Chapter 35

751 22 0
                                    

Alexandra's Point of View

Pagkatapos ng movie ay nagdinner kaming dalawa ni Andy. Inabot na kami ng gabi dahil parati kami nag-aaway o kaya ay ang bagal namin pumili.

He's driving na to our village. Mejo inaantok na din ako kaya kinuha ko iyong aux cord at ikinabit sa phone ko.

"Your so stiff." Sabi Andy habang inililiko ang sasakyan.

"What do you mean?"

"Hindi ka na maingay. Hindi ka na masyado ngumingiti. Parang may como-control sayo."

"Remeber I tried to be a bitch for weeks. This is what you call adjusting period." Nagpatuloy ang pagtingin ko sa labas ng bintana, pinapanood ang mga ilaw sa poste.

"You should loosen up."

I shrugged. I don't really know how to loosen up at the moment. Parang magulo pa ang lahat.

I heard him smirked. "Buckle up princess!" Sigaw niyang tumatawa.

Ang sunod ko nalang na nalaman ay mabilis na ang takbo ng sasakyan ni Andy. Tumatawa siya ng malakas habang mabilis na nagmamaneho.

"Andy! Slow down!!" Sigaw ko habang mahigpit ang pagkaka-kapit sa upuan at seatbelt ko.

"Just enjoy it! Let loose of your problems!" Sigaw niya pabalik. "Bitaw ka! Taas mo pa kamay oh!"

Mas lalo ako kinabahan ng itaas niya ang parehong kamay mula sa manubela at humiya ng napakalakas. Ibinalik naman agad ang mga kamay doon.

"ANDY! Kapag ako tumilapon dito at namatay mumultuhin kita!"

"You're KJ princess!" Bumusina siya kahit wala namang sasakyan sa harap namin. Sinabayan pa niya ito ng kanta na happy birthday.

Nababaliw na ata ang kasama ko. Ang lakas ng trip niya bumusina ng gabing gabi sa tono ng happy birthday.

Hindi ko alam kung saang lugar siya nagmamaneho at kung ilang beses kami umikot doon. Ang alam ko lang pagkahinto ng sasakyan sa harap ng bahay namin ay bumaba ako agad.

Baka kasi ipaharurot nanaman niya ang sasakyan niya.

Nang tumapak ako sa lupa ay kulang nalang halikan ko ito.

"I missed you ground." Nahihilo ko pang sabi. Ayaw ko na maulit iyon. Pakiramdam ko ay naiwan ang kaluluwa ko sa sobrang bilis ng patakbo niya.

"You don't trust me." Nakangusong sabi ni Andy.

"I trust you Andy. Not with my tho." Nakayuko na ako at nakahawak sa magkabilang tuhod.

"'Lika na nga. Parang hihimatayin ka na oh." Inalalayan niya ako makapasok sa bahay.

Pagpasok ay nakita ko si mommy na nasa sofa habang minamasahe ang likod ni dad.

I always wish na sana when the time comes, maging katulad ko sila. Happy with each others company.

Nang mapansin kami ay ngumiti siya at tumayo. Napalingon na din si dad at nilapitan kami.

"Ginabi ata kayo. Enjoy masyado ah." Kahit mejo naguluhan ako ay tumango nalang ako.

Nagpaalam din naman agad si Andy sa parents ko at umalis na.

Paakyat na ako sa hagdan ng magtanong si mommy. "Kamusta naman ang celebration? Baka nag-inom ka doon?"

"Po?" Naguguluhang tanong ko.

"Sa birthday ni Andy. Wala bang inuman? Parang naka-inom ka pagpasok mo."

Hindi na naproseso ng utak ko ang mga sunod na sinabi nila. Ang natatandaan ko lang ay ang part na birthday ni Andy.

Ohgod. I'm a terrible friend. I forgot!

The Sassy And The BeastWhere stories live. Discover now