♀♀ Chapter 7

4K 65 6
                                        

♀♀ Chapter 7: SELOS part 1

I will always care for you, even if we're not together and even if we're far, far away from each other.

✉ Thankyou sa bagong follower @AllineCerillo at sa mga voters ng If Only :)

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = ==

SUNSHINE's POV

Nalungkot ako sa sinabi niya... bakit kahit anong gawin kong pag-arte para mawala yung ilangan wala pading epekto sakanya?

"Oh may kuryente na. Pasok na tayo sa loob!" Pagkatapos namin mag-usap, nagkaroon na ulit agad ng kuryente. Hindi ba mukhang scripted lang lahat para makapag-usap kami? Lord, pwede bang magbrown out ulit para makapag-usap kami ulit?

Nauna siyang tumayo, dumirederetso siya at hindi na ako nilingon.

Mabuti na yun... kesa mabasa ko pa yung sinasabi ng mga mata niya. Alam ko namang marami ng nagbago... pero hindi ba pwedeng ibalik yung friendship?

Bes... miss na kita.

Pagpasok sa loob nilapitan niya si Belle pero ayaw gumising. Inalis niya yung pagkakayakap nito kay Aya -Nagselos siya kay Aya at Belle- tapos binuhat na niya papasok sa kwarto nila.

Hindi ko naman kayang buhatin si Aya kaya imbis na iwan ko siya sa may lapag sa sala eh tumabi na lang ulit ako sakanya. Blanko ang isip ko nung mga oras na yun. Pero... bakit ganun? may kurot parin ng sakit sa nakita ko. Sinubsub ko yung ulo ko sa likod niya at yinakap siya ng mahigpit.

Naramdaman kong kumilos at medyo nilingon niya ako "Aya, payakap. Kahit ngayon lang..."

DAWN's POV

Naglakad ako ng walang lingon-lingon ... ayaw ko na mabasa niya pa ang nararamdaman ko. Ginising ko si Belle pero hindi padin siya magising... -Ano ba yan, nakayakap pa kasi siya kay Aya ang hirap tuloy niyang buhatin- kaya binuhat ko na lang siya papasok sa kwarto.

Akmang isasara ko na yung pinto ng makita ko silang magkayakap. Gumalaw pa si Aya at humarap sakanya... pinahiga niya si Shine sa balikat niya. nakasubsob pa yung ulo ni Shine sakanya.

Bestfriend? Gusto mo ako maging bestfriend ulet? ... Di mo na kailangan nun.

Sinara ko ang pinto at natulog na din.

☼ K I N A B U K A S A N ☼

"Goodmorning beebidybobody ko"yinakap ako ni Belle tapos hinalikan ako sa pisngi.

"Goodmorning din. Dito muna tayo" yinakap ko siya pabalik sa kama

"Tara! Tayo na tayo baka malate pa tayo"

Paglabas namin, nakita namin sila ni Aya na dun parin nakahiga at magkayakap padin.

"Ayun na ang sinasabi ko! hahahaha. Sabi ko na nga ba may something fishy sa dalawang yan"

"Sus. Eh kagabi nga pati ikaw nakayakap kay Aya"

"Weh? Di nga??"

IF ONLYWhere stories live. Discover now