Chapter 6

1.3K 31 2
                                    

Andy's Point of View

Nagpapahinga kami ngyon ng pinsan ko na si Kurt dito sa likod ng bahay namin. Katatapos lang kasi namin maglaro ng basketball, Linggo naman kaya walang pasok.

Kasama namin kanina yung iba naming kaibigan mula pagkabata, pero mga nagsiuwian na muna dahil mga maliligo daw at magpapalit ng damit. Baka daw kasi maisipan maglakwatsa mamaya, kailangan daw fresh at gwapo sila tignan. Daming arte ng mga iyon.

Habang nag-aantay sa kanila, nagkukwentuhan muna kami. Mabagal kumilos ang mga iyon kaya mahaba habang usapan pa ito.

Sa lahat ng pinsan ko, si Kurt ang pinaka close ko. Bukod kasi sa magka-edad kami, at pareho ang mga hilig namin, magkapit-bahay lang din kami. Madalas din ako sa bahay nila para makikain, at always welcome naman ako. Muka ngang mas gusto pa ako ni Tita Mitch, mama ni Kurt na kapatid ni mama. Pero syempre sikreto lang natin na mas gusto ako, baka masapak ako nito bigla kapag nalaman niya.

Only child ako, si Kurt naman ay may kakambal na babae na nasa ibang bansa. Kaya din siguro kami close kasi nakikita namin sa isa't isa iyong tinatawag nila na 'brotherly figure'.

Nagmimiryenda na kami ng dumating ang iba naming kaibigan. Ang ingay nanaman, akala mo nasa sariling mga bahay kung magsigawan.

"Hoy Andy, mas lalo daw dumami chicks na naghahabol sayo ngayon ah. Pakilala mo naman ako sa kanila."

Kung makasigaw itong si Riley akala mo nasa kabilang barangay iyong kausap nya eh magkatabi lang naman kami.

"Ipakilala mo sarili mo. Wala nga akong matandaan sa mga babae na 'yon."

"Pare naman. Magmumuka akong masyadong FC kapag ako ang magpapakilala. Dyahe naman."

Ang landi talaga ng isang ito, kalalaking tao.

"Bakit hindi ba?" Singit ng isa naming kaibigan na si Tyler.

"Basag trip ka 'tol. Kung inggit ka, magpalilala ka rin. Sabay tayo para cool."

Binato naman sya ni Tyler ng chips na kinakain namin. "Idadamay mo pa ako sa kalokohan mo."

Nagtawanan naman itong iba naming kasama, at nagpatuloy sila sa pag-uusap tungkol parin sa mga babae. Manyak din itong mga ito.

***

Pagdating ko sa campus kinabukasan, nabungaran ko agad itong mga 'chicks' na tinatawag ni Riley. Bakit kaya 'chicks'ang tawag sa babaeng magaganda, english ng sisiw iyon diba.

Ay ewan. Pati ba naman ito pinoproblema ko. Sobrang bored ko na ata, at pati mga ganong bagay iniisip ko pa.

Paikot-ikot ako buong campus, naghahanap ng kakilala. Maaga kasi natapos ang practice namin ngayon. Busy din naman ang mga kasama ko kanina sa kanya kanya nilang mga buhay kaya wala akong maka usap.

Pumunta ako sa main library nang wala na akong ibang mapuntahan, pero maling desisyon ata itong pinili ko. Nakita ko kasi sa pinakalikod sila Alexandra at Kurt, mukang naglalambingan pa. Nasa long table sila nakapwesto. Long table. Ibig sabihin maraming space, pero kita mo naman sila, kahit ata hangin 'di na makakadaan sa pagitan nila.

Umay naman. Ito pa bubungaran ko. Isip isip ko. Imbes na umalis, pumwesto ako sa likod ng isang shelf malapit sa kanila, pero no use kasi nagbubulungan lang sila.

Mahuli sana itong dalawang ito. Hindi naman nag-aaral yan, ginamit pa ang library

Para na akong tanga dito na nagii-spe sa kanila. Nakaupo pa ako sa sahig at may props na librong hawak.

"Sino sinisilip mo jan?"

Napatalon ako sa gulat kaya naman nasagi ko iyong mga libro na nasa tabi ko kaya naman nagbagsakan ang mga iyon.

The Sassy And The BeastWhere stories live. Discover now