• Prologue •

41.7K 621 39
                                    

Prologue: The One That Got Away

"Please stay. Don't leave me. Trust me, it's not what I meant."


"Bakit ikaw? Did you trust me enough na hindi kita lolokohin? I have no choice but to do this. One day, you'll know my reasons."

"Please, Stay. May tiwala ako sayo pero wala akong tiwala sakanila.."

"Then it's not enough. I won't stay. So stop wasting your tears."

"Please stay. Don't ever leave. Please. Sabihan mo lang ako, paniniwalaan naman kita eh. Just stay. Please!"


"I. Don't. Love. You. Anymore. Savannah."

"Stop pretending please.."



*3 years later*


ALAM KONG NASAKTAN KO SIYA DAHIL SA PAG-IWAN KO SAKANYA. PERO MAY DAHILAN 'YUN. I LOVE HER AND I CAN'T LEAVE HER EASILY. ALL I CAN DO FOR NOW IS JUST TO WAIT FOR THE RIGHT TIME TO TALK TO HER AND TELL HER THE TRUTH.





Savannah's POV


Nagising ako na nasa kamay ang cellphone ko. Nakatulugan ko pala ang pangangamusta sa Facebook wall ni Xander. Nag-inat-inat ako at napaisip kung gising na kaya siya? Pumasok kaya siya ngayon? Kumain ba siya? Maganda ba ang umaga niya? Binuksan ko ang cellphone ko at tinignan ang picture ni Xander, kailan kaya kami ulit magkikita? O magkikita pa kaya kami? Wala pa rin talagang pinagbago ang itsura niya. Mas lalo siyang gumwapo ngayon. Iniisip ko kung iniisip rin ba niya ako katulad ng pag-isip ko sakanya..

Tatlong taon na ang nakakalipas pero di ko pa rin naiintindihan ang mga nangyari dati. Katulad ng biglang pagbabago niya. Ng pag-iba ng turing niya sa akin. Hanggang ngayon, naghihintay ako ng mga explanasyon niya. Pero wala pa rin. Hindi pa rin kami nagkikita ulit. Minsan, iniisip ko kung magkikita pa kami o hindi na.



I'm Savannah 'Sab' Gonzales. 19 years old. Third year college student from Stewart University owned by my uncle. Nasa Amerika na ang mga magulang namin. And 'namin' means, I'm not alone in this house.. I have two brothers. Two older brothers. Sila lagi ang tinatakbuhan ko kung may problema ako. They always make me feel like I'm their princess. Nasa Amerika sila Mom & Dad, I know that they're doing it for us. I know that they're keeping our businesses alive for the sake of our future. Pero pag may mga event at kailangan sila doon, they never fail being always there. They find time for business and time for the family. Kaya thankful ako kay Lord na mayroon akong mapagmahal na pamilya.

At dahil puyat ako, at medyo nahihilo pa ako.. Di na ako nag-abala pang mag madali humabol sa pagpasok. Isa pa, wala rin akong gana pumasok. Habang nakahiga, busy pa rin ako sa paghahalungkat sa Facebook wall niya. At bumagal ang pag-scroll ng makita ang picture namin.... DATI. Kasunod nun ang iba pang mga pictures namin na pinost niya DATI. Nang matapos alalahanin ang mga picture na 'yon ay tinaas ko ulit papunta s mga recent posts na kung saan ang mga picture dati na kasama ako, solo na lang siya o kaya'y kasama ang ate o mama niya sa mga picture.

Sa tuwing makikita ko ang mga old pictures namin, iniisip ko, siguro kung hindi ako basta nagpadala sa emosyon ko ng basta basta, siguro magkasama pa rin kami. Hindi ko na nga alam kung kelan kami nag-usap ng matagalan. Hindi ko din alam kung inaalala niya ako katulad ng pag-alala ko sa kanya. Kahit sa chat, isi-seen lang niya o minsan di na niya tinitignan. At di na katulad dati na, siya lagi ang mauunang mag-message sakin. Ngayon, kung di ko pa siya ime-message, di niya makikita ang mga last messages ko sa kanya. Minsan tinanong ko siya kubg bakit di man lang niya matignan agad yung mga messages ko sakanya. Ang sagot lang niya ay "sorry, may ginagawa kasi ako eh".. Kahit na sa loob loob ko, gusto ko siyang tanungin kung bakit nagbago na lahat, kung bakit iba na siya. At marami pang iba na hindi ko naman masabi dahil iniisip ko, may karapatan ba akong mag-reklamo?

Sa tingin ko, wala. Dahil feeling ko, wala na kaming closeness o kahit friends lang. Wala na. Feel ko parang normal na friend lang niya ako sa Facebook and none other than that. Kasi kahit hanggang sa chat, parang di ko na siya makausap. Wala na ba talaga kahit small chance lang na magkita kami at magkausap ulit? Dahil sa tutuusin lang, kahit may mga crush ako sa school namin, walang nabago sa feelings ko sa kanya... I miss you, Alexander James Andréson.


•••|||•••

The One That Got Away.

Written by: catxxroses

Original story by: catxxroses


Take note: Enjoy the first part :) I don't push you to read it, I just wanna create a story here. But if you like it, please enjoy reading the story. Vote for it also and please, please be patient for the new updates of the story. Thank you! :)

- catxxroses

The One That Got Away [On - Going]Where stories live. Discover now