Irishana.
Almost three weeks na rin nung matapos yung happy dinner namin. Naalala niyo pa? :)
Simula nun MEDYO nagkasundo na kami.
Ako pa din yung cook siyempre. Para kase talagang pina-deliver niya lang yun e. Sobrang sarap kase. Haha.
Tapos alam niyo ba? Nabawasan na yung pagiging masungit niya. Diba dati poker face lang siya pag kausap ko?
Ngayon tumatango na siya at sumasagot kahit mga 1 word na. Mehehe. Okay nako sa ganun. At least diba?
Minsan naman sinasabay niya ko sa papasok sa school ko pero mas madalas naman yung pagsabay sakin ni best.
Mukha din kaseng busy si Carlito e. Gabi na siya kung umuwi.
Kaya sa bahay muna ko ni Mitch natambay tapos hinahatid na lang niya ko sa condo.
Ang tagal naman ni best. Sabi ko sa isip ko.
Kanina pa kase ako nandito sa may gate. Inaantay ko siya. May ipapasa lang daw siyang plates tas sabi niya maiwan na lang daw ako. Kaso 20 minutes na ata ako dito e. :(
"Hi miss. Mind if I join you?" Umiling lang ako tas ngumiti.
"Alex Reyes nga pala." Nilahad niya yung kamay niya na tinanggap ko naman.
"Irishana. Irishana Villa."
"I know." Kilala niya ko? "Groupmate tayo sa PHY dati, di mo naalala?" Umiling lang ako.
"Sorry. Hindi e."
"Haha. Makakalimutin ka pala e. Okay lang. 1 1/2 year na rin ata nung maging classmates tayo."
"Oo nga. Sorry talaga ha." Hinging paumanhin ko.
"Dont worry okay lang yun noh. Nga pala, mag-isa ka yata?"
"Hinihintay ko kase yung-"
"Best!" Biglang sigaw ni Mitch. Pero bakit may kasama siya? And take note ha. Lalaki.
Tinaasan ko siya ng kilay. Alam na niya yung ibig kong sabihin diyan.
"H-hm best si Niel nga pala."
"Niel Uy nga pala." Pagpapapakilala nung guy.
"Irishana Villa." Sagot ko naman.
"Btw, Alex Reyes nga pala. Groupmate ko siya sa PHY lab dati."
Si best naman ang nagtaas ng kilay sakin.
"Andito ka lang pala pare. May kasama ka pala kaya di ka nagrereply. Haha."
"Magkakilala kayo?" Best at ako.
"Mag-bestfriend kami." Alex and Niel.
"Ang galing. Coincidence? Haha. Any, iniinvite ako ni Niel mag-mall. Sama kayong dalawa samin."
"Sure." Nakangiting pagpayag ni Alex.
"Hindi ako pwede e. May gagawin pa kong plates."
"Wala kaya tayong ipapasa na plates." Pinandilatan ko ng mata si Mitch.
"Totoo naman e. Wala tayong ipapasa kaya sasama ka samin." Balewalang sabi niya.
"Pero madami pa kong gagawin sa bahay."
"Saglit lang tayo. Mga 2 hours lang tas hahatid na kita." Alex.
Ako ihahatid niya? Bakit?
"Pumayag ka na Irishana." Pangungulit naman Niel.
"Best sige na naman o." With matching puppy eyes ni best.