One Night Mistake

1.3M 12.1K 378
                                    

Hi this is my first written story here in Wattpad. Hope you'll enjoy reading it as much as I enjoyed writing it! Thank you! 😘

Read at your own risk, cause some scenes may not suitable for young readers. 🙊

PROLOGUE

Nagising ako sa paghingang naramdaman ko sa bandang ulunan ko. Dahan-dahan akong dumilat at nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko ang posisyon ko.

My head was leaned against a man's naked chest, while his legs and arms were wrapped around me. Pero paano 'to nangyari?

Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko at bumalik sa alaala ko ang mga pinaggagagawa ko sa bar kagabi at ang pagsama ko sa lalaking ito.

Shit! I just slept with this stranger beside me.

Mahinang hinampas ko ang noo ko nang mapagtanto ko ang kagagahan ko. Dumilat ako at nag-isip kung paano ako makakaalis sa pagkakayakap ng lalaking ito sa akin.

Unti-unting kong naalala ang nangyari kagabi. Kailangan ko na talagang makaalis bago pa siya magising at maabutan niya ako dito sa unit niya, which was the last thing I wanted to happen.

Dahan-dahan akong umalis mula sa pagkakapatong ng hita at braso niya sa katawan ko. Akala ko talaga ay magigising ko siya sa ginawa ko, kaya nagpasalamat ako na nakawala ako sa pagkakayakap niya, without waking him up. Kahit medyo masakit pa ang ulo ko at ang buong katawan ko ay pinilit kong tumayo at hanapin ang mga damit ko. Noong nakuha ko na ang mga damit ko, agad-agad ko itong sinuot at nagmadali akong umalis at sumakay na sa elevator.

"What have you done, Lara?" inis na tanong ko sa sarili ko.

-----

WRITTEN BY: bluekisses

© October 25, 2013

-----

Enjoy reading :)

-LEYN-

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon