Chapter 33

752 17 2
                                    

Andy's Point of View

Naghuhugas ako ng pinagkainan namin ni Alex. Nagvolunteer na ako kay manang dahil wala pa naman ako ginagawa. Katatapos lang niya maglunch kaya pinatulog ko na muna siya.

Habang nagsasabon ng pinggan ay nangingiti ako mag-isa. Puta! Parang highschool naman ako na kinikilig dito.

Naalala ko kaninang madaling araw ng halikan niya ako.

Ang totoo, nagising ako noong hinawakan niya ang balikat ko. Nagulat pa ako noon kaya napagalaw ako, pero nagpanggap akong tulog parin.

Hanggang sa nilaro niya ang buhok ko. Ang hindi inaasahan ay ang paghalik niya sa akin.

Siguro mas napatagal pa iyon kung nagtulog-tulugan ako.

Nah. That is taking advantage kahit pa ako ang tulog. Dapat.

Mejo ilang din siya ng pinakain ko siya kaninang lunch dahil nasabi ko na 'Baby' ko siya. Hindi ko nalang iniisip, dahil pakiramdam ko ay mamumula ang mga tenga ko kapag naalala ko iyon.

Pagkatapos maghugas ay umakyat na ako sa kwarto niya.

Maaga ako nagising kaya nakauwi ako nt nakapagpalit ng damit. Bumalik din ako agad para makapag-breakfast si Alex. At hanggang ngayon ay nandito parin ako.

Lumapit ako sa kama niya at pinanood siyang matulog. I am stupid for ignoring Alex before. But Kurt is a jerk for hurting her now.

She looks peaceful and solemn in her sleep. Kahit sa pagtulog ay nakangiti siya.

Maybe she's dreaming of Kurt.

Nag-squat ako para mas makita ko pa ang muka niya. Naglaban pa ng isip ko kung kukuhanan ko ba siya ng picture o hindi.

Sa huli ay sumuko na ako.

Inilabas ko ang phone ko at ini-open ang camera nito. Itinapat ko sa muka niya at kinuhanan na siya ng litrato.

Fuck!

Nabitawan ko pa ang phone ko dahil sa gulat ng magflash at tumunog ito.

Nakita kong nakatitig siya sa akin at masama ang pagkakatingin.

"Hehe. Hindi ko nai-off 'yung tunog sa games. Sorry." Awkward na sabi ko. Dali-dali kong inabot ang phone ko sa kama niya at pasimpleng ini-exit ang camera at nag-open ng app para maipakita sa kanya.

Pagkakita naman dito ay nanlaki ang mata niya at saka ako binato ng unan. "Bastos ka Andy! Hindi ka pwede dito!"

Binawi ko agad ang phone para makita ang nandoon. Ganoon nalang ang panlalaki ng mata ko.

Parang binuhusan pa ako ng malamig na tubig. "H-Hindi ako ang n-nagsearch nito! Dammit! Hindi ako nagbabasa ng FHM!"

Pinaningkitan niya ako ng mata. "Promise hindi ako. Hiniram ito ng kaklase ko kahapon noong break time."

Hindi na siya sumagot. Tinalikuran niya lang ako at nagtalukbong ng kumot.






***

Alexandra's Point of View

Two days akong hindi nakapasok. The whole time na nasa bahay ako ay si Andy ang kasama ko. Uuwi lang siya para magbihis at babalik agad para alagaan ako.

I was thankful and sad at the same time. Hindi alam nila Maddie na nagkasakit ako. Maski si Kurt ay hindi ko masabihan. Ano nalang ba kasi kami ngayon.

At dahil balik klase na ako, balik mission na din ako.

Napagalitan pa ako kanina ni Andy. Sabay kasi kami pumasok, at ang sabi niya ay magkakapulmonya ako sa nipis at ikli ng damit ko.

Napilitan tuloy ako magbihis. Muntik pa kami malate dahil ang tagal naming nag-talo para sa susuotin ko.

Pagkarating sa campus ay inihatid niya agad ako sa classroom ko. Pagka-alis niya ay lumabas agad ako para mahanap si Kurt. Nakita ko naman siya sa gym, nagbabasketball.

Kinawayan ko siya ng mapalingon sa gawi ko. Ganoon nalang ang tahip ng puso ko ng ngumiti siya pabalik.

Lalapitan ko na sana siya nang may marinig akong maarteng babae na nagsalita sa likod ko.

"Kurt! You were amazing!"

Anong you were amazing? Eh wala naman siya dyan noong lumingon ako bago ngumiti si Kurt. Bitch na nga plastic pa.

Dumiretso sa kanya si Kurt at nilagpasan lang ako. Parang hangin lang ako na hindi niya nakikita.

Dahil sa pagkapahiya ay umalis na kaagad ako doon.

Pagpunta sa klase ay nakita ko na nagkakagulo ang mga classmates ko. "Hoy nerd, anong meron?"

"H-Ha? A-Ako ba ang kausap mo?" Mukang takot niyang tanong.

Tinaasan ko lang siya ng kilay bilang sagot.

"A-Ah w-walang prof."

Tinalikuran ko siya pagkasabi niya noon kaya lang ay bumangga ako sa tao sa likod ko.

I saw Zoe on the ground groaning in pain. Inalalayan siya ng mga nakakita at masama ang tingin na nilingon nila ako.

"What? You think kasalanan ko? May kausap ako diba? Tapos bigla siya susulpot."

"Pwede ka naman magsorry. Hindi iyong magagalit ka pa." Sagot ni Zoe pagkatayo niya.

"So ako pa? Eh diba ikaw itong bigla nalang dadating."

My day is already ruined. Hindi pwedeng ako lang ang bad mood.

I opened my diet coke and poured it on Zoe's head. Nanigas naman siya sa kinatatayuan niya kaya iniwan ko nalang siya doon.

Nakaailang hakbang palang ako ng may humablot sa braso ko. "Sumosobra ka na Alex. You became a bitch just because you are heart broken?" Pigil ang galit na sabi ni Blaire.

"Nagbago ka na. Hindi na ikaw ang Alex na nilala namin." Maddie also said.

"Well... Hindi kayo true friends. Dahil kahit magbago ako dapat tanggap nyu parin ako. Dapat dinadamayan ninyo ako."

"No Alex. Sinubukan ka namin damayan pero itinaboy mo kami. Nagpakain ka sa galit at sakit na nararamdaman mo!" Sigaw ni Maddie saakin. Si Blaire ay pinuntahan si Zoe at kinausap ito.

"Dapat inintindi ninyo ako. I am hurting. Where were you when I was on my downfall. Diba umalis kayo. Pinagkaisahan ninyo ako! True friends are supposed to support each
other!" Sagot ko na nakapag patahimik sa kanya.

"No Alex. We were there. We tried to comfort you. And maybe your concept of true friends is different. Dahil ang totoong kaibigan, sinusuportahan ang isa't isa pero hindi sa lahat ng bagay. True friends also set limit and they let you realize that what you are doing is wrong. That later on, you will only hurt yourself. That's what true friend is." Mahabang sabi niya at pumunta na din kila Zoe.

Naiwan ako sa gitna ng maraming tao. Mga tao na may mapanghusgang tingin. Mga tao na dati kong itinuring na kaibigan ko rin.

The Sassy And The BeastWhere stories live. Discover now