Chapter 41
MATTHEW SPENCER
"Wag na wag niyong sasaktan si Nicole!!" sigaw ko habang pinipilit na kumawala s
a mga nakatali sa king mga silver na kadena. Nasa isang madilim na bodega ako ng
ayon.
"AHHHH!!!" napasigaw na naman ako sa sakit. Habang pinipilit ko kasing makawala
sa kadenang nakakabit sa dalawang kamay ko, napapaso ang balat ko rito.
"Hindi naman namin siya sasaktan." biglang sumulpot sa harapan ko si Mr. L at ng
umiti.
"Kasi hindi kami ang gagawa nun kundi ang mga estudyante mo mismo sa academy mo.
. Diba, hinahanap nila kayo ngayon? Dahil sa pagtratraydor niyo?" puno pa nito.
Naguluhan ako sa sinabi niya.
Ang academy?
Bakit naman sila masasali?
"A-anong ibig mong sabihin?" tanong ko rito.
"Well.. sinabi ko sa kanya na nahuli ka ng Vampire's Association.. Nahuli ka na
ng pinakaiisa mong pinsan na si Ciera pati na rin ang pinakamamahal kong anak na
si Stephen. Mag-isa niyang susugurin ang academy niyo." sagot naman nito sabay
lapit sa kin.
Kinuha nito ang sigarilyo sa bulsa at sinindihan ito. "Ano? Kakampi ka na ba sa
min?"
Binuga naman nito sa kin ang usok na galing sa bibig nito.
"Think wisely." pagkatapos nun ay umalis na siya at iniwan lang ako.
"Teka!!" sumigaw ako.
"AHHHH!!" napaso na naman ako nang nagpumilit na naman akong makawala sa kadena.
Nicole..
Patawarin mo ako..
***
CIERA SANCHEZ
Lumabas muna ako sa council room para magpahangin.
Nakakainis kasi ang baliw na Stephen na yun. Inaasar na naman ako. =__=
Minsan, nabubwisit na ako eh. Pasalamat siya, mahal ko siya. =///=
Hanggang sa nakalabas na rin ako sa building.
"Hayss. Kailan ba dadating yung mga estudyanteng sinasabi ni Mr. Reyes?" reklamo
ko. Ang tagal eh.
"Ciera."
Napatingin ako sa gilid ko nang may nagsalita.
Si Nicole..
"N-Nicole??" napaatras ako. Anong ginagawa niya rito?
At kung nandito siya..
Nandito rin si Matthew..
Naglakad naman siya papalapit sa kin.
"Ciera.."
Mas lalo naman akong napaatras sa ginagawa niya.
"T-teka.." naguguluhan ako sa expression niya. Parang galit na galit ito.
"Ciera, nasaan si Matthew?!" nagulat ako nang sumigaw siya.
Si Matthew?
Bakit niya hinahanap dito si Matthew?
![](https://img.wattpad.com/cover/77372331-288-k696871.jpg)
YOU ARE READING
Vampire Academy (Completed)
VampireThis story is not mine. Kinopya ko lang sa isang document kase some readers are finding this story. I'm not sure if binura na to ng author kaya naglaho na but this story is amazing so I decided na i-upload ang complete story ng Vampire Academy :) En...