Chapter 12

935 24 1
                                    

Alexandra's Point of View

Nanlalabo ang mga mata na tumatakbo ako. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Baka mahanap niya kaagad ako, tapos kakausapin na niya ako.

Pinunasan ko ang luha na tumulo sa mata ko at nanginginig ang mga kamay na binuksan ko ang gate. Saktong paglabas ko dito ng biglang may humaklit sa bewang ko.

"What. The. Hell. Are. You. Doing? You scared the shit out of me."

"You're breaking up with me." I stated.

He laughed. He is just laughing here while I am crying a bucket!

"Bakit ka tumatawa? Dapat mag-serious ka!"

"Coz you're funny babe."

"What? You are cheating on me! You --"

Hindi ko naituloy iyong sasabihin ko, because I heard someone laughing. Noong hinanap ko kung sino, I saw Andy. Nakayuko siya at nakahawak ang dalawang kamay sa tummy niya same as Blaire. Si Maddie nakatayo at nakaturo sa amin habang tumatawa din.

Ano bang nakakatawa?! Dapat dinadamayan nila ako.

"Tamang hinala ka bes!" Sabi ni Maddie.

"Huh?"

"Ohmy babe. This should've been a perfect surprise for you, but you ruined it." Tumatawa paring sabi ni Kurt.

"Uhm. I'm lost here."

Lahat sila napatigil sa sinabi ko. May mali ba sa sinabi ko?

"Stop joking babe. Tapos na. Hindi ko na itutuloy iyong akin." He said while holding my hands.

Naglakad siya palayo sa akin habang tinatanggal iyong light blue na polo niya. That's when I saw what was written on the white shirt he was wearing under. 'HAPPY ANNIVERSARY BABY. I LOVE YOU'

Nakadipa pa pataas ang dalawang kamay niya. Na parang gusto niyang makita ng lahat ang nakasulat doon. Ang laki din ng ngiti niya, and he's eyes are like talking to me. Like asking if I liked it.

"Happy anniversary sa inyo!"

"Yay! Tumulong ako sa mga recipe ng mga kakainin ninyo mamaya ha."

"Ako nag-ayos ng location ninyo."

"Nag-ambag din ako sa budget jan."

Nakita ko naman na binatukan ni Maddie si Andy dahil sa sinabi niya. May ibinulong pa siya na hindi ko naman narinig.

"Supposedly babe mamayang gabi pa kita babatiin, para kunyari nakalimutan ko. Pero natakot ako when you ran away. Ano naman ang plinano mo para ganon ang gawin mo?" He was smiling while saying that, but I'm just staring at him. I feel like rooted in my spot. Because honestly nakalimutan ko.

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya, sa kanila. Kung aaminin ko ba o hindi ko nalang ulit sasabihin. Ever.

"I love you."

Bigla nalang ako napahagulgol pagkasabi ko niyan. Tumakbo ako papunta sa kanya to hug him. "I love you." I whispered. Again. And again.

"So... We good?" He asked still hugging me.

I nodded and hugged him tighter. Aside from I appreciated his effort, nahihiya din ako.

"Okay! Tama na muna ang moment, lovebirds. Mamayang gabi nalang ulit. Dahil ngayon, magkakasama muna tayo magce-celebrate." That was Blaire. She sound so excited. They all are.

Bumitaw na si Kurt sa akin but he's still holding my waist at inalalayan niya ako papasok sa loob ng bahay.


***

Nasa biyahe kami ngayon papunta sa rest house nila Kurt sa Bulacan. Mga 3 hours ang biyahe depende pa kung traffic palabas ng Manila.

Doon daw kasi nila napili kung saan kami mag-celebrate. Malayo sa city, fresh air at bagong view.

Iisang van lang ang gamit namin at si Kurt ang nagda-drive. Si Andy ang katabi niya sa harapan, they are talking about basketball and cars. Kami namang mga babae ay nandito sa likod nagku-kwentuhan din.

Bigla ako kinalabit ni Maddie mula sa likod. Doon kasi siya naupo para daw mag-isa siya. "Hoy te! Nakalimutan mo ano?" Pabulong niyang sabi.

Inaantay nila ni Blaire ang magiging sagot ko. Aaminin ko ba sakanila? For sure magagalit sila pero bahala na.

Tumango lang ako. Pumikit pa ako para hindi ko makita ang reaction nila. Kaya nagulat ako ng biglang may bumatok sa akin. Sino pa ba? Edi si Maddie, mapanakit itong isang ito eh.

"Akala ko naman may plano ka din. Akala ko part ng plano mo ang pag nail polish mo kasi nagpapaganda ka sa special day ninyo. Tapos nakalimutan mo lang?!"

"Relax ok? Hindi ko alam kung bakit ko nakalimutan. Siguro dahil busy sa school? Tapos iniisip ko pa kung bakit parating busy din si Kurt, na minsan hindi na niya ako natetxt manlang. Malay ko ba naghahanda pala siya dito."

"Anong malay mo?! Eh dapat alam mo iyan. Ngayon ka pa pumalya kung kailan anniversary nyo." Pagalit na bulong ni Blaire.

"Can you guys help me? Para may effort din naman ako ngayon? Wala ako maisip na pwedeng surprise ko. Anong ibibigay ko? Saan ako bibili?"

"Mas maganda kung effort na mula sa puso, hindi mula sa wallet o bulsa mo."

"Ok ok. So ano nga?"

Napailing nalang silang dalawa at mga sumandal sa upuan nila na mukang mga nag-iisip ng malalim.

Sa lahat naman kasi ng pwede kong makalimutan ito pa. Nagi-guilty na ako. This will never happen again. Maglalagay na ako ng note sa phone ko para kahit anong occassion hindi ko na makalimutan.

Since wala pa naman sila naisa-suggest at mukang mga nakalimutan na rin nila nagkwentuhan nalang kami ng kung ano-ano.

"OMG! Have you heard? Nakabuntis daw si Jameson?"

"Duh. Hindi na yan nakakagulat, no wonder makakabuntis 'yon. He's a fuckboy."

Umirap nalang si Mads sa isinagot ni Blaire. Here we go again. Ipagtatanggol nanaman niya iyong kaisa-isang crush niya.

The Sassy And The BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon