♀♀ Chapter 38: UNRESOLVED PAST
“Heal the past, Live the present, Dream the future”
✉Sorry pows natagalan sa update. :p
= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = =
✎SUNSHINE’s POV
“Sunshine? Sunshine?” Narinig ko ang boses ni Aya habang kinakatok ako sa may c.r. haaaay bakit ba kasi kami magkakwarto? Gusto ko i-lock ang sarili ko pero saan? Wala na akong ibang maisip kaya naman dito ako nagtago.
Dati, na-o-o.a-han ako sa mga magkaibigan na na nainlove sa bestfriend niya tapos nagdradramahan. Naiinis ako pag umiiyak yung bida, eh ano naman kung type ka ng bestfriend mo? e di sagutin mo kung gusto mo, basted-in mo pag ayaw mo.
Pero hindi pala yun ganoon kadali nu?
“Matagal ka pa ba sa c.r? –sige sa office na lang ako maliligo”
“Aish~” napafacepalm na lang ako. Baka isipin niya porket off ko, tumatambay na ako sa c.r. Paano nga ba naman ako magtatago eh kahit pala c.r namin iisa lang.
Pagbukas na pagbukas ko sa c.r umarte ako na parang ansakit ng chan ko kaya sabi tuloy ni Aya “Okay ka lang?”
“Oo, okay lang ako. Sumakit lang kanina yung sikmura ko” tapos pumasok na siya sa banyo, nagstay naman ako sa sala.
Haaaayy… kinuha ko ang laptop ko at nagsimulang magtype.
Dear Diary,
Kung yung normal na si Sunshine lang to, malamang nasagot ko na agad-agad si Aya kagabi pa. Hindi naman kasi ako yung tipong nagpapaligaw kaya naiirita ako pag may nagtatanong sa akin ng ganoon. Pag gusto ko, gusto ko. sagot agad! Pag ayaw ko, kahit ipagpilitan mo pa yan sa akin… kahit bigyan mo pa ako ng sampuung milyon… teka sampung milyon yun ha! Teka pag-iisipan ko muna. Hahahaha.
Hindi nabibili ang puso. Kahit ikaw ang pinakamayaman sa mundo at kailangan mo ng agarang heart transplant… hindi basta-basta nabibili ang puso. Kasi yan, yung bumubuhay sa iyo eh. Iyan ang nagpaparamdam sa iyo na buhay ka. Sa bawat pintig niyan, sa bawat sakit at sayang mararamdaman mo… yan ang patunay na nabubuhay ka.
Kaya nga nung nakaraan sabi ko kay @ManagerAki, penge naman ng lovelife. Hahaha. yung sakit kasi at saya na dulot nito ang nagbibigay variation ng kulay sa buahy mo.
So anong connect nito kay Aya?? Hahaha.
Pwede ko naman sagutin lahat kung sinong trip ko… pero si Aya?
Nakakatakot mainlove ng totoo.
YOU ARE READING
IF ONLY
General Fiction♀♥♀Tungkol ito sa dalawang taong mas piniling magmove on na lang at harapin ang kasalukuyan. Tungkol sa dalawang taong mas piniling wag ng lumingon sa nakaraan, at ipagpatuloy ang buhay kahit na wala na ang isa't-isa. Tungkol ito sa mga taong takot...
