Chapter 49
MATTHEW SPENCER
"AHHHHHHHH!!!" hinagis ko yung mga gamit na nasa mesa kaya nagkabasag-basag ito
sa sahig. Nandito ako ngayon sa kwarto ko sa bahay.
Nagwawala.
"ARGHHHH!!" kinuha ko yung lampshade sa gilid at hinagis sa pader.
Magulong-magulo na ngayon ang kwarto ko.
Hindi ko na alam..
Hindi ko alam kung ano ng nangyayari sa sarili ko ngayon..
.. galit.. pagkamuhi.. kasamaan..
"AHHH!!" sinuntok ko ang salamin sa harapan ko ng kalakas-lakas kaya nabasag din
ito.
Nasugatan ang kamay ko pero kaagad rin itong naghilom.
***FLASHBACK***
"Anong ginagawa mo rito, Vivien?" halatang naguguluhan ako nang sumulpot siya at
niyakap ako.
"Hmm.." bumuntong hininga siya. "Matthew, please... tigilan mo na 'to."
Kumunot ang noo ko nang sabihin niya iyon.
Pumunta siya para sabihin lang ang mga katagang yun?
Parehas lang pala silang lahat.
"I thought you were different. Pero parehas lang pala kayo. Hindi niyo ako naiin
tindihan." nakayuko kong sabi sa kanya at iniiwisan na magtama ang mga mata nami
n.
Looks like I expected too much.
Akala ko may kakampi na ako.
"Matthew.. Bakit ka ba nagkaganyan?" medyo tinaasan niya ang boses niya.
"Nagbago ka na.. Hindi na ikaw yung Matthew na masayahin at mabait.. Simula nung
namata sina Tita Kendra, nawala ka na sarili mo. Unting-unti ka ng nilalamon ng
galit sa puso mo, Matthew!" puno niya.
"Nababaliw ka na, Matthew!"
Naikuyom ko ang mga kamay ko at tumingin sa kanya ng direcho.
"TUMIGIL KA!" singhal ko na ikinagulat naman niya.
"Hindi mo alam kung ano pinagdadaanan ko.. lahat ng mahal ko sa buhay, namatay..
ang pamilya ko.. si Yuno.. si.. Nicole.. pati ba naman ikaw Vivien?! I treated
you all as my friend! I treated you as if you are my little sister!" sinigawan k
o siya.
Hindi ko alam pero mas lalo akong naiinis sa sinasabi niya.
Natahimik siya sa sinabi ko.
"Sa tingin mo ba, sinong hindi mababaliw sa kalagayan ko ha?! Naging mabait ako
sa inyo lahat.. Tinuring ko kayong mga kaibigan ko.. Tinutulungan ko kayo pero a
no.. ito! Ito ang naging kapalit! Ang pagkawala ng mga mahal ko!" may namumuong
luha na sa mata ko.
I can still feel the pain.
Bumuntong hininga ako para mapigilan ang sarili kong magwala.
"Tutal, wala na akong rason para mabuhay pa ng matagal.. maghihigante ako sa kan
ila." sabi ko at tumalikod.
JE LEEST
Vampire Academy (Completed)
VampierThis story is not mine. Kinopya ko lang sa isang document kase some readers are finding this story. I'm not sure if binura na to ng author kaya naglaho na but this story is amazing so I decided na i-upload ang complete story ng Vampire Academy :) En...