• TWELVE •

8.2K 158 2
                                    

Amanda POV


Aarrrrghh! Ang aga aga, naiinis ko dun kay Savannah. Hindi naman siya kagandahan pero bakit parang mas gusto pa siya ni babe Xander?! 😒😒 hindi nga sila bagay eh!

Aaminin ko, gusto ko si Xander. Sa akin lang siya dapat mapunta at hindi dun sa Savannah na 'yon.. I don't know why but I hate that girl so much. Lalo pa akong nainis sa kanya nung napapabalita yung about sa kanila ni Xander.. Like yung silang dalawa ang na-lock sa rooftop. I am sooooo pissed the moment na nalaman ko 'yun.

Basta, I'll make a way para ako

ang magustuhan ni Xander at hindi yung babaeng 'yun! Besides, andyan naman si Drake. 😒😒 'Wag niyang aagawin sa akin si Xander, baka hindi niya magustuhan ang mga pwedeng mangyari.


---


Xander's POV

Sobrang sarap ng tulog ko kagabi. At masayang pag-gising na kinalabasan ngayon.. Kagabi pa lang sa SU habang tinitignan ang mga ngiti sa mukha ni Savannah, napapangiti na din ako.. Sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti niya, gumaganda na araw ko. Kahit na hindi niya alam na ako ang nagbibigay ng mga bulaklak na iyon, kuntento na ako na makita siyang masaya..

Kaka-park ko lang ng sasakyan ko dito sa SU.. Dahil maaga pa naman at wala pa kaming klase ay dadaan muna ako sa conference room. I'll check if there's anyone in there. Baka nagpapa-meeting na naman si Ma'am Savannah. Haha. On my way to the conference room, nakasabay ko si Drake na papunta din doon. Sa pagkaka-alam ko, sa basketball practice dapat ang diretso niya ng ganitong oras.

"Naks. Ganda ng gising natin ah? Ano meron?" Pangangamusta niya sa akin.

"Haha. Wala naman. Nga pala, wala ka bang basketball practice ngayon?" Tanong ko kay Drake..

"Ah mamaya pa yun 'tol.. Makiki-usosyo lang ako sa meeting niyo haha." Tch. So makiki-chismis lang siya, ganon'.

"Ikaw talaga 'brad. May crush ka yata na gustong tignan doon e. Hindi ka pa rin talaga nagbabago, you're still a playboy. Tch." Isa sa mga playboy kong kaibigan 'yang si Drake kaya alam na alam ko na ang style ng lalaking 'yan. Haha.

"Tch. 'Brad naman, hindi na ako 'ganon.." Sabi niya lang.

Hindi na lamang ako kumibo pa dahil malapit na din kami sa conference room. Sa glass window pa lang ay kitang-kita ko na nakangiting si Savannah.. Ang sarap sa pakiramdam ko na nakikita siyang masaya.

"Sup' guys." Sabi ko lang sa kanila at automatic na napatingin sa amin ni Drake si Savannah..

"Oh, andyan na pala kayo.. Tamang tama, kaka-start lang ng meeting natin.. Teka, bakit ka pala napadpad dito Drake? 'Diba may basketball practice ka?" Tuloy tuloy na pagsasalita sa amin ni Savannah. Haha, ang cute niya lalo.

"Mamaya pa po iyon, Ma'am Savannah.. Hahaha!" Pang-aasar pa ni Drake. Tch. Talaga 'tong lalaking ito oh. Hindi ko na lamang sila pinansin at agad na akong naupo sa bakanteng upuan.. At kasabay non' ang pag-upo din ni Drake sa kabilang pwesto. Sinimulan na ni Savannah ang pagsasalita at pagpapaliwanag sa amin tungkol sa gagawing Farewell Party para sa pag-alis ni Sir C.A Stewart..

"O guys, we only have some few days to go para ayusin ang Farewell Party para kay Sir C.A.. So, iche-check ko lang sana kung okay na lahat ng posters? Yung mga foods? Yung ball party? Siguro naman, may mga partner na kayo? Hahaha. Chos lang! Parang formal/prom kasi ang theme natin.. So sana lang ok na tayo sa lahat....." Paliwanag ni Savannah sa amin.

The One That Got Away [On - Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon