FORTY FIVE

381K 5.2K 167
                                    

dedicated to my Bestfriend @chasingBunny

CHAPTER FORTY FIVE

LARA

"Anong gusto mo?" Paangil na tanong ni Ric.

"Galit ka?" taas ang kilay na tanong ko.

"Hindi po, eto naman di mabiro." mabilis na bawi nya agad.

"Good, ibili mo na ako nung chick chick." utos ko, na ang tinutukoy ay yung one-day old chick na kanain ko noon sa park. Nakita kong nanlaki ang mata nya.

"Yun uli? Kakakain mo lang nun kahapon ah." reklamo nito.

"Akala ko ba bibilhin mo lahat ng gusto ko?" nagtatampong tanong ko, na parang iiyak na grabe, di naman ako gan'to kay Ethan nun.

"May sinabi ba akong di kita bibilhan?" bawi agad nito, nadala na kasi yan nung umiiyak ako buong umaga kasi di nya nabili yung gusto ko.

"Okay ibili mo ako ng durian." Laglag balikat sya sa sinabi ko.

"Durian? Babe naman, saan ako kukuha nun dito sa Baguio?"

Tinaasan ko sya ng kilay at namewang pa ako, kaya no choice na sya kundi tumayo. Alam kong hindi mahirap na mahanap yung chick-chick, kasi nabili nya na ako nun kahapon, diring-diri nga sya habang kumakain ako eh pero yung durian, yun ang hindi ko sigurado, sana may makita syang Durian sa Baguio.

Eh anong magagawa ko? I'm craving. Palabas na sana s'ya ng pinto nang bigla s'yang bumalik may nalimutan ata. "Kiss ko Babe," ki-kiss na sana sya kaya lang umilag ako.

"Ambaho mo, mamaya ka na ku-miss pag nakaligo ka na at nabili mo na yung pinapabili ko."

Busangot ang mukha nyang umalis sa harap ko. Naawa naman daw ako sa itsura nya, pero hinayaan ko na, mamaya ko nalang sya babawian pagbalik nya.

Oo, nasa Baguio kami, for a family vacation. Pinayagan, naman ako ng Doctor ko, kaya eto, dito nalang kami pumunta para pwedeng i-drive. Dito kami ngayon nag ii-stay sa bahay na binili ni Ric three years ago.

It's been three months, mula nung aksidente and I am now on my 4th month of pregnancy, at ang kawawa kong asawa ang napaglilihian ko. Hindi na rin pala ako nagta-trabaho kasi hindi na ako pinayagan ni Ric mula nung nalaman naming buntis ako, and besides, naka-merge na naman na ang business namin kaya sya na talaga ang nagma-manage at sumalo sa trabaho ko.

Atsaka ako kasi ang kasama ni Ethan mula nung lumabas sya ng ospital, kasi bukod sa mga sugat nyang pinapagaling ay pina-therapy namin sya for two months which turns out fine. Kasi ayos na ang anak ko, nakakatuwa nga kasi parang wala lang yung nangyari sa kanya noon.

Yung kaso naman tungkol kay Racel, well kasalukuyan s'yang nasa rehabilitation center, because a week after n'yang magwala sa ospital ay naka-usap ng mga pulis ang mga magulang nya and they found out that, Racel is psychotic. Nagkaroon daw kasi ito ng matinding depression, nung bata, she undergoes some therapy session na naging maayos naman. Kaya inakala ng pamilya nya na okay na pero, lumalala pa daw yun due to her insecurities and worst, talagang nawawalan na sya ng control.

Sinubukan na daw uli nila ipatingin si Racel ng ilang ulit, pero hindi naman ito uma-attend sa mga sessions. Wala naman din daw silang nakitang anuman sa anak nila, kaya hinayaan na muna nila.

"Mommy," napatingin ako sa may hagdan kung nasaan nakasilip si Ethan.

"Come here Sweetie, join Mommy here." malambing na pagtawag ko dito. "Careful Sweetie..." paalala ko dito nung pababa na sya ng hagdan.

"Mommy, where's Dad?" tanong nito nang makalapit sya sa'kin.

"Your Dad? He just goes out to buy Mommy and Baby some foods." sabi ko dito na nakahawak pa sa tiyan kong lumalaki na, napangiti naman ito sa sinabi ko.

One Night's Mistake (Published under Summit Media's Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon