♀♀ Chapter 38: PART ONE

1.4K 56 11
                                        

♀♀ Chapter 38: LOYALTY AWARD

Maraming taong pwedeng dumating sa buhay mo, marami kang pwedeng ibigin pero iisa lang ang tunay mong papakamamahalinIkaw Lamang ABSCBN

✉Dedicated po itong chappy na ito sa pinakaunang nagvote ng chapter 37 si @vianneyaa hihihi random lang. Nakakatouch eh. Antagal ko ng di nagupdate tapos kakapost ko lang vinote na niya agad.

Thankyou po sa mga nagcocomment dyan :D team aya or team dawn? Humihina ang kampo ni Dawn haha.

 

Theme song for this chappy: A THOUSAND YEARS

 

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =

SUNSHINE’s POV

Fireworks, ferris wheel, romantic na gabi… kasama ko ang taong mahal ko. Lagi kong pinapangarap na sana someday may taong magpropropose sa akin ng ganito. Na may taong hihingiin ang favor sa akin na makasama ako habang buhay.

Hindi ko inaasahang mangyayari.

At mas lalong hindi ko inaasahang si Aya ang taong iyon.

“Mahal kita” sa sinabi niya ay napatigil ang mundo ko. “Hindi ko alam kung papaano sasabihin o kung papaano sisimulan. Pero gusto kong malaman mong mahal kita. Sunshine Suarez, mahal kita.”

“Aya…” kasukbit nito ang mga pag-aalalang nararamdaman ko. Eto nanaman… isa sa mga pinakamalapit kong kaibigan ang nagaalok sa akin ng pag-ibig.

“Hindi mo kailangan sumagot sa sinabi ko. Hindi iyon tanong. Sorry kung—hindi ko natupad yung promise ko sa iyo na hindi ako maiinlove sa iyo. Sorry kung—natalo ako sa deal nating dalawa. Hindi ko kaya… at ayaw kong manalo sa deal natin sa harap mo pero sa loob ko simula pa lang alam kong talo na ako.”

Naiiyak-iyak ang boses niya, muntikan akong macaried away pero tinatagan ko ang loob ko saka sinabing “You loose the deal. And now, anong ginagawa mo? Tumataya ka ulet? Tinataya mo yung puso mo.”

 

“I’d rather loose the deal than to loose the chance to fix your broken heart.”

 

“Okay lang naman ako eh. Sino ba nagsabing broken hearted ako?”

“Sinasabi ko ito sa iyo kasi I want to let you know na hindi lang si Dawn ang may kayang mahalin ka ng totoo.” Hindi ko pa ata nakausap ng ganito kaseryoso si Aya

 

“If you would just let me…”

 

Takot, doubt, hindi ako sigurado, nagugulumihanan ako. Sakto sa pagbaba at pagtigil ng ferriswheel. Bumaba ako agad at sinubukang maglakad ng mabilis papalayo sakanya.

IF ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon