♀♀ Chapter 26: [THE CONTINUATION]

2.5K 39 3
                                        

♀♀ Chapter 26: [THE CONTINUATION] MY ONLY SUNSHINE: I LOVE YOU

"I want you to be my first and my Last"-Jireh Lim

✉Sorry sa matagal na pagaantay : ) pero worthy naman kasi nakakita na ako ng maghaharana at magpapakilig sa inyo. Dandanandanan~ Writer din siya dito sa wattpad, siya yung nagsulat ng MORE THAN FRIENDS at katulad ko pareho palang kaming baguhan sa pagsusulat. Ang gaganap sa prince charming nating si DAWN sa kwentong IF ONLY ay si ~~~~~@Jdee25. PASAMPLE PA LANG NIYA YUNG IPOPOST KONG LINK, PAKINGGAN NIYO HA! salamat sa mga sumuporta sa kabaliwn ko sana hindi kayo magsawa. Keep voting!~ ;)

https://m.soundcloud.com/jerdee/you-are-my-sunshine

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = ==

Pag-uwi ko, pinark ko yung sasakyan ni Aya sa paraan na hindi niya mahahalatang may gumamit nito.

Umupo ako sa sofa at sinandig ang ulo ko dito. Para akong nghina sa kwenento ni Martin sa akin.

Kinuha ko yung gitara ko. Gusto ko sanang pasiyahin ang bestfriend ko ngayon pero hindi ko alam kung paano. Madaling araw na at baka mahimbing na ang tulog nun. Tumayo ako at umupo sa labas ng pintuan nila saka ko kinumpas ang gitara ko.

"You are my sunshine,/ my only sunshine. You make me happy/ when skies are grey. You never know dear /how much I love you... /Please/ don't take my/ Sunshine away"

Nakarinig ako ng tunog na para bang bumukas ang pintuan sa likod ko. Pagtayo at pagharap ko

Biglang bumungad sa akin si Sunshine at yumakap sa akin ng mahigpit.

Nakasubsob lang yung ulo niya sa balikat ko. Amoy na amoy ko ang halimuyak ng kanyang buhok, ilang segundo pa ay yinakap ko na din siya pabalik.

Matagal na bago ko siyang nakitang ganito.

Hindi ako sanay na umiiyak siya.

Inangat ko ang kanyang ulo sa pamamagitan ng dalawa kung palad. Nagtapat ang aming mga noo.

Napapikit din ako tulad niya na para bang ramdam ko din ang sakit na dala-dala niya.

"Bes, tahan na"

Pinahid ko ang luha niya at inakay siya sa labas, sa tambayan naming dalawa.

Nakayakap lang siya sa tuhod niya habang nakaupo at nakatingin sa kawalan. Ganoon siguro siya naapektuhan sa naging pasyente niya. Nakikita ko lang naman siyang ganito nuon sa tuwing nakakakuha siya ng line of 7 sa card nung highschool pero... hindi siya ganitong tahimik. Tiyak, mas masakit ang nararamdaman niya ngayon.

"Magsalita ka naman oh..."

Tumingin lang siya sa akin saka nagbuntong hininga.

"Kung yung pasyente mo ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan... ginawa mo naman lahat eh. Para gumaling siya, ginawa mo ang lahat"

✎SUNSHINE's POV

Napakalambing talaga ng boses niya. umiwas man siya ng tingin sa akin habang nagsasalita siya, ramdam ko padin yung damamin niyang nakiki-isa sa akin. Ang mga mata niyang kay kikinang... yung yakap niya na para bang wala ng makakapanakit sa iyo kasi nandun na siya.

Dawn, ikaw padin. Ikaw padin talaga ang taong nakakapagalis ng lungkot ko. Ikaw padin, ikaw padin talaga... ikaw padin... ikaw padin ang- hindi... hindi iyon... bagkus ang bestfriend ko.

"Magsalita ka naman na oh... mukha na akong timang dito. Nasabi ko na lahat ng pwede kong sabihin eh"

Napangiti ako, halos hindi ko na narinig yung mga sinabi niya.

IF ONLYTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang