♀♀ Chapter 9

4.1K 70 19
                                        

♀♀ Chapter 9: GALLEMA

Sometimes being understanding is more important than being right... Sometimes we need not a brilliant mind that speaks but a patient heart that listens. Not a keen eyes that always see faults but open arms that accpet. Not a finger that points aut mistakes but gentle hands that lead. -Anonymous via Tumblr

✉Dedicated to Aya, kahit anhirap mong intindihin friend padin kita at kay GypsyWhiskyTipsy thankyou kasi napangiti mo din ako sa kinoment mo. ;)

THANK YOU PO sa mainit niyong pagsuporta! Araw-araw, o kada chapter na ina-upload ko natutuwa ako kasi andaming bagong naglalagay sa library nila ng If Only. Andaming bagong nagcocomment at nagvovote. Hindi ko po eneexpect na mapapansin niyo to, nakakataba lang ng puso hihihi (drama) nagsulat lang naman ako dito para lang mailabas yung nasa isip ko. natutuwa ako kasi napapasaya ko yung araw niyo :*

= = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = = ==

AYA's POV

"MOOOOOOOOOOOOOOWWWWW"

"Grabe makahilik si Shine, kala mo may alaga tayong baka sa bahay"

"Baka naman napagod lang sa duty kagabi"

"Eh lagi naman pagod yan."

"Buti na lang pang gabi siya, kundi hindi ako makakatulog sakanya"

Tulog na nga si Shine, siya padin yung bida sa bahay. Siguro nadadapa yun sa mga panaginip niya ngayon. Si Belle yung nagluto ng lunch namin. For sure masarap yun. Si Dawn naman nagbubutingting ng iphone niya. Haay nakakainggit naman. Sana ako din pwede ko gawin yan sa off ko.

"Lagi na lang laptop yang kaharap mo"

"Oo, andami kasing kailangan tapusin eh"

"Ahh wag ka mag-alala nagluto ako ng may sabaw para mawala yang stress mo"

Ang bait talaga ni Bell. Kaya rin siguro niya pinili na lang din magmove on.

⌛⌛⌛⌛

"Tara na kain na tayo. Beb, kain na. Maya na yang kakalaro ha. Aya, gigisingin ba natin si Shine?"

"Ahh baka gabi na yun magising"

Inalis ni Dawn yung headset niya tapos kumatok sa kwarto ni Shine "Kain na" saka umupo sa hapag.

Nagulat ako ng lumabas si Shine sa kwarto at nakaligo na din.

"Goodmorning Belle!"

"Hapon na kaya!"

"Alam ko. Para lang maiba yung sinasabi mo sa tuwing makikita mo ko hehehe"

Hay naku Shine, wala kang karapatan sungitan si Bell siya kaya nagluto ng lunch!

"Ang aga mo nagising ha."

"Off ko ngayon. Ayaw ko naman matulog lang boong off ko. Change of schedule na after this, morning na ako" Naku po lagot na. Kanina pinag-uusapan lang namin ni Belle to eh

"Ahh may pasok ka bukas ng umaga?"

"Yep. Belle, ansarap mo magluto. One time, turuan mo naman ako oh!"

"Sure!"

Nakatingin kami lahat kay Shine nung kumuha pa siya ng pangatlo niyang round.

"Ahh sorry. Hanggang mamayang gabi pa ba tong kanin?"

IF ONLYМесто, где живут истории. Откройте их для себя