Walangya to! Umalis ka na nga!" Bulyaw ko.
"Hindi nga lang nakita e. Nahawakan pa."
"Hayop na to! Layas na nga!" Pakiramdam ko ay pulang-pula na ang buong katawan ko ngayon.
"Natikma-"
"SUBUKAN MONG ITULOY YANG SASABIHIN MO MAKAKATIKIM KA NA TALAGA SAKIN!" inis na inis na sigaw ko.
"Anong matitikman ko?" Nanghahamon na tanong niya pero isang matinding irap lang ang natanggap niya mula sakin. Nag-martsa na ako papasok.
Jusko naalala ko tuloy yung gabi na nabuo namin si Andrei. Waaaaah! Ano ba to. Hayop talaga yung lalaki na yun! Ugh. Makatulog na nga lang.
***
Natikman daw! OMG. Ang utak ko po. Sorry na. Ano kaya pa? Kinikilig ako sa kanilang dalawa e. #CarlShana