• EIGHTEEN •

1.4K 30 10
                                    

Athena's POV

Days passed. Everything's running smoothly except for my situation with Timothy. Hindi pa ulit kami nagkakausap dahil hindi ko pa ulit siya pinapansin. I don't know why. It's just that I wanna take a break from all the 'always-thinking-about-him' situation. 'Pag nag-tetext siya, binabasa ko lang. I don't reply too much for now. Kung mag-reply man ako sa kanya, it's often at hindi na gaano masyadong mahaba katulad nang dati. I admit, nagkaka-ganito ako ngayon dahil sa hindi natuloy yung lakad namin the last time. Alam kong mababaw pero, I don't know. Best friend lang naman kasi ako pero nagpi-feeling girlfriend ako. Best friend lang pero nagpi-feeling ako na isa ako sa mga priorities niya.

Ang hirap pala kapag hindi ikaw yung priority 'no? Aaminin ko din na nasaktan ako nung mas pinili niyang sunduin na lang yung 'kaibigan' niya raw sa airport kaysa sa ituloy yung lakad naming dalawa. Nasaktan ako kasi unang-una, siya yung nag-yaya eh. Tapos ang masaklap pa dun, umasa ako. Umasa ako sa pag-yayaya niyang lumabas na hindi naman natuloy.. Pero mabuti na rin siguro ito sa ngayon na hindi muna kami naguusap. At least we can give each other some time for ourselves. Halos magkasama na rin kasi kami nun sa Paris.. So I thought, sa ibang bagay ko na muna ituon ang pansin ko. I just want to give more focus on myself, on my family, on my friends and on my studies.

Anyways, today is Valentine's day. Araw ng mga puso.. Maaaring hindi maging maganda para sa mga taong iniwan o in short, nasaktan at sinaktan. Pwede rin namang maging maganda para sa mga taong in love, at may ka-date.. Pero ang mahalaga, kahit not in a relationship ka or wala ka mang date, at least pwede ka pa rin mag-celebrate kasama yung mga kaibigan mo. Yung mga taong sobrang malapit sa'yo katulad ng family mo. Valentine's day isn't always about having a partner, it is also about having fun and giving love to those people who chose to stay by your side no matter what. Ngayong Valentines, medyo malungkot kasi hindi pa kami nag-uusap ni Timothy. But it's okay, makakapag-usap din kami soon. At kasama ko rin naman sila Sav para mag-celebrate today. I hope today will be great.

It's currently 8:30 in the morning.. at nandito ako sa SU coffee shop na nagmumuni-muni habang hinihintay sila Savannah. Actually 9:00 AM pa talaga yung exact meet up time namin. Sinadya ko lang talaga na agahan yung pagpunta ko dito sa SU dahil nabobored lang ako sa bahay.

I'm currently sitting on this comfy couch beside the window.. I sipped my hot chocolate espresso then put on my earphones. Itinutok ko ang aking tingin sa mga taong nasa labas na dumadaan dito sa coffee shop. Karamihan sa mga estudyante ay masaya dahil kasama nila ang mga kasintahan at mga kaibigan nila..

Biglang sumagi sa aking isipan si Timothy. Napaisip ako kung bakit sa lahat lahat ng mga kaibigan kong lalaki, sa kanya pa ako nagkagusto. Marami namang iba diyan pero nagkagusto ako dun pa sa taong alam ko na hanggang 'kaibigan' lang ang mapapala ko. Pero masaya ako tuwing kasama siya, gusto ko na makausap siya lagi bago matapos ang isang araw. Kapag magkasama kami, everything's fine. Whenever I look at his pretty brown eyes, hinihiling ko na sana ako na lang ang hinahanap-hanap ng mga iyon. His voice is my favorite sound. Voice that I've always wanted to hear just to make my day.. His laugh, his smiles, his pretty brown eyes, his voice. HIM. With him, I feel so happy. Unexplainable happiness to be honest. But with all that things I feel for him, I ended up being just a friend. Masakit mang isipin, kailangan ko na lang tanggapin.

Nang walang magawa, tinignan ko na lang ang wall clock na nasa harapan sa may itaas ng counter.. Wala pa ring 9 o'clock pero malapit lapit na kahit papano. Hayst! Ang bagal talaga ng oras kapag wala kang masyadong ginagawa at nakapirme ka lang sa isang lugar.. Sabagay, ayos na din 'to kaysa naman na nasa kwarto lang ako sa bahay.

Naagaw ang pansin ko nang may dalawang tao na pumasok dito sa coffee shop.. Isang magandang babae at isang pamilyar na lalaki.

Wala sa sariling sinundan sila ng aking tingin. Sino naman 'tong mga ito at bakit sila sinusundan ng tingin ko? Ugh!

The One That Got Away [On - Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon