Chapter 13

1K 21 1
                                    

Kurt's Point of View

Malapit na kami sa rest house namin sa Bulacan. Dito kami madalas mag-bakasyon kapag summer or christmas vacation. Maluwag dito, may malaking bahay sa gitna ng malawak na lupain. This is the house of our grandparents sa mother side before they died.

The house is a two-story structure built in the Spanish era. Kahit ngayon ka palang makakapunta dito, alam mo agad na dati pa ito nandito, meron kasi talaga siyang aura ng makaluma at panahon ng mga kastila.

As time passed by, nagde-deteriorate na ito but my tita's and tito's made sure that they preserve the beauty of it. I guess once a year kung ipa-maintain ang bahay, meron naman kasing mga katiwala na nagbabantay dito kaya ayos lang. Pinapa-renovate naman kung kailangan na talaga.

Dati may farm dito, pero nung minsang nagkaroon ng malakas na bagyo at nasira ang mga pananim at hindi na nila ito itinuloy. Meron ding mga hayop kagaya ng baka, kabayo at mga manok. Ito na ang naging pangkabuhayan ng mga nagbabantay dito.

Dati tuwing pumupunta kami dito noong maliit palang kami madalas namin hinahabol ni Andy iyong mga manok. Nasubukan ko na din mag-gatas ng baka. Pero ang pinaka gusto ko dito ay ang pangangabayo.

Parati kaming nagpapa-unahan ng ibang mga pinsan ko pati na din ng mga tito ko. Syempre kaming mga bata ang nananalo dahil sinasadya iyon ng mga nakakatanda. Pero dahil bata pa kami noon, super proud kami at ipagyayabang pa namin sa mga tita namin.




Pagdating namin ay bumaba agad ang mga girls para mag-stretch. Napansin ko na kanina pa tahimik si Alex but when I asked her kung ok lang siya ay umoo naman siya. Baka pagod lang or naiinitan sa biyahe.

It's quarter to three in the afternoon. Kanina pa sana kami andito kaya lang ay nag-stop over kami kanina sa isang fast food chain dahil nagreklamo ang mga girls na gutom na daw sila. I think they are really men trapped in a woman's body. Napakalakas kumain ng mga ito. Lalo na si Maddie, eh ang payat naman niya. No wait, actually lahat sila.

After namin magtake out ay umalis na agad kami and Andy volunteered to drive this time. It's fine with me, mejo nangangawit na din kasi ako. I can't remember when was the last time I drive this far. Madalas kasi may driver kami na isinasama, exept today beacause this like a 'barkada outing'.

Wala kaming ibang mga dala dahil hindi naman kami magtatagal dito. Bukod kasi sa may pasok bukas ay mga hindi din sila nagpaalam.

Pagpasok sa bahay ay sinalubong agad kami ni Aling Nena, ang tagabantay ng bahay. Kasama niya dito nakatira sa bahay ang asawa niya at dalawang anak.

"Mabuti naman at nakadalaw kayo. Ngayon nalang ulit kayo nagawi dito."

"Opo. Busy na kasi sa college nyagon. Hindi na pwede ang petiks." Sagot ni Andy habang nagmamano. Sumunod naman kami sa ginawa niya. Kilala na niya sila Alex dahil pangatlong beses na nilang punta ito dito ngayon.

"Ay ganoon ba? Osige, halikayo at magmiryenda muna."

"Ay Nay Nena. Tamang tama po at gutom na gutom na kami." We all laughed on what Maddie said. She's impossible, kakakain lang nila not an hour ago.

Ang mga pagkain ay nakahanda sa labas sa gilid ng bahay. Tanaw namin dito ang malawak na lupain at ang mga hayop na kumakain sa sa 'di kalayuan.

"Hey babe. You wanna ride a horse?"

"Sure! Namiss ko si Thunder." Si Thunder ay isang kabayo na madalas niyang sakyan tuwing pumupunta kami dito. She named him Thunder dahil anak siya ni Lightning at bagay daw iyon na pangalan para sa kanya.

"Guys horseback riding tayo?" Ayani Andy sa amin.

"Sige. Pero kain muna tayo. Sayang itong mga inihanda nila." Sagot ni Mads that we all agreed into.

Pagkatapos kumain ay pumunta na kami sa kulungan ng mga kabayo. Nandoon ang isang tauhan at naihanda na niya ang mga kabayo na gagamitin namin.

Inalalayan ko muna si Alex na maka-akyat bago din ako sumakay sa kabayo ko at lumabas na kaming lima.

The girls wanted to have a race with me and Andy in which we both turned down. Bukod kasi sa hindi sila sanay ay hindi nila kabisado. It'll be too dangerous if they get lost in here.

Napagkasunduan namin na pumunta nalang sa sa dulo ng hacienda kung saan mayroong burol. Doon kami hanggang sa sunset. Maganda kasi iyong panoorin sa mejo mataas na lugar.

Pagkarating namin doon ay itinali namin ang mga kabayo sa puno at naupo kami sa lupa. Kahit may mga puno at mahangin dito ay mainit parin pero hindi naman nakakapaso dahil may mga ulap sa langit.

Mejo malayo kami sa iba, siguro para bigyan kami ng privacy? So we could talk. Nahiga ako at ginawang unan ang lap ni Alex. She was stroking my hair at napapa-pikit na ako sa antok ng magsalita siya. "Hey babe? Kurt? May sasabihin ako but please don't get mad."

Nilingon ko siya at tinignan ng sobrang seryoso. "Are you... breaking up with me?" I jested but she became too serious kinabahan ako.

She bit her bottom lip at yumuko. Napa ayos naman ako ng upo dahil hindi na siya nagsasalita. Hindi ko makita ang reaction niya dahil natatakpan ng buhok ang muka niya.
Hahawakan ko na sana ang muka niya ng bigla nalang niya ako hampasin sa balikat. "Bakit mo pa pina-alala?! Nakakahiya talaga iyon."

Natawa ako. She got mad dahil lang sa naipa-alala ko iyon sa kanya. Honestly natakot talaga ako kanina noong tumakbo siya. Pero kapag naaalala ko ulit ngayon natatawa nalang ako basta.

When I saw her ran away, I wished na sana part lang din iyon ng plan niya for a surprise, but I saw tears pooling in her eyes kaya I knew that she misunderstood everything.

"You were overthinking everything babe. Hindi mo pa ako pinag salita. Bigla ka nalang umalis." Natatawa ko paring sabi.

Ngumuso naman siya dahil sa narinig. "Eh kasi naman isa ka din na OA. May nalalaman ka pa na hindi ako papansinin."

"What? Anong hindi papansinin. Remember parati ka nang tulog when I text or call you at night. Sa umaga naman hindi ka din namin maka usap dahil lagi ka nagrereview. Hinayaan ko nalang, I grab the opportunity para sa pag plan nitong supposed-to-be-surprise na date natin."

She hugged me on the side then burried her face on my chest. "I forgot." Pabulong na sabi niya.

"You forgot what?" I asked while playing with her hair. Lambot. Bango pa.

"This."

"I don't get it babe. Pwede bang paki-ulit in a complete sentence with a thought." Natawa naman siya at kinurot ako.

"I'm sorry." Panimula niya. I didn't answer. Hindi ko naman alam kung para saan. "I'm sorry because I forgot our anniv."

Lalayo na sana ako sa kanya pero hinigpitan lang niya ang kapit niya at nagpatuloy. "I swear baby hindi ko sinasadya na makalimutan. Busy lang talaga dahil malapit na ang finals. Tapos akala ko galit ka sakin kasi you don't talk to me anymore. Promise babawi ako. Kahit anong hingiin mo ibibigay ko."

I was speechless really. Ngayon pa talaga niya nakalimutan. I was hurt too. Parang wala lang ba sa kanya itong relationship namin kaya nakakalimutan niya.

"Hey please speak up. Galit ka ba?" Sabi pa niya sa malambing na boses.

Umiling nalang ako. Masakit pero papalipasin ko. Atleast she was honest with me. Kesa magpanggap siya na alam niya kung ano ang meron ngayon una palang.

The Sassy And The BeastWhere stories live. Discover now