Chapter 50
LEON MAIVEN (POV NI MR. L)
"INIBA NINYO ANG MGA NAKASULAT SA PROPESIYA." sabi sa kin ni Terry, isang fortun
e teller at isang matandang dalaga. Sa kanya kasi ako pumupunta kung may kailang
an akong malaman.
Nag-iba ang kulay ng mga mata niya. Naging kulay gold na ibig sabihin ay may iba
pa siyang nakikita.
Nandito kami ngayon sa bahay niya, nakaupo kaming dalawa sa sahig na magkaharap
habang may mesa sa gitna namin.
Napayuko ako at tumingin sa kanya ng seryoso. "Alam ko." tipid na sagot ko.
"Kaya nga ako ay nandidito para malaman kung anong gagawin ko para maiwasan ang
nalalapit na kaguluhan na iyon." puno ko.
Napatayo siya. "Iniba niyo ang nakatakda! Naging bampira ang tagapaslang ng mga
lahi niyo bago pa man siya magdiseotso!" mas nilakasan niya ang boses niya nang
sabihin iyon. Mas nakakasindak tignan ngayon mukha niya.
"Ang kaarawan niya..." sambit pa nito at lumapit sa nakakabit na kalendaryo sa p
ader niya. Binuklat-buklat niya iyon.
"Sa susunod na linggo... kaarawan na niya. Mas naging maaga ang digmaan ninyo! H
indi na iyon mapipigilan!"
Kaagad siyang lumapit sa kin at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "Mamamatay
kayong lahat! Lahat ng mga bampira."
Bigla naman naging normal ulit ang mga kulay ng mga mata niya. "Patayin niyo.. P
atayin niyo ang tagapaslang bago pa man ang kaarawan niya... Patayin mo rin.. an
g anak... MO."
Napabuntong hininga ako. "Kung iyan ang magiging solusyon ng lahat, gagawin ko."
***
CIERA SANCHEZ
Napatayo naman ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa sa may sala nang dumating na si
na Mrs. Maiven at si Stephen.
At napapansin kong ang lulungkot ng expression nila. May problema kaya??
"Ah.. Stephen.." panimula ko.
Lumingon lang siya sa kin at binigyan ako ng masamang tingin, pagkatapos ay nagp
atuloy na lang sa paglalakad at hindi ako pinansin.
Napalingon din naman sa kin si Mrs. Maiven saka ngumiti. Pagkatapos at bigla niy
a akong niyakap.
"Maraming salamat talaga sa lahat Ciera.. Maraming salamat.. Lalung-lalo na para
kay Stephen." sambit niya at pagkatapos ay kumawala na siya mula sa pagkakayaka
p sa kin at sumunod kay Stephen.
Naguguluhan ako sa mga ikinikilos nila. May masamang nangyari ba?
May panibago na namang problema?
Sana naman wala.
*
Ilang oras ang lumipas, napag-isipan kong puntahan si Stephen sa kwarto niya. Hi
![](https://img.wattpad.com/cover/77372331-288-k696871.jpg)
YOU ARE READING
Vampire Academy (Completed)
VampireThis story is not mine. Kinopya ko lang sa isang document kase some readers are finding this story. I'm not sure if binura na to ng author kaya naglaho na but this story is amazing so I decided na i-upload ang complete story ng Vampire Academy :) En...