Chapter 32

7.1K 253 24
                                    

FS32

Irishana's POV

Napatitig ako sa condominium na nasa harapan ko ngayon.

It's been two years simula ng makapunta ako dito. At hindi ko sukat akalain na makakabalik pa pala ko dito.

"Boss?" Untag niya sakin. "You okay?"

Pilit akong tumango. "Kukunin ko lang si Andrei sa back seat."

"Ako ng bahala sa kanya."

"Pero paano yung sugat mo?"

"Wala to." Ngumiti siya saka binuhat si Andrei. "Aray."

"Tsk. Ang tigas kase ng ulo e. Sabi namang ako na-"

"Kaya ko po. Natamaan lang ng kaunti. Halika na nga." Inakbayan niya ko gamit ang kaliwang braso niya habang buhat naman niya sa kanan si Andrei.

"Kaya mo ba talaga?"

"Opo. Halika na boss."

***

Nagulat ako ng biglang tumunog ang elevator hudyat na nasa floor na kami ng unit ni Carl.

"Boss. Can you punch in the code."

"What code?" I asked. Susi lang naman kase ang gamit namin dito dati e.

"47474262."

"Anong code yan?" Takang tanong ko.

"Basta."

"Eh ano nga?" Pangungulit ko.

"Basta. Mahal ko yan."

"Mahal mo? Sino?" May girlfriend na ba tong si Carlito?

"Secret. Buksan mo na boss. Para makatulog na ng maayos tong si Andrei."

Kahit labag man sa loob ko ay binuksan ko na yung pinto gamit yung code na binigay niya.

"Doon ko na dadalin si Andrei sa kwarto ko-"

"Huwag! Doon na lang sa kwarto ko." Masungit na sabi ko.

"Sure ka?" Hindi na ko kumibo. Badtrip talaga ko. Paano na lang pala kung may girlfriend tong nilalang na to?

Umupo muna ko sa couch. Hay. Nakakapagod talaga tong araw na to.

"Boss magpahinga ka na." Napadilat ako bigla. Nakalabas na pala siya. "Kailangan din ba kitang buhatin?"

"Ewan ko sayo." Irita ko pa ding sabi sa kanya.

"Galit ka ba? Okay ka naman kanina."

"Hindi."

"Hindi daw. Eh bakit ganyan ka?"

"Wala."

"Para kang girlfriend na nagseselos." Masayang sabi niya.

"Tigilan mo ko." Pakipot na sabi ko.

"Ayoko nga. Ngayon pa ba ako titigil kung kelan nakita ko na kayo?" Hindi ko napigilang titigan siya. "Mahal kita Irishana. I love you."

Nag-iwas ako ng tingin. Mahal ko siya pero hindi pa ko handang aminin sa kanya yun. Ultimo nga sa sarili ko, nahihirapan pa kong umamin. I can still feel the heartache I felt when I admit that I love him.

"G-gusto ko ng magpahinga." Pag-iiwas ko ng usapan.

"Mabuti pa nga. Alam kong pagod ka na." Tumayo na siya pero bigla siyang napaupo ulit.

"Masakit ba?" Inalalayan ko siya.

"Nabigla lang siguro. Sige na. Magpahinga ka na."

"Okay lang na aminin mong masakit." Sabi ko sa kanya. "Halika na. Ihahatid na kita sa kwarto mo."

Hindi naman siya kumontra pa. Inihiga ko na siya sa kama niya.

"Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka para hindi ka na tumayo. Mabilis lang naman akong magising e."

"Magpahinga ka na boss." He smiled. "Thank you."

Umiling ako. "Ako dapat ang magpasalamat sayo. Thank you for saving our lives."

"It's my responsibility. I love you."

"Sleep." Ginulo ko pa ang buhok niya. Bakit ba ang gwapo ni Carlito?

Lumabas na din ako agad ng kwarto niya pagkatapos kong masigurado na okay siya.

Hindi pa man ako nakakapasok ng kwarto namin ni Andrei ay nag-vibrate ang phone ko.

Agad ko naman yung kinuha para matignan kung sino ang nagtext.

'I love you 47474262."

47474262?

Ito yung code kanina ng pintuan a. Ano ba talagang ibig sabihin nun?

Tinitigan ko yung nokia cellphone ko.

4 GHI
7 PQRS
2 ABC
6 MNO

Hindi kaya...

IRISHANA?

Pangalan ko yung code ni Carlito? Waaaaaaaaaah! Mahal na nga talaga ko ni Carlito!

***

Sinong kinikilig diyan sa Carlshana? 😍♥

Father Stealer #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon