♀♀ Chapter 43: Day 21
There’s never been a day she’d never surprised me.
✉hehe nahirapan ako. Pwede pahingi ng tips kung paano manligaw? –Aya
= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =
✎DAWN’s POV
♫ “There’s something that I’ve got to say. You’re always with me even though you’re far away. Talkin to you with my cell just the sound of your voice makes my heart melts ~ it’s true.” ♫
Nagising ako sa lakas ng boses niya. Nagising ako ng nakangiti, Nagising ako ng para bang sa tana ng buhay ko eh ngayon ko lang ito ulet naramdaman. Finally, bating-bati na kaming dalawa.
Tumayo ako at kinatok ang pinto ng kanilang silid. Hinawakan ko ang knob at pumasok nung malamang hindi pala ito nakalock.
♫ “I’m all about you. I’m all about us. Oh baby you never have to question my love~”♫
Nakatalikod siya hawak ang ipad niya at bumibiritbirit pa. Natatawa-tawa akong lumapit sakanya
♫ “But it’s always you I’m singing about. Oh girl, I’m all about you.” ♫
“Oy, ano ginagawa mo?”
“Bes, maganda to! Starmaker na app. I-download mo. para kang nagvivideoke oh. Oh ikaw naman” sabay bigay nung mic niya sa akin.
♫ “I know your worry sometimes, some other girls will make me forget you’re mine. There’s not a doubt in this world, that any one could take the place of my number one girl.” ♫
“Shine, may dala akong pagkain?” siya namang pagpasok ni Aya
Tumayo siya saka tumakbo sa may kusina at sinabing “Totoo??”
Napangiti ako.
“It’s true.”
I’m all about you, I’m all about us~
Patuloy na nagplaplay yung kanta sa ipad niya nung sinundan ko siya sa kusina.
“Alam mo bes, crush na crush ko yan si Aaron Carter dati” sabi niya habang hinahanda ang pancake na agahan. “Ako din naman eh!”
“Tignan mo. Aagawan mo pa ko”
YOU ARE READING
IF ONLY
General Fiction♀♥♀Tungkol ito sa dalawang taong mas piniling magmove on na lang at harapin ang kasalukuyan. Tungkol sa dalawang taong mas piniling wag ng lumingon sa nakaraan, at ipagpatuloy ang buhay kahit na wala na ang isa't-isa. Tungkol ito sa mga taong takot...
