Chapter 26

679 25 2
                                    

Alexandra's Point of View

My eyes are swollen when I got home. Una ko nakita si Mommy. Ayaw ko sana ipakita sa kanya ang itsura ko but I guess she's got strong instincts.

She followed me to my roo right away. "Honey you ok?" She asked me.

Bumangon ako sa pagkakahiga ko. "I'm fine Mom." I tried smiling but I think it turned out to be a grimace.

She pulled ne towards her para mayakap ako. "I know somethings wrong honey. You can tell me anything."

"Mom..." Iyon lang ang nasabi ko at umiyak na ako sa balikat ng mama ko.

Her embrace got tighter. "Shh. Honey kung hindi ka pa handa magkwento ngayon maybe tomorrow. It could be the next day, I'm always free." Sabi niya habang hinahagod ang likod ko. Hindi ko alam pero natawa ako sa sinabi niya.

I felt like a lost child. Then I found my way home after a long time. My mom's embrace soothes me. It warms my broken heart.

This is my first heart break. I didn't know it could be this painful.

Humiwalay ako sa mama ko para punasan ang luha ko. Matagal din akong nakayakap sa kanya, buy she didn't said anything. I find the silence calming. Iyong hindi ako pinipilit sa kung ano ang problema ko.

"Is it a boy?" Nagulat ako sa nagtanong. It's dad leaning on the door frame. "May kailangan ba ako ipabugbog?"

That made me smile. Parang seryoso kasi ang pagkakasabi ni dad kahit alam ko ma he's merely jesting.

Lumapit siya to hug us. Naka-group kaming tatlo. I miss being in the arms of my parents.

Nakarinig kami ng katok sa pinto at nilingon namin iyon. "Aww. Nobody informed me na may mini reunion pala dito." Sabi ng kapatid ko.

Tumawa sila mom and gestured for him to come forward. "Meh. Ang drama naman ng reunion natin. Dapat sa dining nalang. Nakakabusog pa."

Ginulo ni dad ang buhok ni Scott. "Puro pagkain nalang ang iniisip mo."

Bumaba na kami to prepare for dinner. Kahit may mga kasambahay kami, minsan si mom parin ang nagluluto para sa amin. She's very hands on. Ayaw daw niya kasi na the time will come and we are independent to other people instead of her.

Tumulong kami ng kapatid ko sa pagluto. Hmm most likely ako lang. Scott was eating biscuit habang sinasabi na bilisan ko kumilos. Dad was reading the newspaper on the side. Si mom ang talagang maraming ginagawa.

Nang matapos makapag-luto ay kumain na kami. Habang nasa hapag ay nagkukwentuhan kami. We talked about random stuffs, anything under the sun.

It was a fun sight. I am happy. I am smiling. Until I went to bed to sleep.

Sobrang tahimik na sa paligid. Naka-off na lahat ng ilaw. Tulog na laht ng tao. Pero ako gising pa.

I can't help thinking about what happened earlier.

Masyado pang maaga to give up. I'll talk to him again. Maybe tomorrow. I want proper explanation.


***

Ding dong! Tunog ng door bell nila Kurt.

Nilakasan ko na ang loob ko. Gusto ko siya maka-usap ulit. I don't think naman pagtatabuyan niya ako. He's too good to be like that.

Nakita ko ang mama ni Kurt na lumabas sa pinto nila at lumapit sa akin.

"Good morning po." Bati ko.

"Good morning hija. Come in. What brought you here?"

"Is Kurt here po ba? May pag-uusapan po sana kami."

"He went to Bulacan yesterday. He didn't tell you?" Nakakunot noong tanong niya.

Pinaupo niya ako sa sofa nila at inalok na miryenda. Hindi naman ako makatanggi sa inihandang pagkain kaya pinilit ko itong ubusin kahit hindi na ako makalunok dahil sa pagpipigil ng iyak.

"Hanggang kailan po siya doon? May kasama po ba siya?"

"Until your enrolment. Iyon naman ang sinabi niya. And he went there alone." She smiled then held my hand. "Trust my son."

"I know tita. I always do." Sagot ko.

Nasabi ni tita na nasa ibang bansa ang asawa niya para sa trabaho kaya mag-isa siya ngayon.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ako na aalis.

Kahit simabi ng mama ni Kurt na nasa Bulacan siya ay dumaan parin ako sa mga lugar na madalas namin puntahan.

Sa mall, park, café, kahit sa university ay dumaan ako para masilip ang iilang tao na nandoon.

Three days nalang. He'll be back soon.

Nagdesisyon ako na umalis na sa campus pero ganoon na lamang ang gulat ko ng makita ang sasakyan ni Kurt na paalis din.

Sinubukan ko itong habulin. Ikinakaway ko pa ang dalawa kong kamay at isinisigaw ang pangalan niya pero dumiretso lang ito.

Dahil hindi ako nagpasama sa driver namin ay wala din akong sasakyan. Naghanap ako ng taxi at pagkasakay ay itinuro ko ang daan na tinahak ni Kurt.

Nanlumo ako sa naisip. He's lying to his mom. He's just around Manila.

Nanghina ako ng hindi na makita ang sasakyan niya. Gusto kong sigawan ang driver na bilisan ang pagmamaneho pero pinigilan ko ang sarili ko.

Halos maiyak na ako ng makita ko ito na lumiko kaya pinasundan ko ito. Nakita kong ipinasok ni Kurt ang sasakyan sa isang condominium building.

Bumaba na ako sa taxi at nagbayad. Papasok na sana ako sa building ng pigilan ako ng security.

"Ma'am sign po muna kayo." Nilingon ko lang ang lalaki dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

"Bago po ba kayo, o may bibisitahin?"

"May bibisitahin lang po."

Tumango ang lalaki. "Pakita nalang po ng i.d."

Iniabot ko sa kanya ang school i.d na maswerteng dala ko dahil hindi ko ito inaalis sa pouch ko.

Pagkaabot ay may kinuha siyang isa pang logbook sa ilalim ng mesa niya at may hinanap doon.

"Ma'am wala po kayo dito sa listahan. Sino po ba ang kakilala ninyo dito para po matawagan at makumpirma ang pagpasok nyo."

Sasabihin ko palang sana ang pangalan ni Kurt ng maaninag ko ang elevator na bumukas para sa mga sasakay. Nakita ko siya sa loob kasama ang isang maputi at matangkad na babae. Hindi siya si Amanda, hindi ko siya kilala.

Nakapalibot ang isang kamay ni Kurt sa bewang ng babae, habang may ibinubulong dito.

Nakita ko pa ang pagngiti ng babae at ang pabiro nitong pagpalo kay Kurt.

Nakatitig lang ako sa direksyon ng elevator kahit nagsara na ito.

"Ma'am ayos ka lang? Ano po ang pangalan ng bibisitahin ninyo?"

Naluluha akong tumingin sa security guard at umiling.

"Sorry po. Mali ata ang napuntahan ko. Aalis na po ako." At kinuha ko pabalik ang i.d ko.

Tumango ang lalaki at tumayo. "Sigurado po bang ayos lang kayo?"

Pilit akong ngumiti at umalis. Pinara ko ang unang taxi na nakita ko at nagpahatid na sa bahay.

Uuwi nalang ako. Uuwi nanaman akong umiiyak.

The Sassy And The BeastWhere stories live. Discover now