FS 38
Irishana's POV
"Carlito?" Takang tanong ko ng wala na siya sa tabi ko. Itinali ko muna sakin yung kumot bago ako tumayo. "Carl?" Nasan na ba yun? "Carl!" I yelled.
Hindi ko napigilan ang mapaluha. Ganitong-ganito din yung nangyare last time we did it. Iniwan niya na naman ako?
"Boss?" Napatingin ako sa lalaking kakapasok lang ng suite.
"Carlito!" Tumakbo ako palapit sa kanya.
"Bakit ka umiiyak? May masakit ba sayo?"
"A-akala ko iniwan mo na naman ako.."
Bahagya siyang tumawa. "Ikaw naman. Napaghahalataan na mahal na mahal mo ko." Hinalikan niya pa ko sa buhok. "Hindi kita iiwan boss, okay? Bumili lang ako ng breakfast natin. Tsaka ito o." Itinaas niya ang paperbag na bitbit niya. "I bought clothes for you. Ayoko namang umuwi ka ng kumot lang ang suot. Baka hindi ako makapagpigil."
"Sira ulo ka talaga! Akin na nga yan para makaligo na ko."
"Mamaya na baby. Let's eat first. Isa pa, bagay sayong yang kumot." Kinindatan pa niya ko.
Kumain na nga muna kaming dalawa. Gutom na din naman na talaga ko. Parang naubos ata yung lakas ko kagabi.
Matapos mailigpit yung pinagkainan namin ay kinuha ko na yung towel sa cabinet. "Ligo na ko ha."
"Pasabay."
"Ano? Ayoko nga!" Sabi ko pa. Makikita niya ko ng naked no!
"Dali na." Sabi niya tsaka naghubad ng t-shirt.
Aapila pa lang sana ako ng bigla na niyang kong binuhat at ipinasok sa banyo.
"I need to claim my dessert first.." He said as he kissed me again.
Oooops. Ito ata ang pinakamasarap na dessert na matitikman ko sa buong buhay ko.
***
Magkahawak-kamay kaming lumabas ng suite. Masayang-masaya ako ngayong araw.
"Baby daan muna tayo sa mall? Bilan natin ng pasalubong si Andrei."
"Sige." Miss ko na yung maliit na batang yun a. First time kaming hindi magkatabi sa kama kagabi. Okay lang kase katabi ko naman ang tatay niya at-
"Were you thinking of what happened last night?"
Napatingin ako bigla sa kanya. "Ano?"
"Sabi ko, iniisip mo yung nangyare kagabi."
"HINDI NO!"
"Too defensive baby." He grinned.
"Hindi naman kase talaga!"
"Okay." He said.
"Hindi nga kase talaga!"
"Okay na nga diba?" Mas lumawak pa ang ngiti niya.
"Ewan ko sayo!" I hissed. "Bahala ka na nga sa buhay mo."
"I love you too baby." Ganting-balik niya pero hindi ko na siya pinansin.
Mabilis naman din kaming nakarating ng mall. Dumiretso kami sa toy's store at binilan si Andrei ng pasalubong.
"Aba Carlito, ano bang akala mo sa anak mo? Magtitinda ng laruan? Tama na nga yan. Wag mo masyadong i-spoil yung anak natin. Gusto ko simple lang yung maging buhay niya. Ayoko siyang mabuhay sa puro luho."